Unang laro, talo ako
Bato ka, gunting ako
Pilit kong pinuputol ang kalungkutan ng iyong puso
Pero palagi mo kong tinutulak palayo
Pangalawang laro, ikaw yung panalo
Papel ka at bato naman ako
'Sing tigas ng batong to ang paninindigan ko sa iyo
Kaya, paulit-ulit kong sinasabi, ako ay hindi susuko
Pagatlong laro, ako naman yung panalo
Papel ako, at ikaw naman ay bato
Nang ipulot ko ang aking mga kamay sa iyong sintido
At sinabi kong pwede bang maging tayo
Pang-apat. Hindi akalain, tabla tayo
Ang ating mga kamay papel magkapareho
Magkaparehong magkahawak ng walang kamalay-malay
Sana ito ay panghabangbuhay
Larong panlima, ako yung panalo
Papel ka, at gunting ako
Nang makita kong ikaw may kasamang iba
Napagdesisyonan kong tapusin na
Kung sa tingin mo kaya mo kong paikut-ikutin
Pwes nagkakamali ka kasi kaya kitang limutin
Ang mga alaala pwepwersahing patayin
Kasi mas masakit ang mag mahal ng taong di ka kayang mahalin
Pwede na bang maglaho na parang bula
Bolpen na basta nalang nawawala
O hangin na binabalewala
Kasi lagi nalang akong wala sa tama
Alam mo? Gusto ko nang matulog
At hindi na bumangon kinabukasan
Kasi nawawalan na ng pag-asa mabuhay muling mag-isa
Lalo na't alam kong wala ka na
Pero sino ba naman ako para magreklamo
Na sa una pa lang alam ko naman ang lahat di totoo
Lahat yun kasama sa laro
At ang unang mahulog ang siyang talo
Panghuling laro, ako yung panalo
Bato ka, papel ako
Binuka ang kamay para magsabi ng "goodbye"
Ako na yung panalo pero ba't sa tingin ko ako parin yung talo
Sa laro kung saan puso ang puhunan
Isipan ang depensa
At kaluluwa ang bala
Pero lahat ng iyon iyong pinatumba
Bato-bato pick!