Ang gatas ng ina ay isa na siguro sa maituturing na pinakamagandang regalo para kay baby simula sa kanyang pagsilang. Itinuturing ngang "liquid gold" o kayamang ginto ang gatas ng ina sapagkat marami ang mabuting naidudulot nito kay baby. Nagbibigay eto ng sapat na nutrisyon kay baby at maganda siyang pagkakataon upang magkaroon na matibay na bonding ang mag-ina.
Hindi man madaling bagay ang breastfeeding para sa lahat ng nanay pero masasabing “worth it” talaga dahil sa benipisyong naibibigay nito. Kaya nga inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang ekslusibong breastfeeding sa mga baby mula pagkapanganak hanggang mahigit sa anim na buwan.
Bakit itinuturing na liquid gold ang gatas ng ina
Katunayan, pagkalabas ni baby isinasakatuparan ang Unang Yakap (First Embrace) o Essential Newborn Care (ENC) protocols ng WHO at ng Department of Health (DOH). Pagkatapos mapunasan si baby, ilalagay siya sa dibdib ni mommy para sa skin-to-skin contact at upang mahikayat na makainom agad si baby ng gatas ng ina.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng gatas ng ina ayon kina birth and breastfeeding doulas Noelle Pollack at Ros Padua ng Pinay Doulas Collective
1. Nakatutulong ang gatas ng ina na mailayo sa panganib si baby.
Nagbabago ang gatas ng ina na umaangkop sa pangangailangan ng pangangatawan ng iyong baby. Nakakahangang katangian, di ba? Meron itong antibodies na tumutulong makaiwas ang baby sa sakit lalo na siya ay na-expose sa bacteria or viruses. Napakahalaga nito sa unang tatlong buwan ng kanyang buhay kung kailan nagpapatibay pa siya ng immune system at hindi pa siya mapapabakunahan sa ilang mga sakit.
2. Kompletong pagkain ang breast milk.
Ang breast milk ay nagtataglay ng mga nutrisyong kinakailangan ni baby sa unang anim na buwan ng kanyang buhay. Makukuha ni baby ang mga panlaban niya sa anumang sakit sa gatas ng kaniyang ina. Sapat na ang gatas ng ina na kaniyang pagkain hanggang sa umabot siya ng anim na buwan kung saan tuntong naman siya sa pagkain ng solid food.
Kung ikaw ay exclusively breastfeeding, hindi mo kailangan painumin ng tubig ang iyong anak mula pagkaanak hanggang anim na buwan, payo ng mga doktor. (Basahin dito ang dahilan.) Kung formula na gatas ang inyong binibigay, sundang maigi ang instructions sa lata. Huwag mong lalagyan ng extra na tubig para lamang dumami ang formula na gatas.
3. Katuwang ang breast milk na tagapagligtas sa panahon ng kalamidad.
Sa mga panahon ng kalamidad o sakuna man, makasisiguro na may makukuhang nutrisyon si baby lalo na kung walang malinis na tubig na maiinom. Nakatitiyak na may makukuhaan siya ng lakas at pagkain.
4. Maaaring makaiiwas sa problema sa pagdumi kapag ang inyong anak ay breastfed.
Madali lamang ma-digest ang breast milk kaya hindi magiging problema ang constipation kumpara sa formula milk. Maiiwasan din ang diarrhea at malnutrisyon dahil hindi kakailanganin ng paghahalo ng tubig at paggamit ng feeding bottle.
5. Nakatutulong ang gatas ng ina na maging malakas at matalino si baby.
Sabi ng isang study, nakakatulong ang fatty acids sa breast milk sa cognitive development at central nervous system ni baby. Dahil sa nakukuha niyang nutrisyon, napapataas ang immune system ni baby kung kaya hindi siya nagiging sakitin.
6. Isang magandang bonding kay mommy at baby ang breastfeeding.
Nakapagdudulot ito ng pagkakaroon ng higit na magandang relasyon ng mag-ina. Ang nagaganap na skin to skin contact ay nagagawang ipadama kay baby na siya ay ligtas at minamahal dahil sa pagyakap sa kanya habang nagpapadede ang ina.
7. Nagbibigay ng proteksyon ang breast milk sa mental health ng mag-ina.
Nakatutulong ito sa pagpapalabas ng prolactin hormone na mahalaga sa produksyon ng gatas ng ina. Sa pamamagitan nito, mas nakadarama ng pagiging relaks si mommy. Nakakabawas ito ng stress dahil higit na naitutuon niya ang atensyon sa pag-aalaga at pagkalinga sa anak. May kaugnayan din ito sa hormone na nakapagbabawas ng depresyon, pagkabahala, pagkabalisa sa ina. Ayon pa sa pag-aaral, nakatutulong din ito sa bata na maging matatag sa buhay sa hinaharap.
8. Makaiiwas na magkaroon ng mga sakit.
Nakatutulong din ang pagbe-breastfeeding sa hindi pagkakaroon ng ovarian at breast cancer. Bukod pa rito, napapaba rin nito ang tiyansa na magkaroon ng osteoporosis sa hinaharap at iba pang sakit o kondisyon gaya ng type 2 diabetes, hypertension, rheumatoid arthritis.
