Melody and Me

13 32
Avatar for meitanteikudo
2 years ago
Topics: Story, Fiction, Romance

Napansin ko nalang na tulala na ako nang mahulog ang cp ko sa sahig mula sa panginginig ko. May text si Melody: "Hey still there?!" hindi ko pala sya nareplyan.

Naglaro sa isip ko na sabihin sa kanya ang bagong natuklasan ko. Pero nagdalawang isip ako ng bumalik sa isipan ko ang mukha ni Bianca na nakasimangot sa akin.

"Bakit kaya ganun na lang ang tingin nya?" naisip ko nalang. Bakit sya naroon sa unit na yun? Lumipat na ba siya?

Ok reality check, hindi ako stalker pero alam ko kung saan siya nakatira, at least that's what I thought. Isang malaking bakit ang nasa isipan ko. 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako na kapit-bahay ko ang ultimate crush ko? Or matatakot ako dahil sa hindi ko maialis sa isip ko ang lungkot o poot sa itsura nya na nakita ko. 

Dahil sa medyo magulo ang isipan ko napagpasiyahan ko na maglakad lakad muna sa labas. Nakapagpalit ako ng damit at kinuha na lang ang sumbrero sa cabinet ko and I'm ready to go. I-sinet ko muna ang phone ko para i-play ang paboritong playlist ko in shuffle mode.

Nagskip muna ko ng tatlong kanta bago ibulsa ang phone ko. Bakit nga ba iniiskip pa ang mga songs na hindi naman pala ipplay? Bakit hindi nalang burahin, dagdag lang sa memory usage. Ewan ko din. 

Habang naglalakad palabas, iniwasan kong tumingin sa apartment building na iyon kaya medyo mababa ang tingin ko, parang sa dinadaanan lang talaga nakatingin.

Iba talaga ang paligid pag may music na tumutugtog sa pandinig mo. Para bang nagkakaron ng ibang buhay ang kapaligiran at umaayon sa tema ng kanta ang lahat.

Tulad ngaun, "Just the way you are" ang song, parang ang mellow sa mata ng gabi, bawat paglingon ko ay kasabay ng beat at ang theme, isang dilag na nasa aking harapan, ang nakalugay na buhok  kasing dilim ng langit sa mga oras na yon na may mga malalaking curls pag dating sa may gawing ibabang parte, ang mga mata niyang kumikislap kasabay ng mga bituin, ang kutis niyang nangingibabaw sa kaputian, ang mga binti niyang pang super model ang dating at naemphasize pa sa ikli ng maong shorts na suot nya, ang american-flag-printed na crop top nya, at ang nakasimangot na mukha ni Melody.

"Mel?!?" nasabi ko nalang sabay nganga. Nabigla ako sa itsura at ayos niya. Teka mali, "nabighani" ata ang mas magandang salita para sa naramdaman ko sa panahon na iyon.

"Hoy, napano ka Mikey? Ngaun ka lang ba nakakita ng magandang babae?" sabay lagay niya ng kamay sa beywang niya.

"Ha? Ang ganda mo Mel." sambit ko, pero hindi ko sinasadya yun, bigla ko na lang nasabi at mukhang nagulat din siya sa sinabi ko dahil kita sa pisngi niya ang pamumula. 

"Maganda naman talaga ako. Tse." ang sagot niya.

'Sandali nga, bakit ba ganyan ang get up mo? Gabing gabi na, kung makapagbalandra ka pa ng katawan mo eh parang..." naputol ako ng naisip kong first time kong makitang ganun ang ayus ni Melody, sanay akong nakikita siya na naka pants and blouse lang, magandang transformation para sakin ang nakikita ko ngaun. 

"Parang anu? Pokners?" sabay tawa niya. "Adik ka, mainit kasi eh, at sa ate ko to napagtripan lang ako. Tamo, kinulot pa ako. Lumabas lang ako at nakita kitang naglalakad nang nakadungaw ako sa bintana. Bakit hindi ka nagrereply? San ka ba pupunta?"

"Wala naman, maglalakad lakad lang. Punta sana ko dun sa may coffee shop. Gusto mo bang sumama?" sagot ko. 

"Sige sandali lang, magbibihis lang ako." 

"Ha? Wag ka na magbihis, ang sexy mo kayang tignan." 

"Gago, pervert ka talaga. Sandali lang." sagot niya sabay takbo papasok sa kanila. Mga ilang sandali pa ay balik na siya sa dati niyang anyo, the girl in the pants and a blouse. Pero, maganda pa rin siya. 

Sa cafe umorder ako ng frappe, mochaccino. Yun lang naman ang alam kong orderin at hindi naman ako partikular sa mga ganung klaseng inumin, habang si Melody naman ay kung ano ano pang pinapahalo sa drink niya. Super customized at may peppermint pa akong nakita sa saucer niya. 

"Foodie ka talaga." bati ko nang maupo na kami sa may sulok katabi ng glass wall ng shop. 

"Hindi naman masyado, mas masarap lang ang ganito." sagot niya. 

Naglaro na naman ang isip ko at nakita si Bianca na nakadungaw sa bintana ng unit ng apartment na yun. At medyo nahahalata ata sa mukha ko ang pagiisip ko at napatanong si Melody ng "Hoy, anung iniisip mo? May problema ka ba Mikko James?"

Natawa lang ako at umiling. "Wala naman, may nalaman lang ako pero hindi pa sigurado. Medyo magulo." 

