Frontliner

0 8
Avatar for mooontivated
3 years ago

To all FRONTLINERS (Alagad ng Medisina)

Dulot niyo'y PAG-ASA nung kami ay tumatangis
mapag-kalinga niyong kamay pagaalaga niyo na labis
buhay man ay malagay sa tiyak na kapahamakan
Ito ka't nagbabantay at nakikipag sapalaran

hindi kayang bayaran ng salapi buhay mong nailigtas
pagod at pagsasakripisyo na walang katumbas
kahit na maaaring, buhay niyo ang kapalit
posibilidad na sa inyo biglang dadapo ang sakit

mga nagbuwis ng buhay para lang magampanan
ang sinumpaang tungkulin hudyat man ay kawalan
ng bahay na masisilungan sa takot, Itinaboy!
Sukli ay pangdidiskrimina nilulubog sa kumunoy

Ganyan ba? kung tayo'y tumanaw ng utang na loob
Imbis loob palakasin sila'y ating nilulubog
Bayaning naturingan di nagbigyang halaga
pano na lamang tayo? kung sila ay mawala

Kaya kapatid respeto! Sayo nakasalalay
Kaysa punain tayo ang syang umalalay
ito ang magsisilbing boses na di masabi ng marami
para sa alagad ng medisina bigyang pugay ang BAYANI!
- Alfred Solomon

2
$ 0.00

Comments