[bad iframe src]
Nagsimula sa isang magandang pagkakaibigan,na ng lumaon unti-unti nahulog ang loob hanggang sa paglipas ng panahon may namumuong nararamdaman na higit pa sa isang kaibigan.Yung kaibigan mo na unti-unti mo nang nagustohan dahil sa kanyang kalokohan sya yung tipo ng kaibigan na sinasakyan lahat ng trip mo.gaya ng gimikan inoman at sa sayawan game sya sa lahat ng yun sya yung tipo ng kaibigan na kailan man di mo makakalimotan.di ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya.Ang di ko alam ganun din siya inamin nya sa akin na matagal na pala nya akong gusto pilit nya lang tinatago dahil nahihiya syang aminin sa akin ang kanyang nararamdaman.sabi nga nila walang usok na kukokomkom kaya lumabas din yung kanyang nararamdaman.niligfawan nya ako nung 4rtyear ako at syempre tuwang tuwa ako dahil pareho pala kaming nararamdaman di ako makatulog sa gabi kakaisip at sa sobrang excitement ko. naiisip ko palang kinikilig na ako nasabi ko sa sarili ko na yesss im in love with my bestfriend.ayun na nga niligawan nya na ako at sinagot ko na sya.pero parang ang awkward pala pag yung kaibigan mo yung naging kasintahan mo parang nahihiya kana gumalaw di mo alam kung yung ginagawa mo dati ok lang sa kanya pero lahat ng yun ei bawal pala.nang kalaunan nawala na rin yung awkward moment na yun bumalik na yung pagiging close namin syempre masaya kami di ko masabi kung gaano ako ka saya pero may hangganan din pala ang pagiging masaya nyo. ito na nga gradweyt na ako ng highschool syempre di naman kami lagi magkasama kailangan namin magkalayo para may marating kami para sa future namin.at nakapag desisyon kami na pumunta ng manila nauna na ako sa kanya dahil may gagawin pa syang imporatante.kahit mamimis ko man sya ok lang dahil iniisip ko para naman sa amin to.araw araw siyang tumatawag kahit anung buzy nya di na ako kinalimutan itxt.at napag alaman ko na di pala muna sya makakasunod sa akin dahil na matay yung lola nya.at pagkatapos ng libing ng lola nya madalang na sya tumawag o txt man lang naisip ko ay ok lang bago lang kasi namatay yung loa nya.pero duda na ako kasi isang linggo na wala man lang tawag o txt man lang tumawag ako sa pinsan nya na kaibigan ko rin tinanong kung bakit di na nagtxt yung boyfriend ko at sinabi nya nga yung totoo na meron na pala itong nililigawan sa amin nung malaman ko yun di ko alam kung anu yung mararamdaman ko namanmanhid yung buo kung katawan at parang gusto ko na wala sa mundo nung time na yun,at nakapag desisyon ako na umuwi para mag usap kami ng maayos at nalaman ko sa mama ko na sila na pala nung KAIBIGAN ko nung highschool.sa sobrang galit ko pinatawag ko siya at nag usap na nga kaming dalawa at ang saya nya pa nung nakita nya ako at napansin nya na di ako masaya nung nakita ko sya puno kasi nang galit yung puso ko at di ko na pigilan sinampal ko sya at sinuntok siguro napikon din sya sinaktan nya na rin ako nagkasakitan kami.pero sya rin yung huminto pinapunta ko yung babae at pinapili ko sya kung sino pipiliin nya at kahit masakit yung ginawa nya umaasa parin ako na ako yung pipiliin nya pero hindi ganon yung inaasahan ko ang sakit dahil hindi ako ang pinili dahil buntis na pala yung babae umiyak na lang ako ng umiyak . at dun na nga pinakawalan ko na sya pinaubaya ko lang sya ayoko naman na mawalan ng tatay yung anak nya.araw araw akong umiiyak dahil namimis ko sya hinahanap hanap ko yung ginagawa nya sa akin na lagi nya akong pinapatwa pero di na mangyayari yun mayron na syang pamilya minsan nagsisi din ako kung bakit ko sya sinagot pero na isip ko rin ok lang natoto din naman ako magmahal at kung pano masaktan.ang akala ko kasi sya na yung mapapangasawa ko ehh.at para makalimutan ko sya ng tuloyan bumalik ulit ako dito sa manila at napag pasyahan ko na mag aral at ito na nga nag aaral na ako sa concordia at 3rd college na proud din ako sa sarili ko dahil nakalimotan ko na sya minsan naiisip ko sya at binabalikan ko yung nangyari sa akin tumatawa na lang ako.
Ganun talaga ang buhay sis..may mga taong itinakda para mahalin natin pero hindi tinadhana para satin maraming heartbreaks pero darating ang araw na matatagpuan mo din yung totoong nakatakda para sau.. tama aral na din sau un at way ni Lord para ilayo ka sa maling tao..😊😊