Ang ina ay ilaw ng tahanan, gumagabay sa kanyang mga anak, nagluluto, naghuhugas, naglalaba para sa kanyang pamilya. Bukod sa mga gawaing bahay, sila rin ang gumagabay sa kanilang mga anak upang magkaroon ng magandang asal at maging isang mabuting tao. Kung wala ang pagmamahal at alaga ng isang ina, kulang ang buhay ng isang bata. Sila ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa ating kinaroroonan. Sila ng nagbibigay sa atin ng ating mga kailangan. Kapag tayo ay nagkakamali, sila ang nagtuturo sa atin kung ano ang tama at mali. Ang bawat araw ng ating buhay ay nagiging makabuluhan dahil sa kanila. Kung susumahin, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi natin kayang matumbasan. Walang sino man ang kayang mapantayan ang alaga ng isang ina sa kanyang mga anak.
Kung mawawala ang aking nanay, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aking buhay. Dahil siya ang pinakadakilang tao sa aking buhay. Siya ang nagbibiay kulay sa aking buhay. Kung siya ay mawawalay sa aking buhay, hindi ko kakayanin dahil siya ang taong nagging inspirasyon ko. Siya ang aking dakilang ina. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit kanino man. At sa kanyang pagtanda, susuklian ko ang kanyang pag-aalaga at pagmamahal, siya ay aking pagsisilbihan at ibibigay ko ang kanyang kailangan tulad ng pagbibigay niya ng aking pangangailangan. Mahal na mahal ko ang aking ina. Ang maipapayo ko sa aking mga kaklase at kaibigan na tilad ko ay may mga nanay din, alagaan at igalang natin sila. Wag nating kalimutan na hindi lahat ng mga tao ay may nanay na nag-aalaga at kumakalinga sa kanila. Hindi lahat ng bata ay nakararamdam ng alaga ng isang ina.