Buhay single mom
Eto na nga guys! hello sa inyo gusto ko lang malaman nyo na masaya ako na nakapasok ako sa read.cash heyey! at same time kahit papano meron na ko kikitain sa pag susulat kahit parang nakikipag kwentuhan lang ako sa inyo, masaya na ko dun. Masaya ako na may mapag kukwentuhan na ako ng ilan bagay na medyo naiisip ko! hehe. Para narin magkaron din ako ng kaibigan at mga bagay na makakatulong sa pag hubog pa ng aking kakayahan mula sa inyo na matutunan ko pa.
Di na siguro ako masyadong mahihirapan mag isip ng ico-content ko. may mga karanasan kasi ako na minsan na talagang tumatatak din sa isipan ko. Hindi man ako perpektong tao pero yung mga bagay na nararanasan ko eh nagiging aral din sakin. At syempre talagang dapat maging aral sakin haha. Aaminin ko din na may mga pagkakataon talagang nagiging weak ako madalas nga eh. Pero akalain mo yun amazing dahil nakalampas ako sa mga dagok na yun. Although hindi talaga natin maikakaila na kapag nasa sitwasyon ka ng sobrang hirap sayo, hindi mo maisip kung anong gagawin mong paraan para maka alis ka sa sitwasyon na yun. At sa tingin ko naranasan mo din yung ganun feelings.
Paano nga ba ang naging buhay ko? haha. Yan din yung katanungan na di maalis sa isip ko eh. Pero everything from this situation. lagi akong napapadasal na sana bigyan pa ko ng konting lakas mag isip at ma ipakalma ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero alam mo ba minsan sabi ko hayaan ko nalang kasi nawawalan na ko nang lakas na lumaban. Na hanggang sa lumipas nalang na kahit parang nasasabi mo na anu ba ang dapat para maging isang successful ka kahit isang single mom kalang.
Pero guys kahit ganito ang sitwasyon ko eh katulad nyo rin na nangangarap parin ako. Yun nga lang kasama ko lang eh, ang mga anak ko na we together as one na makibaka sa tinatahak namin destinasyon. Mahirap kase kapag may humps medyo natatapilok pati anak ko damay. Wala naman kasi silang ibang mapag huhugutan nang lakas kundi ako lang eh. Kaya yun din yung nagpapalakas sakin na lumaban kapag naiisip ko yung bagay na ang hirap na, pero andyan sila hinihingi din ang gabay ko sa pag tahak na gabayan sila sa tamang landas. At proud ako dun. Mas lalo ko pang pag iigihan mag isip ng paraan paano mag success para matugunan ko ang pangangailan nila. Sya sige dito muna.
I heard the news carriedly. I don't know how it's possible. Keeping your writing about mom. Best of luck.