Paano nga ba ang maging Pilino? Narito ang mga ilang traits ng isang Pinoy.
Syempre, uumpisahan natin sa mga good traits.
1.Mapagmahal at maalaga
Ang mga Pilipino ay likas na mapagmahal at kilala ang bansa natin bilang hospitable country dahil sa mainit na pagtanggap natin sa mga dayuhan.
2.Masiyahin at witty
Syempre nandyan na din ang pagiging masiyahin kahit na may kinakaharap na problema. At sa mga Pilipinong pinanganak na may talent sa pagpapatawa. Lalo na sa mga barkada, pagalingan na lapag ng jokes kaya masaya ang inuman.
3.Respectful
Kilala din tayo bilang marerespetong tao 'pag dating sa mga nakatatanda. Pero minsan hindi na din maganda ito dahil sa mindset ng iba, na porke't nakakatanda ka ay lagi ka nang tama, at porke't nakakababata ay hindi na pwedeng sumagot o magbigay ng katwiran sa mga nakakatanda.
Pero nakadikit na din sa pangalan nating mga Pilipino ang mga toxic mentality.
1.Crab mentality
Marami sa mga Pilipino ay makikitid ang mga pag-iisip. Imbes na suportahan natin ang isa't isa ay tayo pa mismo ang humila sa isa't isa. Yung kapag may naachieve si ganito, ichichismis ni ganyan na kesyo kesyo. Sa halip na maging masaya para sa isa dahil sa nakamit nito ay maiinggit ang iba.
2.Pagiging tamad
Alam naman natin na may kilala tayo or tayo mismo ay nakararanas ng katamaran. Normal lang naman na tayo ay tamarin paminsan minsan, pero may mga Pilipino na kasi na tamad ngayon, tapos tamad bukas hanggang sa nakasanayan na tamad na palagi. Kaya madami ang tambay sa Pilipinas sa kadahilanang tamad maghanap ng trabaho.
3.Kakulangan sa disiplina
Aminado na naman tayo na simula noong hindi na naghigpit ang batas o nagkaroon na ng demokrasya ay nagkukulang na tayo sa disiplina sa sarili. Simpleng bawal magtapon ng basura at bawal tumawid ay hindi natin masunod.
4.Children as milking cows
Heto ang pinaka magandang topic dito. Ang paggagatas sa mga anak. Alam naman nating lahat na family centered ang mga Pilipino, pero hindi tama na gawing atm machine ang mga anak ng mga magulang. Oo, binihisan mo yan, pinakain at pinag-aral pero wala kang rights para obligahin ang anak mo na magbigay ng pera once na nagkatrabaho ito. Dahil una sa lahat, responsibilidad ng mga magulang na alagaan at palakihin ang anak nila ng walang hinihinging kapalit, dahil walang ibang interes ito bukod sa pure love. Nasa anak na iyon kung bibigyan niya ng pera ang mga magulang niya, pero alam naman natin na mas masarap tumulong 'pag alam mong walang nagoobliga sayo.
Pero kahit ano pa man ang toxic traits na mayroon ang mga Pilipino, umaasa ako na mababago din natin ito balang araw. At alam ko na mapapayaman pa natin ang mga good traits na mayroon tayo ngayon.
Mabuhay ang mga Pilipino!
Sana nga, kung ok iyong mga nkaupo bka sakali talaga na mabago.pero ang mganda sa pilipino kahit anung hirap, mpagbigay parin.