"Paubaya"

0 9
Avatar for mathy
Written by
3 years ago

Moira's 'Paubaya' reveals to us kung bakit marami sa atin ang may trust issues sa relationship. "Saan nagsimulang magbago ang lahat, kailan nung ako'y 'di na naging sapat?" "Saan nag kulang ang aking pagmamahal? Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang; ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?" "Saan natigil ang pagiging totoo sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?" Those questions echo the pain that was felt---'yung sakit na iwan ka at ipagpalit sa iba without a hint or a warning. Bakit ba kasi hindi kayang maging direct ng mga cheater? Na kapag nagbabalak na silang maghanap ng bago eh sabihin nalang nila ng straight to the point. Mas masakit kasi 'yung paniwalang-paniwala kang mahal ka pa, tapos biglang malalaman mo nalang na hindi na pala totoo ang lahat kasi meron na syang iba. Parang ahas na tahimik na lalapit sayo ng wala kang kaalam-alam tapos bigla ka nalang tutuklawin. Well, this only reveals the selfishness of cheaters, na just to preserve their image, they would risk hurting you by lying straight to your face. Pero ito 'yung pinaka masakit na parte ng kanta... "At kita naman sa 'yong mga mata kung bakit pinili mo siya. Mahirap labanan ang tinadhana; pinapaubaya, pinapaubaya, pinapaubaya ko na sakanya." 'Yung makita mo sa mata nya 'yung saya na never mong nakita kapag ikaw ang kasama nya. Ito 'yung masakit eh. Sa sobrang sakit, wala kanang nagawa kundi ang magpaubaya nalang kahit na mahal na mahal mo pa. And this is the lesson na matututunan natin sa kanta, na kapag iniwan ka para ipagpalit sa iba, may mga pagkakataon na hindi mo na dapat subukang ipaglaban pa. Kase minsan makikita mo ng sobrang linaw sa mga mata nya na wala nang natitirang pag-ibig para sayo---na wala na, kaya magpaubaya ka nalang kasi wala ka naman nang ipaglalaban pa.

1
$ 0.00

Comments