July 09, 2021
"E-X-O"
"E-X-O"
"EXO SARANGHAJA"
"EXO WE ARE ONE"
Ito ang mga salitang parati mong maririnig sa concert nang pinakasikat na kpop boy group sa buong Korea at sa buong mundo.
EXO Tinitingala nang mga kabataan at karamihan sa kanila ay mga kababaihan.
May pinakamalaking fandom na ang tawag ay "EXO-L".
Bawat galaw nang members alam nang EXOLs isama mo pa ang mga antis.Multi talented actors
Supermodels
SUHO-XIUMIN-CHEN-BAEKHYUN-CHANYEOL-D.O-LAY-KAI-SEHUN
Lahat na nga ata nasa kanila na(popularity/wealth/fans na mahal na mahal sila,etc.)Masasabi nang lahat perfect na ang buhay nila. Pero ang di natin alam may mga parte sa buhay nila ang kulang. Naghahanap sila nang panahon na makapag isip isip nang mga bagay bagay na tanging sila lang ang nakakaalam.
(1)
JEN'S P.O.V
Host sa T.V: Please help me welcome EXOs Dancing Machine ,KAI
Napabalikwas ako nang bangon sa kama ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. At kusang lumakad ang mga paa ko(siyempre kasama ang katawan ko, malamang!) upang tingnan kung ano ang balita na napasama ang paborito kong idolo.
Host: Kai, pwede mo ba kaming bigyan nang kunting patikim sa upcoming drama mo?
Kai: Ahmmm (mahiyain talaga tong mahal ko ehhhh!!!!haaang cuuuuttteee) bale umiikot po ang storya sa isang studyante na bulakbol na nagtransfer sa isang ordinaryong school.At dun magbabago ang buhay niya mula sa pagiging bulakbol to good boy. Makikita mo na ma a-attach siya sa village, sa school at sa hospital."
Host: Hmmmmm, so may makikita pala kami ditong sweet side mo Kai?
Kai: Hahahahahahaha panuorin na lang po nila ang drama.
Host: Imbitahan mo naman ang mga fans mo na tangkilikin ang drama series mo.
Kai: Anyeg hasaeyo, ako po si EXO Kai, EXOLs sana panuorin niyo po ang Andante, pinaghirapan po namin to na maging successful at sana makapulot kayo nang aral mula sa storya kasi maski po ako naka relate sa storya po nito kaya sana magustuhan po ninyo ang inihanda namin.
Host: At diyan po natatapos ang interview natin kay EXO Kai. Panuorin niyo po ang Andante.
Ako:Haaaaaaayyyy, ang guwapo talaga nang mahal ko, ang dancing machine at ngayon napakagaling na aktor na. Nasa kanya na nga talaga ang lahat pati ang puso ko. Sana ako na lang ang palaring mag may ari rin nang kanyang puso.(habang nakatingin pa rin sa T.V)
Noona Iya: Naku, naku nangangarap ka na naman nang gising diyan. Maligo ka na nga para hindi ka malate sa trabaho mo.
Ako: Opo maliligo na po.
Sa hinaba-haba nang nasulat ko hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Kasi naman eh na excite ako pag narinig ko lang ang pangalang EXO lalo na ang love ko na si Kai.(kai-ssi saranghae)
Ako nga po pala si Jen,23,nagtatrabaho sa isang construction firm bilang office staff, from the beautiful city of Seoul, South Korea. At mahilig rin po akong sumayaw. Ultimate dancing queen chozzzzzzzz.
EXO. Sila talaga yung pinakapaborito kong kpop group,at ang pinaka ultimate bias ko ay si Kai.Gwapo. Magaling sumayaw. Magaling na artista. Singer. Supermodel. At mahal ko.Magagaling din naman ang ibang members pero sa kanya talaga ako humahanga nang malaki.
Alam ko naman na hindi ko siya maabot kasi sobrang taas niya at kahit ni hibla nga nang buhok niya hindi ko mahahawakan hanggang sa huling hininga ko. Marami talagang hadlang kaya hindi ko magawang makita siya kahit sa malayuan lang. Kaya hanggang sa t.v at internet ko lang talaga siya naabot at masaya na ako doon dahil kahit papaano nakikita ko siya araw araw.
Sa office may wifi so updated ako palagi sa mga balita about sa kanila lalo na sa kanya. Araw-araw ako tumitingin nang mga mv nila kasi para mas dumami ang views. Hindi naman kasi talaga ako nagsasawa sa kanila. Kahit dance practice, funny videos at moments nila tinitingnan ko. Minsan nga natawag akong baliw kasi pagkatapos ko tumawa iiyak na naman ako.
