Facebook

0 6
Avatar for marcostephen
4 years ago

Nak turuan mo nga akong gumamit ng peysbuk peysbuk na yan" "Sige, mamaya na Ma. May ka chat pa po ako" "Nak pano ko ba malalaman kung nag message na sa akin ang ate mo?" "Tanong ka nang tanong Ma eh kaya mo naman yan matutunan mag-isa. Ang dali-dali lang namang gumamit ng messenger eh" "Nak! Nak gising nag bibidyu kul ata ang Papa mo. Anong pipindutin ko dito?" "Ma naman ehh! Ginising mo pa'ko eh pipindutin mo lang naman yung kulay green. Kainis naman Ma!" "Nak pa'no ba 'to laruing Candy Crush? Turuan mo naman ako para naman may libangan ang mama mo" "Ma naman! Ang tanda tanda mo na maglalaro ka pa niyan?! Tsk" "Ano nga ulit 'nak yung password ng peysbuk ko?" "Palagi mo naman kasing kinakalimutan ma eh! Ang dali daling isaulo ng password 'di mo pa magawa! Paulit-ulit na lang ba Ma? Ha?! Nakakasawa ka nang turuan eh! After 1 month... Ako'y nakangiti habang tinitingnan ang picture namin ni Mama. Bigla ko tuloy naalala yung paboritong notebook niya. Hinanap ko yun sa kwarto niya at bigla kong nakita ang isang nakatuping papel na agad ko namang binasa... Mahal kong anak, Sa sulat na'to ko na lang sasabihin ang mga gusto kong sabihin sa'yo. Baka kasi sigawan mo na naman ako at mag-away pa tayo kapag sinabi ko pa ang saloobin ko sa'yo nang harapan. Pasensiya ka na anak kung madalas kitang naiistorbo tuwing busy ka. Kung nagpapaturo pa ako sa'yo magpeysbuk kahit alam kong ka chat mo yung girlfriend mo. Alam mo ba noon kahit sobra pa akong busy lagi kitang inaalala. Tinuruan kitang magbasa at magsulat at kahit kailan ay hindi ka naging istorbo sa akin. Uunahin kita lagi gaano man ako ka-busy. Uunahin ko ang kalagayan mo kaysa sa aking sarili. Pasensiya na rin anak kong palatanong ako. Pasensiya na kung hindi marunong gumamit ng messenger ang mama mo. Wala naman kasing gadget gadget nung panahon namin. Alam mo rin ba nung natuto kang magsalita? Ang dami dami mong tanong pero sinagot ko yun lahat. Palatanong ka ngunit hindi ako nainis sa'yo at laging sinasagot ang tanong mo nang nakangiti. Sorry din anak kung nagising pa kita nung nagbidyu kul ang Papa mo. Miss na miss ko na kasi ang Papa mo nun pero di ko alam kung paano sasagutin yung tawag niya. Noon 'nak, ilang beses din akong nagising kakatimpla ng gatas mo. Lagi akong kulang sa tulog pero ang mas mahalaga ay ang makatulog ka. Nawawala kasi lahat ng pagod ko makita lang ang himbing ng tulog mo. Sorry din kung nagpaturo pa'ko sayo maglaro ng Candy Crush. Gusto ko lang naman kasing maranasan ang maturuan ng anak ko kahit sa simpleng bagay man lang. Naalala mo ba nung bata ka pa? Ako ang nagiging kalaro mo kapag malungkot ka. Wala akong pakialam kung magmukha akong isip-bata kasi ang mahalaga ay ang maging masaya ka. Pasensiya na kung palagi kong nakakalimutan ang password ko. Dulot na siguro ng katandaan. Pero pangako na hindi kita kakalimutan kahit na ako'y makalimutan mo na. Sorry din kung nagsasawa ka nang turuan ako. Pasensiya na kung napakakulit ng mama mo. Gusto ko talaga kasing maturuan ng aking anak sa natitirang oras ng buhay ko. Mahal na mahal kita anak. Lagi mong tatandaan yan. Nagmamahal, Mama Patuloy na tumutulo ang aking luha sa hawak kong papel. Bakit ngayon ko lang nakita ang sulat ni Mama kung kailan wala na siya? ~ PS: Wag ipagkait sa magulang ang maliit na bagay na pansamantalang mag papangiti sa kanila habang sila'y nabubuhay pa❤❤

2
$ 0.00
Avatar for marcostephen
4 years ago

Comments