the unplanned pregnancy

0 16
Avatar for maydas0526
2 years ago

photo from google

What comes to your mind while reading the title of my article? Is it timely, especially for young people? Or to people who loved at the right time? May be I guess you were right. All people have the right to be happy no matter what situation they going through.

Bagama't maraming katanungan sa isip mo/ko, sana ay may matutunan tayong magandang aral sa aking kwento.

Let me share you my story.

The obedient child

Lumaki ako sa malaking pamilya. Kasi sampu kaming magkakapatid, oh diba marami kami at ako ay pang walo sa amin. Ako din ang bunsong babae, sa dami namin d kaya ng aming mga magulang na sabay sabay kaming mag aral, kaya ang iba sa mga kapatid ko high school at vocational ang natapos. When time na ako na ang mag-aaral sa college alam kung di kakayanin ng aking mga magulang, kaya nag apply ako bilang university scholar or working student. Hindi naman stricto ang parents ko noong nag aaral ako. Mabait sila at lagi din nila akong tinatanong kung kumusta na ako at need ko daw magsipag at magtiyaga para din sa aking kinabukasan. Natapos ko nga ang aking pag-aaral ng college. Syempre ang saya saya ko lalo na ang king mga magulang.

 

Buhay single

After graduating from college, nag apply ako ng work at nakapagtrabaho. Ang saya ng may sarili kang pera na ginagamit at nabibili mo na ang mga bagay na gusto mo. Habang nagwowork ako sinabay ko ang magreview para sa aking board exam. I take my broad exam and luckily I passed. Thanks sa lahat ng tumulong sa akin lalo na ang aking supportive boss na pinagbigyan ako sa mga leave ko noong malapit na ang aking board exam and to my family na lagging anjan sa aking tabi. Masarap maging single at may stable job. Atleast kahit papaano nakakatulong na ako sa aking mga magulang at ibang kapatid.

 

May love life

Priority ko ang pagtatapos ng pag-aaral noon kaya kahit may mga nakarelasyon ako noong college di rin nag tatagal dahil mas nauuna ang pag-aral kesa sa date. Kaya noong nakapagtapos na ako doon na ring ako nagseryoso. I have this co-worker na lagi akong kinukulit at inaasar after all he became my boyfriend. Mabait at maunawin un nga lang pikonin. We been in relationship for almost 1year. Both side known our relationship.

 

The pregnancy

I got pregnant at the age of 26 but not married. Oo buntis ako na d pa kami kasal ni partner. Noong nalaman ko na buntis ako syempre happy ako pero andoon ang kaba at takot sa mga magulang ko at pamilya ko same goes with my boyfriend noong nalaman niya. Maraming katanungan sa isip ko ang tumatakbo pero binaliwala ko na kasi anjan na eh, harapin na lang at huwag takbohan. As expected disappointment ang naramdaman ng aking pamilya sa akin. Pinagsabihan pa ako nakapagtapos ka ng maayos professional ka naman pero bakit ganyan. Pero pagkatapos ng sermon at lahat lahat we are still family kaya they openly accept it and nasa right age naman na daw ako para jan. Pero wait kung sa pamilya ko ay tanggap nila, sa boyfriend ko nahirapan pa siyang sabihin sa kanila kaya hinayaan ko lng siya na siya magsabi sa family niya. Umabot ng ilang buwan di pa niya masabi sabi until such time na sinabi niya na and guess what. Nagalit family niya sa kanya lalo ang kanyang mama at ang ate pala niya ay planning that year na magpakasal. Ang ending parang wala siyang nakuhang support sa family niya maliban sa ate niya na isa. I feel too sad noong nalaman ko na ganun ang reaction ng family niya. Dumating pa sa point na para akong kaladkaring babae sa mga tono ng salita ng mama niya.  Tumawag sa akin noon ung ate niya na nagplaplaned magpakasal that year, galit ang tuno ng voice niya, nakarinig ako ng masasakit na salita galing sa kanya, masakit pero totoo. Pinakinggan ko na lng siya at di nasumagot sa ibang sinabi niya. In short want pala na boyfriend na magpakasal sana kami that year bago lumabas si baby pero dahil nakaplanned na ang ate niya kung pwede mag move sana sila the next year for the sake sana ng bata. Pero di pumayag ang ate at nagalit sa amin. Sinabi sa akin na we need to wait to our turn kahit na buntis na ako. That time diko alam gagawin ko kasi ang mga parents ko waiting for my bpyfriend family para sana pag-usapan ang sa amin pero wala eh. Naglakas loob ako at boyfriend ko sa kausapin parents ko na wala munang kasal na magaganap kasi planning na ang kasal ng ate niya. Makikita mo sa mga mata ng family ko ang pagkadismaya pero di na sila nag react pa nag masama tangging nasabi sa aking ng mga magulang ko. Anak kung ganyan ang mangyayari magpakatatag ka kasi sure ang mga marites sa daan pag uusapan ka. So ayun na nga tanggap ko na, manganganak ako na d kami kasal ng partner ko. Na stress ako at halos inisip na huwag nag ituloy ang relasyon ko sa partner ko that time kasi disappointed din kasi ako sa family niya. Marami akong bakit na tanong, dahil sa sobrang stress ko noon nagbleeding ako, thank God natakbo ako agad sa ospital at naagapan at makapit si baby. Then I realize hindi na mahalaga sa akin ang sasabihin pa ng ibang tao sa paligid ko mas mahalaga sa akin ang baby ko.

 

The birth

Nanganak ako na di na talaga nagbago ang desisyon ng kabila pero kahit ganun di naman nagkulang si partner na supportahan ako at ang baby naming kahit pinagtulakan ko na siya palayo sa amin. Present siya lagi sa prenatal checkup hanggang sa nganak ako. Laking pasalamat at di niya ako sinukoan.

Ending

Marami pa kaming pinagdaanan pero ill cut it short na dito. 9months na si baby noong ikinasal kami ni partner. All support nakuha namin that time ung mga galit noon napalitan lahat ng pagmamahal. Happy naman ako nguan sa buhay namin. Ung mga ate niya noon na masungit supertive niya sa amin at talaga naming mabait. Nguan we have 2kids na at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

 

Ending thoughts

Hindi dahil nagkamali ka ay wala ka ng karapatan para maging masaya. Hindi ang pagkakamali na nagawa mo ang pipigil sayo para lumaban sa buhay. Gawin mo itong inspirasyon para harapin ang bukas.

 

Maraming salamat sa lahat ng bumasa sa aking unang article na sinulat. Sana ay makasama ko pa kayo sa mga susunod ko pang kwento

Hanggang sa muli

1
$ 0.00
Avatar for maydas0526
2 years ago

Comments