9. Magagamit ang breastfeeding bilang natural contraception.
Kung eksklusibo ang ginawang pagbe-breastfeeding, nagagawa nitong mapatigil ang pagdating ng buwanang dalaw o menstruation. Kaya naman, mas nagiging natural ang paraan ng pagpa-family planning. Pero isang babala, maituturing lamang ito na contraception sa mga sumusunod na conditions:
Ikaw ay eksklusibong breastfeeding.
Hindi higit sa anim na buwan ang iyong baby.
Hindi pa nagsisimula ang iyong menstruation pagkatapos mong manganak.
10. Napapabilis ang pagpapanumbalik ng katawan.
Sa pagpapadede, nagagawa nitong malusaw ang mga calories sa katawan ni mommy na makatulong sa pagbabawas ng timbang. Dahil din dito, mabilis na nakaka-recover ang katawan mula sa pagbubuntis. Isa pa, nagagawa rin nitong ibalik ang dating laki ng uterus o bumalik sa orihinal na laki nito. Dagdag pa rito ang mabilis ding paghilom ng sugat mula sa panganganak.
11. Makakatipid sa gastos.
Malaki ang matitipid sa pagbili ng formula milk. Dagdag pa pagbili ng distilled water, feeding bottles, at sterilizer. Samantalang libre lamang ang gatas ng ina. Kailangan lamang magpalakas, manatiling malusog, kumain ng sapat, at uminom ng maraming tubig.
12. Ikaw lang, sapat na!
Hindi na kailangan ni baby ng anupaman sapagkat ikaw lang mommy ay sapat na. Sa ekskusibong pagpapasuso sa kaniya, hindi lamang nabubusog ang kaniyang sikmura kundi ng pagmamahal mula sa iyo sa nadarama niyang pagkalinga at sakripisyo mo. Sa kabilang banda, napapagaan din ang pagbiyahe dahil kung breastfeeding si baby hindi na kailangan pa ang pagdadala ng feeding bottle at distilled water.
Isa ang breastfeeding sa pinaka-challenging sa buhay ng mga mommy. Pero, ang mga nabanggit ay patunay lamang na marami talaga ang mabuting naidudulot nito hindi lamang kay baby kundi maging sa kaniyang mommy. Sa katunayan, higit na pinapalawak ang adhikaing ito ng Department of Health (DOH), kaya bukod sa kanilang programang TSEK, itinakda ang buwan ng Agosto para sa Breastfeeding Awareness Month. Bagaman nakapapagod at nakaka-stress talaga ang proseso ng breastfeeding, nakatutuwa na maraming mommy ang nanatiling positibo at aktibong nakikilahok sa misyong ito.
How To Explain To Your Kids The Importance Of Staying At Home
This is a conversation you need to have with your child.
With more time spent indoors, kids may be feeling bored and uneasy these days. They’re itching to go play outside even if it’s against the rules.
While their sentiments are understandable, these uncertain times call for discipline from everyone. And it’s your task to explain to your kids why staying at home is the right thing to do. They won’t be able to grasp the whole situation right away, so be sure to have the patience to give them the reassurance they need. Here’s how:
1. Make yourself available.
Let your kids know that they can come to you if they feel like asking questions about what's happening. Be prepared to answer them by doing research online. Stay updated with the news, and make sure you’re getting information from reliable sources such as the World Health Organization.
2. Keep the conversation simple and clear.
Before sharing facts with your kids, consider their age and learning level so you can effectively communicate with them. Use words and examples they can easily understand, such as using their favorite movie or cartoon characters to paint them a picture.
Be realistic in explaining what is going on, but make sure you relay facts in a way that won’t leave the kids feeling stressed or confused.
3. Reassure your child home is the safest place to be.
This is the goal of your conversation. Remind your kids that staying at home helps lessen the chances of getting sick. It’s a safe space where they can still learn, play, and even make a mess.
Show you’re doing your best to keep the house clean and safe for them. Set an example when you do daily chores using trusted homecare products like Domex to help sanitize parts of the house. Effective laundry detergents like Surf and Breeze are also available so your kids won’t have to feel bad about getting stains on their clothes due to much-needed fun and play at home.
Of course, you can also encourage them to be responsible at home by letting them pack up their toys and wash their hands when it’s time to call it a day.
4. Make kids feel like they’re doing a good job!
It’s been weeks already, and you should acknowledge how your kids are doing a good job just by staying at home. They not only help flatten the curve; they also help lighten the load of our frontliners who are busy saving lives outside.
Kids would feel more seen and appreciated for their efforts to stay at home. The mere fact you’re recognizing their accomplishment can motivate them to remain within the comforts of home until the quarantine is lifted.
5. Prepare for your child's follow-up questions.
Your kids may still want to clarify a few things from time to time. Have the patience to entertain their questions. They rely on you for guidance, stability, and reassurance. Remind them that the situation will pass, but in the meantime, it’s better to stay indoors together!
There is no place like home to make our kids feel comfy and safe! Make it a habit to disinfect using products like Domex, Breeze, and Surf to help ease your family’s worries about staying home.