read.cash Log in
@mikaella27 more from that month

Sugal

Simula nagka isip ako, lahat na yata ng proseso para magkaroon ng pera ay nahagip ng utak ko. Kung ano ano na lang ang naiisip ko para kumita ng pera pero sa marangal na paraan. Sa Facebook, nag join ako sa lahat ng groups kung paano kumita ng pera. May mga taong ang hirap kausap at makukulit na gusto ay mangloko ng mga tao. May mga application na legit kikita ka ng pera, pero hindi sapat para mabuhay ka neto, kailangan ng sipag at tyaga sa lahat ng bagay. Nasubukan ko rin sa Telegram, mas maraming manloloko na mga taga ibang bansa na mas malaki ang kailangan nilang pera para magkapera ka rin, pero sa tingin ko kailangan pala talaga ng pera para magkapera ka rin kaya inalis ko sa application na ito. Sumugal ako sa isang Messenger bot ba kung saan ay mag sasagot kalang ng madadaling tanong at magipon ng points para kumita, sa halagang 120 pesos sumugal ako. Ngayon heto ako nagsasagot, nagiipon para sa sarili ko.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.