"Haha, kung anu ano kasi iniisip mo, puro kabastusan na naman yan eh. Pero kung ano man yun, wag mo muna masyado isipin siguraduhin mo muna." sagot niya. 

Lumipas pa ang oras sa harap namin habang kami ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Lagi naman kaming ganito ni Melody pero hindi kami nauubusan ng usapan. Mula sa asong umiihi sa tabi hanggang sa buhay ng guwardiya na nakapost sa isang pawn shop. Lahat ay napaguusapan namin at nageenjoy habang ginagawa lahat ng iyon. 

"Gabi na Mikey, may pasok pa bukas. Tara na kaya?"

"Ha? San?" tanong ko.

"Uuwi! Ano na naman ang iniisip mo?! Bastos ka talaga." sagot niya sabay tawa. 

Makalipas ang ilang minutong lakad at harutan sa daan, nakarating na din kami sa bahay nila Melody. Taas ng kamay niya at sinalubong ko naman ng palad ko. "Up here!" sabi niya. "Good night Mel." Naghiwalay na kami at naglakad na ako pauwi. 

Napahinto ako sa paglalakad ko ng matapat ako sa apartment na iyon. Si Bianca, nakita ko na naman, nagtago ako sa may halaman sa harap ng bahay namin. Nakita ko siyang sumakay sa isang pulang kotse na pinagbuksan pa siya ng isang lalaking nasa mga late 40's or early 50's na niya. 

Napakaganda ng ayos niya na para bang may party na pupuntahan. Yung social party ah. Hindi ko masyado makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod siya. Pagsakay ng lalaki eh sabay alis na ng kotse. Nakita ko sa gilid ng mata ko ung guard sa tapat. Si kuya Waldo pala. Lumapit ako sa kanya at binati siya. 

"Oy James, ang ganda nung chicks nun noh? Haha si Mr. De Castro yun may ari nitong apartment na to. Ang bata nga lang nung babae, kawawa." 

Nakanganga pa ko bago ako makasagot sa kanya. "Kilala mo ba yung babae?" 

"Ah hindi, ngaun ko palang nakita yun eh. Baka binigyan din siya ng unit dito. Hoy! Wag mo na isipin yan James, hindi mo kaya si Mr. De Castro." sagot niya sabay tawa. "Kilala mo ba siya?" 

"Hindi, hindi." halos matanggal ang leeg ko sa lakas ng pag-iling ko. "Baka kamukha lang. Sige mauna na ko ah, gabi na." 

Pagpasok ko nang kwarto, tumalon lang ako sa kama at nagumpisa ng magmuni muni. Si Bianca ba yun? Bakit siya may kasamang ganung lalaki? Naglaro na naman ang magaling na utak ko. 

Lumipas pa ang ilang minutong sobrang tagal at nakatulog na din ako.

Papasok sa klase, wala pa rin ako sa sarili habang iniisip si Bianca at ang aking nakita. "Good morning MJ." isang malambing na boses ang sumalubong sakin pag pasok ko ng pinto. Syeeeeet. Si Bianca Victoria at ang kanyang matamis na ngiti, para bang natunaw ang laht ng iniisip ko at ako mismo sa ganda ng pagkakangiti nya. Hindi nga siya ang babaeng iyon.

Hey there!

This is a continuation of an old story of mine. How you like that?? Anyhow, I think this might be the last of the batch and I'll get back to my random blog entries.

Anyway and anyhow, I always appreciate your time spent on this one and as usual ...

Cheers!!!


Lead image : shutterstock

5
$ 0.75
$ 0.45 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Meyzee
$ 0.05 from @Jane
+ 4
Sponsors of meitanteikudo
empty
empty
Avatar for meitanteikudo
2 years ago
Topics: Story, Fiction, Romance

Comments

Haha. I am rooting for Melody! Haha. Rawr. Anyways I am curious of the name melody. Are you inclined to music? Haha!

Anyways escort nga pala ang first title haha! 😆

Meron akong nakikitang babaeng ganito e. Ang ganda tapos, kada hapon, iba ibang kotse sumusundo. Haha! Gagi oo nga doon sa katabing project namen, hindi ko binabantayan ah!!! Hahaha napapansin ko lang! Pero iba iba talaga kasama niya! Pero infairness naman maganda talaga si ate, lalo na sa kanyang red dress. Grabe ang abutan ng cash. Haha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha madami daw kasi silang sasakyan ayy. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

I want Melody na for Mikko 💙. Si Bianca kasi paramg nasa loob ang kulo or baka naman tatay nya lang un, ahaha. Next ma agad kudo kudo, waiting kami 🙋💥

$ 0.00
2 years ago

Hahha wala na atang next. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Itulog mo nlng yan 🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahaha bakit?? Ayaw na ba? Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Sugar daddy pala ang nais. Ay joke lang hahhaa. Judgemental ako masyado sana naman tito niya lang yun. Hhaah

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha wild.

$ 0.00
2 years ago

Parang nabasa ko na to in English 😁

$ 0.00
2 years ago

Whaaaaat??? Where????? Really??

$ 0.00
2 years ago

Haha yung sa may flute? Melody din name niyaaa. Haha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha tsaka sa isa oang story.. oo nga no? Naobsess nako sa name na melody hahaha

$ 0.00
2 years ago

Oo diba hahaha

$ 0.00
2 years ago