Falling in Love

0 25

Tulala si Jenna sa kanyang desk na nakatingin lang sa laptop niya, dumating si Layla na kasama niya sa trabaho at naka-assign sa admin building nang factory.

Layla: Tulala na naman ang maganda kong kaibigan.

Jenna: Anong tulala ang sinasabi mo dyan? Nagtatrabaho po ako dito, ano na naman ang hihiramin mo sa akin?

Layla: Ito, hanapin mo ang mga ito para naman matrabaho na nila ang ilang parts na dapat gawin sa machine. Sino ba kasi ang tinitingnan mo sa laptop mo o iniisip mo na naman ang ex-boyfriend mo? o di kaya ang ultimate crush mo? Saan doon?

Jenna: Hindi ko po iniisip ang ex-boyfriend ko! Iniisip ko lang ang buhay ko ngayon at napakaboring, daig ko pa ang nawalan nang pera sa wallet ko. Pero masaya naman kahit single ako ngayon, nagagawa ko ang lahat nang gusto ko at walang nagbabawal sa akin.

Layla: Ayan naman pala, masaya ka naman pala eh. Ano pa nirereklamo mo dyan? Dapat magtrabaho ka na lang, dahil ikaw pa naman ang inspiration nang mga kalalakihan dito sa trabaho nila, ang pinakamaganda naming tool keeper sa factory nang sasakyan.

Natatawa si Jenna sa kaibigan niya na pinapasaya siya lage, kinuha niya ang ilang kailangan nito at ibinigay sa kaibigan.

Layla: Oo nga pala, darating sa susunod na linggo ang ilang parts at tools na nirequest mo pero sabi nang Management kinakailangan na muna nilang makahanap nang makakasama mo rito para naman hindi ka mahirapan.

Jenna: Lalaki ba ang hinahanap nila? Kasi may kilala ako.

Layla: Kanina mukhang may tinawagan na yata sila, hindi ko lang alam kung anong pangalan nang lalaking yon. Dapat kasi naman lalaki ang tool keeper dito, marami pa naman mabibigat na tools dito at hindi mo pa naman kayang magbuhat nang mabibigat.

Jenna: Anong hindi ko kaya? Kayang-kaya ko ang mga tools or kahit parts na buhatin kahit buhatin pa kita dyan.

Nagtawanan silang magkaibigan, napatingin naman si Jenna sa ilang parts doon na pinapahanap ni Layla.

Layla: Hindi ka ba sasama sa amin sa outing ngayong linggo?

Jenna: Ano naman ang gagawin ko habang kasama ninyo ang mga asawa at boyfriend ninyo? Magmumukha lang akong yaya ninyong lahat, mas mabuti pa'ng matulog ako at maglinis nang bahay namin.

Layla: Kaya ka hindi nagkakaboyfriend, Jenna eh. Palage na lang pamilya ang iniisip mo, paano naman ang sarili mo? Aba, malapit ka nang mag-30 at hanggang ngayon hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend, samantalang ang ex-boyfriend mo naman nakahanap kaagad nang kapalit mo. Bakit hindi ka maghanap sa mga online dating?

Jenna: Ano naman ang mapapala ko sa mga lalaki ngayon? Sakit lang sila nang ulo, kaya nga wala pa rin akong mapili kahit sa mga manliligaw ko.

Layla: Nasaan na kaya ang lalaking para sayo? Baka na-traffic lang siya?

Jenna: O di kaya may nauna nang nakita sa akin kaya hindi na nakarating sa buhay ko. Ayos lang sa akin, mag-aalaga na lang ako nang mga pamangkin ko o di kaya aalagaan ko na lang ang Mama ko.

Layla: Susuko ka na lang kaagad? Hindi natin alam darating na lang ang true love mo na hindi inaasahan o di kaya bukas?

Jenna: Umalis ka na lang, Layla. Marami pa akong gagawin dito atsaka baka hinihintay na nila yang mga parts na kailangan nila.

Layla: Mabuti nga at nagkukwento ako sayo dito para hindi ka naman mabagot, basta tatawagan kita kung saan magkikita ngayong linngo.

Jenna: Hindi nga ako sasama, kayo na lang. Wag niyo na akong idamay.

Layla: Napaka-killjoy mo talaga, Jenna.

Ngumiti lang si Jenna sa kaibigan na inaasar niya. Napatingin si Jenna sa dati niyang crush na may pamilya na ngayon.

Jenna: Sayang, hindi ka na rin available ngayon. Mabuti ka pa nga masaya ka na sa buhay mo ngayon, nakita mo na ang babaeng makakasama mo habang buhay.

Uwian na yon at paglabas ni Layla nakilala niya kaagad ang lalaking kausap nang boyfriend niya na si Jason. Napatingin siya sa lalaki na parang kilala niya ito.

Layla: Ram Gonzales?!!

Jason: Wag ka naman sumigaw, Babe. Ginulat mo naman kami ni Ram.

Ram: Kumusta ka na, Layla?

Layla: OMG!! Ikaw? Kumusta ka na? Saan ka ba nanggaling, lalaki ka?