Ang dami na kasi nilang napagdaanan sa loob nang pitong taon na pagiging grupo. Kaya bilib at proud ako sa kanila kasi nakaya nilang lagpasan yun nang magkakasama. Iniwan man sila nang ibang mga kasamahan nila patuloy pa rin silang lumalaban at umaangat nang magkasama. Ngayon, napaka successful na nilang lahat sa kahit na anong field.
May it be acting,dancing,singing,rap,modelling,hosting,etc. Hindi sila yung tipong mananahimik lang sa tabi,ang gusto nila ay yung araw araw may bago silang matutunan na pwede nilang i apply sa mga sarili nila at para sa maturity rin nila. Pinaka swerte rin sila sa palagay ko lang kasi sila lang ang alam kong may pinakamalaking fandom.At close sila sa mga fans nila at yun ang nagpa astig pa sa kanila. Si Chanyeol nga nagpa tattoo pa nang L-1485 dedicated sa mga EXOLs. Astig diba.Pero dahil mahal na mahal ko talaga si Kai sa kanya talaga naka focus yung puso ko. Idol ko naman silang lahat pero sa kanya lang naman kasi talaga naka glue yung mata ko. Ewan ko ba kung bakit na alam ko naman na ang mga artista kahit kailan hindi papatol sa mga fans nila. Hindi rin ako maganda para mapansin nila.
Isa lang akong hamak na tagahanga na nagmamahal sa kanya at naghahangad na sana isang araw makita at mahawakan ko siya kahit saglit lang okay na ako.parang siya ang kukumpleto nang buhay ko at bubuo nitong pagkatao ko.
Kai's P.O.V
(After ng interview with the casts)
Manager Hyung: Kai, tumawag yung kaibigan mo miss ka na raw. Tawagan mo mamaya pagkatapos mong magpahinga diyan. Lalabas muna ko saglit.
Ako: Okay Manager Hyung.
Habang nasa sasakyan at nagpapahinga...
Ako: Haaaaaaaaay, sana pagkatapos nang drama na ito makapagpahinga ako kahit kunti. Talagang gusto kong magkaroon nang oras para sa sarili ko at sa pamilya ko. Namimiss ko na mga pamangkin ko at sila Noona. Matawagan nga sila..(habang nag da dial) .Ay!! Oo nga pala tatawagan ko pa yong isang mahal ko, hay naku, naku.
Rrrriiinnggg....Rrriiiinnnngggg....RRRiiiinnnnggg!!!
Taemin: Kai-ssi, kumusta ka na? Miss na kita, tagal na nating di nagkikita, uy excited ako sa bago mong drama, sana makasama ako diyan kahit extra lang.
Ako: Taemin-nah ,ang dami mong sinasabi, isa-isa lang pare, mahinang kalaban. Namimiss na rin kita, try ko sabihan ang staff gawin kang janitor nang school sa drama ko. hahahahahaha. Pero malapit nang matapos ang shooting eh, di ka makakaabot.
Taemin: Ay grabe siya oh. Pero kumusta ka na ba okay ka lang ba?
Ako: Ito ,drained na yung utak at katawan ko, actually gusto ko talagang magpahinga kahit mga ilang weeks lang na ako lang mag isa. Gusto ko mag unwind. Haaaayyyy!!!
Taemin: Kawawa naman bestfriend ko, diba ilang scenes na lang ang kulang sa drama niyo at matatapos na ang shooting? Pagkatapos niyan mag request ka nang leave kahit 1 month lang total nasa hiatus pa naman kayo ngayon diba . pwede kang maka request ngayon dahil next year pa ang mga upcoming concerts niyo.
Kai: Susubukan kong magpaalam kay hyung kung okay lang sa kanya, Taemin-nah salamat talaga at lagi kang nandiyan para sakin, umaalalay palagi, di bale babawi ako sayo pag available yung mga schedule nating dalawa.
Taemin: Alam mo namang nandito lang ako palagi sa tabi tabi. Huwag kang mag emote diyan.
Ako: (natatawa)Di ba nasa Japan ka ngayon? Mahal na tong tawag nato kaya ibababa ko na, at tsaka maghahanda ka pa para sa concert niyo mamaya.
Taemin: Tinitipid mo ba ang bestfriend mo? Oh sige na pahinga ka na rin diyan, update mo na lang ako pag ma approve ang leave mo okay, kumain ka nang marami kasi nangangayayat ka na, Saranghae Kai-ssi.
