Sa mundong ibabaw

1 9
Avatar for mhailine16
3 years ago

PAG- IBIG! Sinasabi nila na ang pag ibig ang pinaka makapangyarihan at mahiwaga dito sa mundo, na kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Mapapasailalim sa kapangyarihang taglay nito, At magugulat ka dahil hindi mo ito inaasahan, dahil wala ito sa plano mo. oh di ba panira lang ng planner. hahahaha!

Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin upang mas maging mabuti tayong tao.

Ang pag-ibig ay pwedeng magdulot sa mga kabataan para gumawa ng kalokohan sa 'di oras o kaya ang pag-ibig ay nagbibigay kahulugan sa mga taong walang hangarin sa buhay. Ang pinakaliwanag sa pagpapatunay ng pag-ibig ay ang pagbibigay ng ating mga buhay para sa taong ating pinakamamahal o inspirasyon. Ang magmahal ang pinakamahirap na tungkulin sa ating buhay. Kung wala ang pag-ibig hindi tayo natututong pahalagahan ang isang bagay. Kapag may gusto tayong gawin, gawin natin ng buong puso dahil sa puso nakatira ang pag-ibig. Ang pag-ibig hindi nadidiktahan kaya kung may pagmamahal sa puso ng tao, maiiwasan ang mga panloloko, paninira't inggit at kaaway na totoo.


Pero kung pag-ibig ay ang pinakamagandang bagay, bakit napakaliit ng pag-ibig sa mundo? Bakit mayroon lalong pagkasuklam at pagkamuhi? Ang simple lang ng sagot. Ang totoong pag-ibig ay hindi ang pagpili na bawat isa sa atin ay ginagawa, kundi ito ay obligasyon na tadhana ang pumipili. Ang totoong pag-ibig ay nanggagaling lamang mula sa Diyos na mararamdaman natin sa kapwa tao at hindi ito basta pagpili ng kung sino kundi ito ay ating kusang nararamdaman

1
$ 0.00
Sponsors of mhailine16
empty
empty
empty

Comments

a big YES for me wala tayong ipag alala kung sumusunod tayo sa batas ginagawa ang batas dahil may kulang ang panununtunan ng mga tao at ginagawa ng ating mga mambabatas hindi sa sarili nila kundi para sa lahat...kaya naka pag isip sila ng batas dahil sa ating mga kalokuhan naglalabis na tayo sa ating kapwa at sa ating pamahalaan kaya dapat supilin ang mga taong abuso grupo man o i dibidual dapat mananagot sa batas kung ikaw o tayo ay may nilalabag sa batas.. Implement agad ito dahil lumaganap ang kasamaan ng tao.

$ 0.00
User's avatar Jed
3 years ago