Natatawa sina Jason at Ram sa reaksyon ni Layla.

Ram: Tinulungan kasi ako nang boyfriend mo na makapasok dito, magsisimula na ako kaagad bukas. Alam naman ninyong nanggaling pa ako nang ibang bansa at gusto ni Marisa na manatili na lamang ako dito para sa anak namin na si Mina.

Layla: Oo nga pala, may pamilya ka na pala ngayon. Kumusta naman ang mag-ina mo ngayon?

Ram: Mabuti naman, nagtatrabaho kami pareho. Isang nurse na ngayon si Marisa sa isang government hospital dito.

Jason: Mabuti pa, magkwentohan na muna tayo. Matagal ka ring nawala dito sa atin eh, halika para naman malibre ka namin nang Baby Layla ko.

Layla: Oo nga naman Ram.

Ram: Kailangan ko na kasing bumalik kaagad, iniwan ko lang ang anak ko sa kapit-bahay namin. Sa susunod na araw na lang kapag may mapag-iwanan na kami kay Mina.

Jason: Magkikita pa rin naman tayo bukas.

Layla: Ano naman ang magiging trabaho niya, Jason?

Jason: Siya ang makakasama ni Jenna sa Tool room at Parts Area, dati namang nagtatrabaho si Ram sa isang pagawaan nang sasakyan doon sa ibang bansa kaya nakapasok siya kaagad.

Natahimik na lamang si Layla na natulala sa kanyang nalaman saka ngumiti lang sa dalawang lalaki. Nagpaalam na si Ram sa kanila na uuwi na ito, napatingin naman si Jason kay Layla.

Jason: Bakit ka naman natulala dyan?

Layla: Siguradong pasasalamatan tayo ni Jenna nito, dahil dinala natin sa kanya ang kanyang ultimate crush, si Ram Gonzales mismo!

Jason: Si Ram? May asawa na yon eh.

Layla: Hindi po ba pwedeng humanga ngayon sa isang lalaki?

Jason: Pwede.

Layla: Yon naman pala, kaya wag ka nang magtanong. Halika na at nagugutom na ako.

Nasa bahay na si Jenna na kaagad napatingin sa magulo nilang bahay, nagkalat ang mga gamit na parang may dumaan na buhawi.

Jenna: Bakit naman ang daming kalat dito?

Lumabas si Jace na pangalawa sa kanilang tatlong magkapatid, si Jenna lamang ang babae sa kanilang tatlo.

Jace: Nandito ka na pala, bunso. Sabi ni Mama, linisin mo na lang raw ang bahay ngayon kasi mamayang gabi pa siya makakauwi, kailangan niya raw bantayan ang bigasan ngayon dahil maraming nagbabayad nang kanilang mga utang. Ako naman, papasok na sa night shift ko. Pakilaba na rin pala nang uniform ko at ayusin mo na rin ang kwarto ko, salamat bunso.

Ngumiti lang ang kapatid niya at umalis kaagad doon.

Jenna: Ginawa ba naman akong katulong!

Tumunog ang computer nila at kaagad ni binuksan ni Jenna ito. Tumatawag sa video call ang panagany nila na nasa ibang bansa nagtatrabaho, si Jedrek.

Jedrek: Bakit naman nakasimangot na naman ang bunso kong kapatid?

Jenna: Ano ba sa tingin mo, Kuya?

Jedrek: Iniwanan ka na naman nang mga kalat dyan?

Jenna: Ayos lang naman sa akin na ako ang maglinis nang lahat nang ito at maging tagapagsilbi nila dahil ako naman ang babae pero para namang pinasokan kami nang mga magnanakaw dito. Sana naman maisip nila na pagod rin ako galing sa trabaho ko.

Jedrek: Wag kang mag-alala, pagbalik ko dyan sasabihin ko kay Mama na dadalhin kita dito sa London para naman hindi ka na maging alila nang mga tao dyan.

Jenna: Ikaw na lang palage ang kakampi ko, Kuya Jed. Hindi na nga ako makapaghintay na pumunta na dyan sa London pero kung aalis ako, sino na ang mag-aasikaso nang mga kailangan nina Mama at Kuya Jace?

Jedrek: Malaki naman ang sahod ko dito, ako na ang magpapasahod nang magiging kasambahay nila.

Jenna: Gastos lang po yan, Kuya.

Jedrek: Wala namang pupuntahan ang pera ko kundi dyan lang sa inyo.

Jenna: Bakit kasi hindi ka na lang magpakasal? May mga trabaho na kami ni Kuya Jace atsaka malakas na ang bigasan na pinatayo mo dito, ano pa ba ang hinihintay mo?

Natahimik ang kapatid niya sa kabilang linya, napatingin naman si Jenna sa kapatid na ngumiti lang dito.

Jenna: Hindi na ako magtatanong niya'n sayo, titingnan mo lang ba ako ngayon hanggang matapos ako sa paglilinis ko, Kuya?

Jedrek: Gaya pa rin nang dati, alam mo namang ako lang ang kasama mo ngayon dyan.

Jenna: Oo nga eh, mabuti na lang nandyan kayo lage.

