Long Distance Relationship (buhay marino)

0 5

Ibahagi ko lng. Ako ay isang seaman. 2 months p lng kaming "in a relationship" ng girlfriend ko nung sumakay ako sa barko at ang aking kontrata ay 10 months. Grabe ang hirap. Hindi lng sa akin kundi lalo sa kanya. Isang linggo daw syang umiyak...ako naman namiss ko sya agad. Pero sabi nga kung tunay nyong mahal ang isa't isa, kahit gaano kalayo man kayo, gagawa ng paraan para magkausap at magkaroon ng oras. Ang hamon din sa amin ay ung nagiiba ang "time zone". Gabi sa lugar ko, umaga naman sa Pinas. Challenging talaga. Bukod pa sa hirap ng trabaho. Di rin maiwasan na nagkakatampuhan. Pero in the end of day ay magkakaayos. For 10 months, ganyan ang set-up namin. Hanggang natapos ang kontrata ko. Yan ang pinakamasayang araw sa mga seaman na tulad ko. Ang matapos kontrata at makauwi sa Pilipinas. At sa paguwi ko, nakita ko siya. Sumama sa pagsundo. Grabe ang tuwa na naramdaman ko at niyakap ko sya nang sobrang higpit. Sa susunod na pag-alis ko at pagsakay sa barko alam namin sa isa't isa na kakayanin namin. Kahit malayo kami. Kasi meron na nabuong tiwala kami sa bawat isa

1
$ 0.00

Comments