Kai: Baliw!! Sige na mag iingat ka rin diyan Taemin-nah. Saranghae Nee
Namiss ko tuloy ang baliw na yon, ang layo kasi nang Japan eh, hindi malakad mula Korea. Sana rin talaga maka leave ako para makapag unwind naman kahit konti. Gusto kong mag out of the country sana kung papalarin na maka leave. Lord, pagbigyan mo po sana ako.
Pumasok si Manager Hyung....
Manager Hyung: Pagkatapos nitong Andante ano bang plano mo? Under hiatus naman tayo ngayon so free ka nang mga ilang weeks bago ang concerts niyo?
Kai: Gusto ko po sana mag travel mag-isa Manager Hyung, para makapag unwind naman po."(sana talaga payagan ako!!!please po!!).
Manager Hyung: (arteng nag-iisip) sige papaalam kita sa management pero dapat klaro ang usapan na magpapahinga ka lang saglit, dapat walang kabulastugan na gawin, baka bukas pag gising ko may isyu na naman tungkol sayo. Naku Kai, pepektusan na talaga kita pag nangyari yun.
Ako: Makapektus ka naman akala mo ako lang ang may isyu, eh parang sa aming lahat 3 lang ang walang isyu ah(D.O/CHEN/XIUMIN),di joke lang, pero salamat talaga hyungnim at pagbibigyan mo ako ngayon. Promise ko po magiging good boy po ako habang wala ako sa paningin mo at ni Suho hyung.
Manager: O sige punta muna ako office. Pagkatapos mo dito dumiretso ka na nang dorm nandun na silang lahat. Dun ka na lang magpatuloy nang beauty rest mo.
Ako: Opo sige po.
(3)
(Habang papunta sa dorm)
Yes sa wakas pagkatapos nang ilang take nang scene ko sa drama time to unwind naman. Hmmm... Saan kaya ako magbabakasyon? Gusto ko sa mga tagu tagong lugar para hindi ako dumugin nang mga tao. Hmmm saan kaya? Hawai?Dubai?America?Japan? Hmmmmmmmmmm?????
(EXO Dorm)
Bakit parang ang tahimik? Sabi ni manager hyung nandito na silang lahat,(punta sa kwarto nila)wala,(punta sa mini bar)wala, nasan ba sila?Hyung!!!! ??? wala talaga, makapanood na nga lang nang t.v baka may nilakad lang yung mga yun, pambihira hindi ako inimbita sa lakad, nakakatampo hah.
Nang biglang
Huh!!!??? Brown out? Naputulan ba kami? Ang dilim po!!!, (tingin sa cp) matawagan nga silaHabang nagdadial bigla namang...
Surprise!!! Congratulations!!!! (habang nagpapaputok nang mini confeiti)
Ako: Hyung!! Ano to??? At tsaka bakit di kayo pumunta sa presscon???
Suho: Plano talaga naming pumunta sa set para supurtahan ka kaso eto kasing si Sehun nag suggest siya na dito na lang daw tayo mag celebrate kasi dun maraming tao. Kaya eto na lang ginawa namin, ang surpresahin ka, congratulations sa drama mo. Airing na siya next week at malapit na ring matapos ang taping. Ilang takes na lang at matatapos na.
Ako: Oo nga eh, salamat hyung.
Sehun: Kai-ssi congrats oh eto bubble tea para sayo pero hati tayo hah.
Kai: Accckkk!! binigay mo tapos makikihati ka pa?
Sehun: Mahal kasi eh .. tsaka alam mo naman na fave ko yan eh, wag ka nang umangal alam ko naman na di mo ko matitiis eh!!
Xiumin/Chen: Nakadalawa ka nang bubble tea kanina ah
D.O: Huwag ka nang makihati kay Kai, bibilhan na lang kita.(talagang mahal ako ng taong to!)
Sehun: (naka heart-shape ang mata) Talaga hyung, bibilhan mo ko, milagro, saranghae hyung, kelan mo ko bibilhan?
D.O: (glare)Pag tumino ka na!!!
Tumatawa silang lahat maliban kay Sehun na parang pinagsakluban nang langit at lupa.
Sehun: Bubble tea ko huhuhuhuhuhu
Ako: Baliw ka talaga, oo na sige na hati na tayo.
Sehun: Yehet! Ohorat!
Chanyeol: Kai-ah! Kai-ah! Ako ang no.1 fan mo alam mo naman yun diba,..Saranghae Kai-ah!