Naglilinis si Jenna nang kanilang bahay habang kausap ang kapatid niya sa computer, natapos ang lahat nang trabaho niya sa bahay at nagluto nang haponan.

Jedrek: Sumama ka na lang sa outing, siguro sa outing na yan makikilala mo na lang ang lalaking matagal mo nang hinahanap o ang lalaking nakatadhana sayo, hindi natin alam di ba?

Jenna: Sasama lang ako kapag may nakasama akong walang partner para may kausap naman ako doon. Tigilan mo na lang kasi ako sa paghahanap nang lalaking makakasama ko, Kuya Jed. Masaya naman akong single ang status ko, hindi naman ako nagmamadali.

Jedrek: Gusto ko lang kasi na makita mo na kaagad ang lalaking pwede kang alagaan at protektahan.

Jenna: Kaya kong alagaan at protektahan ang sarili ko, kaya ayos lang kung hindi ako mag-asawa o magka-boyfriend man.

Dumating si Lucy na kanilang ina, kaagad na kinuha ni Jenna ang mga dala nang kanilang ina.

Lucy: Nag-uusap pala kayong magkapatid.

Natahimik naman si Jedrek na hindi man lang binati ang sariling ina, masama ang loob ni Jedrek sa ina dahil iniwan sila nito at isinama si Jace habang nagkakasakit ang kanilang Ama at hirap na hirap sila sa buhay. Kinakailangan pa'ng magtrabaho ni Jedrek para lang makatulong sa kanilang Ama.

Jedrek: Jenna, mamaya na ako ulit tatawag.

Jenna: Sige po, Kuya Jed.

Kaagad na nawala ang video call ni Jedrek. Napatingin naman si Lucy sa kanyang bunsong anak na binigyan siya nang makakain sa lamesa.

Lucy: Kumusta naman ang bunso kong anak?

Jenna: Mabuti naman po, Mama. Kumain na po kayo, kaluluto ko lang nang haponan natin.

Lucy: Hindi ba nagluto ang Kuya Jace mo?

Jenna: Hindi po eh, nagmamadali nga po siyang umalis para pumasok sa trabaho kanina.

Lucy: Sinabi ko naman sa kanya na maglinis siya at magluto nang haponan para naman makapagpahinga ka na lang pagdating mo. Pasensya ka na Jenna, sa kakamadali ko kanina hindi ko na nailigpit ang mga kalat dito.

Jenna: Ayos lang po yon, hindi naman po ako masyadong napagod sa trabaho kanina.

Napaisip si Lucy sa kanyang panganay na may malaking galit pa rin sa kanya.

Lucy: Kumusta pala ang Kuya Jedrek mo doon?

Jenna: Maayos naman po, mamaya siguradong tatawag na naman yon sa akin.

Lucy: Sa tingin mo ba, masama pa rin ang loob niya sa akin?

Napatingin si Jenna sa kanyang ina na napaiyak na lang doon.

Lucy: Simula nang namatay ang Papa ninyo, hindi na niya ako kinausap kahit sandali man lang. Hindi niya man lang pinakinggan ang paliwanag ko noon.

Niyakap ni Jenna ang ina na umiiyak.

Jenna: Wag niyo na po yong isipin, darating rin po ang araw at matatanggap kayo ni Kuya Jed, maghintay lang po tayo.

Lucy: Napakabait talaga nang bunso ko, kaya nga mahal na mahal kita dahil lage mo akong binibigyan nang pag-asa.

Napangiti si Jenna sa kanyang ina na ngumiti rin sa kanya. Nasa kwarto na si Jenna at napatingin lang sa laptop niya na nakabukas at nandoon na ang kapatid niya na tulala lang sa kabilang linya.

Jenna: Bakit kasi hindi mo na lang patawarin si Mama, Kuya?

Jedrek: Para ano pa? Kung patatawarin ko ba siya, kaya niya ba'ng ibalik ang mga panahon na naghirap tayong magkapatid? Hindi, hindi ko kailangan nang ano mang paliwanag niya. Pagbalik ko dyan, iiwan natin silang dalawa ni Jace at hindi na tayo babalik pa sa bansang yan. Kakalimutan mong may ina tayo.

Jenna: Alam mong hindi magugustohan ni Papa yan kung nandito lang siya, gusto niyang buo tayong pamilya niya.

Jedrek: Tahimik na si Papa ngayon, at kahit kailan hindi naging parte nang pamilya si Mama at si Jace. Tayo lang ni Papa ang pamilya, Jenna.

Hindi na lamang nagsalita si Jenna sa mga nasabi nang kanyang kapatid. Kinaumagahan naman, nasa trabaho na si Jenna at nagbibigay nang mga request tools at parts sa mga workers. Natigilan na lang siya nang paparating si Jason na supervisor nila kasama si Ram.

Jason: Jenna, si Ram Gonzales ang makakasama mo dito sa Tool room at Parts Area.

Ram: Good morning Jenna.

Jenna: Siya?

Natatawa namna si Jason sa reaksyon ni Jenna na napapatingin kay Ram.

1
$ 0.00

Comments