Tunay na Pag-ibig

0 18
Avatar for mhailine16
4 years ago

Unang pagmulat pa lamang ng ating mga mata mukha ng ating ina ang ating masisilayan, ang kanyang matatamis na ngiti at haplos na puno ng pagmamahal.

Ako'y nasa pitong taong gulang pa lamang noong iwan kami ng aking ama, napakahirap lumaki na hindi kumpleto ang pamilya, ang masaya naming pamilya ay tuluyang naglaho. Sinubukan ng aking ina na ayusin ang aming pamilya, hinanap namin ang aking ama sa kahabaan ng Maynila. Sa aming paglalakad nakita namin ang aking ama sakay sa kanyang minamanehong taxi, agad ko siyang tinawag. Noong narinig nya ang aking tinig agad siyang lumingon at dali-daling binilisan ang kanyang takbo. Iyon na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Ang makita na umiiyak ang aking ina at tanggapin na iniwan na kami ng pinakamahalagang lalaki sa buhay namin.

Simula noon ang aking ina ang tumayong amin ding ama. Tunay na napakahirap magpalaki ng anak lalo na kung mag- isa ka lang, lahat ng trabaho ay pinasok na ng aking ina. Para lang mabuhay kami ay pinasok nya ang pagiging promodizer ng mga sabon at shampoo, sa hapon ay naglalako siya ng puto sa aming barangay. Tunay na walang hanggan ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang tunay na ina, na handa nyang gawin ang lahat para lamang sa itaguyod kaming magkakapatid.

Ngayon na nasa wastong gulang na ako, susuklian ko ang sakripisyo na binigay ng aking ina, sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag aaral upang makakuha ng magandang trabaho sa kinabukasan, dahil alam ko na kapag natupad ko ang aking mga pangarap ay natupad ko na rin ang pangarap ng aking ina. Sa ganitong mga pangyayari ay nakita ko at naranasan ang tunay na pamamahal ng isang mabuting ina sa kanyang anak.

1
$ 0.00
Sponsors of mhailine16
empty
empty
empty

Comments