Ako: Arah, alam ko po yun. Mr. Happy Virus hahahahhaa
Xiumin: So kumusta ang interview? did it go well?
Chen: Did the host pressure you to answer difficult questions? Kasi reresbakan natin yung host na yun.
Baekhyun: uy uy kayo talaga nagpapahalata kayo na hindi kayo nanood nang interview niya, pabayaan mo sila Kai-ssi,(sabay bulong) akong bahala sa host na yun, jujumbagin ko yun at pepektusan.
Lay: (bumulong rin sa kabilang tenga ko) but i will heal him after siyang resbakan ni baekyhun.
Suho: Kayo talaga di talaga kayo matino kausap, napanood ko ang clip nang interview mo, you did well sa paghandle nang mga sagot kahit alam kong nahihiya ka magsalita.
Ako: Salamat hyung, by the way(habang inilalayo ang sarili at si Suho sa iba) magpapaalam ako hyung kasi nag suggest ako nag magleave kahit mga ilang weeks lang kay manager Hyung at pumayag naman xia sabi niya sasabihan daw niya ang nasa taas. Pagkatapos nang last shooting saka ako mag li leave. Okay lang naman diba hyung?
Suho: Wala kang balak magpasama sa amin? !!!
Ako: gusto ko lang sanang i relax ang utak ko hyung, sana maintindihan mo(with a you-know-what-i-mean look) na gusto ko muna mapag isa sa ngayon
Suho: (na gets naman ang pahayag ko) O sige pero paalala ko lang bawal gumawa nang hindi tama alam mo na yan baka may lumabas na naman na isyu.
Ako: (nakangiti na) Opo hyung yan din po sinabi nang manager natin kanina.
Sila: (na walang alam sa pinag-uusapan namin kasi inuupakan na ang pagkain na inihanda nila para sa akin) Yah! Kumain na kayo ano bah?
Suho: Para kay Kai yan bakit kayo ang kumakain???
Baekyhun: Eh ! Alam kasi namin na hindi niya to mauubos at tsaka boring pag siya lang mag isa ang kumakain habang tayo nakatingin sa kanya. Kaya tutulungan nalang namin siyang ubusin ang pagkain. di ba Kai-ssi????
Suho: Eh hindi pa nga nakasubo kahit konti yung tao eh. Hay naku
Baekhyun: Ahm !! Kkaebsong??/
Ako: HAHAHAHAHAHA Bayaan mo na hyung, kumain na lang tayo, by the way guys salamat talaga dito ha, na appreciate ko talaga ang efforts niyong lahat. New experience talaga sa akin ang pag acting kaya sobrang thankkful ako at nandiyan kayo lagi umaagapay at sumusupurta sa akin.
Baek/Chanyeol/Sehun: (kumuha nang tissue paper at aarteng nagpapahid nang luha) nakakatouch naman nang sinabi mo Kai-ssi !! Saranghae!!
Xiumin: Walang anuman dude alam mo naman na ang success nang isa kaligayahan nang lahat. Isa tayo ah. We are One
Lahat kasali ako maliban kay xiumin: (palakpakan)
woooooooohhhhhhh best speech
Xiumin: (napakamot na lang nang ulo)
At nagkatuwaan na ang lahat sa hapag-kainan.,..
(4)
JEN
Office...sa meeting
Manager: may gagawin tayong team building at gusto ko mag participate ang lahat.
Architect: Saan po ba ang venue nang team building maam?
Manager: Sa Jeju Island!
(wow makakapag out-of-town na rin ako sa wakas)
Supervisor: kelan ba yan at ilang weeks ang team building?
Manager: One month.
Lahat maliban kay maam: HAH!!!!!!!!!!!!!
Manager: Per week ang activities kaya matagal.
Iba ibang places din sa Jeju Island ang pupuntahan natin nang makapag ikot naman kayo kasi puro kayo office-site-bahay ganun kayo parati,walang social life wala lahat
Ako: Wag mo naman lahatin maam baka yung mga over age lang diyan ang walang social life(habang nakatingin sa supervisor at president)
ahahahahahah miyanhae!!
Manager: ang pilya mo talaga jhen o sige na back to work, ako nang bahala sa mga papeles niyo para sa team building and by the way its going to happen in 3 weeks.
Ang haba naman nang team building namin. Ganun ba kami ka walang teamwork sa isa't isa na kailangan mahaba ang pagsasamahan namin sa Jeju?? Mabait naman ako sa lahat ah maliban lang sa uncle ko na supervisor kasi palagi akong pinagtritripan at hindi ako maka ganti ganti. Paano kaya ako magpapaalam sa dalawang kapatid ko nito.
Sa Bahay....
Ako: Nandito na po ako.
Iya: (labas galing kusina) O buti naman maaga ka ngayon. Lika na at ipaghahanda ko na kayong dalawa ni Amy
Ako: Mano po eonnie , sige po magbibihis lang po ako nang pambahay at sasalo na po ako sa hapag
Nang makapag bihis pumunta na akong kusina..
Iya: kain nah, Amy pumarito ka nah
Amy: Opo andiyan na (kalalabas lang galing sa kwarto niya)
Iya: ang tagal mo naman magbihis, mas nauna pa tong kapatid mo kesa sayo.
Amy: Sorry na tinatanggal ko pa kasi make up ko eh kasi nangangati na yung mukha ko sa foundation.
Iya: O sige na kumain na tayo
(Nanalangin pagkatapos kainan na)
Ako: Eonnie magpapaalam nga po pala ako kasi next na week na yung team building namin sa Jeju island at isang buwan kami doon.
Amy: Napakahaba naman yata niyang team building niyo bunso, diba dapat 1-2weeks lang iyan?
Ako: Yun nga rin pagkakaalam ko eh, pero sabi kasi nang GM namin na iba ibang lugar daw sa Jeju ang pupuntahan namin para sa mga activities.
Iya: So okay lang ba sa iyo yan? Sakin parang hindi ko kaya di ka makita nang ilang araw ano pa kaya yang isang buwan.
Amy: Oo nga bunso, di kasi tayo sanay na di magkita nang matagal.
3 lang kaming magkakapatid, si Eonnie Iya ang panganay,25, Si Amy naman, ang nasundan ko,24,At ako ang bunso,23. Iniwan na kami nang magulang namin nung nasa high school pa lang ako. Naaksidente sila habang pauwi galing sa palengke. May negosyo kasi kami noon, ang pagbebenta nang mga gulay sa palengke, inaangkat nila mama yun galing sa suki nila at ibenibenta nila dun. Birthday ko nung araw na yun, September 18,2002. Pauwi na sila para sabay kaming mag celebrate nang birthday ko pero nawalan nang preno ang sinasakyan nilang jeep kaya yun. Basta simula noon hindi ko sinicelebrate ang birthday ko kasi yun yung araw na nawalan kaming tatlo nang magulang. Buti na lang at naging responsable si Eonnie sa pagpapalaki sa amin ni Amy. Pagkatapos niya makagraduate sa high school nagtrabaho agad siya para matustusan pag aaral ko hanggang college. Di na nag college si Amy kasi gusto niyang tulungan si Eonnie sa mga gastusin. Sakitin ang Eonnie kaya pinahinto na siya ni Amy mag trabaho at pumirme na lang sa bahay para alagaan kami, sakto namang naka graduate na ko sa college at nakahanap agad nang permanenting trabaho. Silang dalawa lang ang itinuturing kong totoong pamilya, kaming tatlo, walang bisyo, at palaging magkakasama.
Ako: tapos wala raw signal sa lugar na pupuntahan namin Eonnie.
Iya: ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo mag ingat ka dun ha, ihahanda ko na mga gagamitin mo sa team building na yan, hay naku ngayon pa lang ma mi miss na kita
Ako: Salamat po eonnie, isang buwan lang naman yun eh
Iya: haaaay Okay bunso.
Amy: So bunso nakapag download ka ba nang mga series, gusto ko talaga yung Andante at Rebel
Ako: once a week lang kasi mag update ang Andante eh! nandyan na lahat diyan
Amy: O sige pahiram nang phone mo at ipapasa ko sa phone ko mga na download mo mo
Ako: Okay
Amy: (habang kinukulikot phone ko) di ka ba nagsasawang tingnan ang mukha nang taong to sa phone mo (sabay pakita nang mga pictures ni Kai) grabeh siya oh
Ako: Di nga ako nagsawa sa mukha mo kahit araw
araw tayong nagkikita eh.
Amy: (napailing na lang) Hay naku kang bata ka!
P.S: Hahaha 2012 pa tong story na to ngayon ko lang i po post hahhaa..wala akong binago kasi gusto ko makita reaction niyo mula sa isang 1st year college na dim marunong magsulat nang storya.
Salamat sa pagbasa!
Anyeong!
I don't know pero habang binabasa ko yung mga unang linyahan nung ngpapakilala si Jen parang naririnig ko boses ng mga nadubbed na kdrama. yung girl version hehe