Tuwing 3 Ng umaga

1 26
Avatar for marco28
4 years ago

August 08, taong kasalukuyan nandito ako nakatira sa tita ko QUIRINO PROVINCE mga dalawang gabi ko palang dito meron na akong kakaibang nararamdaman marami na rin akong naencounter na mga bad/good spirits kase nasa lahi namin ang panggagamot sa mga may sakit or tatawaging "tawas" para sa mga nabati ng mga engkanto.

So balik tayo sa kwento. Tuwing sasapit ang alas tres nagigising ako bigla bigla.. tapos mga ilang araw pa lagi akong nananaginip ng masama gaya ng pinapatay, nirarape at iba pa.. paggising ko pawis na pawis ako di ko alam kung bakit. Kwento saakin ng mga pinsan ko hindi pala nila bahay dati itong tinitirahan namin bali binili lang ng ate ng tita ko tapos sila na ang naging care taker dito. Sabi nila may namatay daw mismo sa loob ng bahay nato. Isang dalaga daw nasa labing limang taong gulang ang edad . Pinagsasaksak daw siya ng lalaking may gusto sa kanya? Then matapos makwento saakin yun mga ilang araw lang nanaginip ako. Isang batang babae at may kasama siyang maitim na tao as in parang anino siya tapos naghahabulan sila at iniikot ikot yung puno ng mangga ngumiti sila saakin ng creepy sobrang nakakatakot talaga tapos bigla akong nagising ng alas tres kase ginising ako ng pinsan ko kase nababangungot na daw ako tapos umiiyak paggising ko tuloy tuloy pa rin yung pagiyak ko tapos naghahabol ako ng hininga sobrang pawis kinabukasan kwinento ko sa mga pinsan ko sabi nila "naranaam ngarod ah ajay ubing" salitang ilocano na ang ibing sabihin nakaharap ko daw yung batang pinatay . Pero napapaisip ako. Bakit ako pa? Anong kailangan niya? Humihingi ba siya ng hustisya?

Then the next day sa may cr

Humihilab yung tiyan ko kaya nagdecide akong pumunta ng cr bandang alas nuwebe ng gabi.. may sumisitsit sa may likod ng cr pero hindi ako natakot pinapalayas ko pa nga eh sabi ko sa kanya wala akong oras makipagbiruan sayo umalis ka diyan nagccr ako HAHAHA Laughtrip pero sobrang takot ko doon binalewala ko lang .. hanggang sa nagkwento din yung tita ko kagabi lang daw nangyare nagcr siya ng bandang alas 7 ng gabi nasa labas kase yung cr namin. Nagulat daw siya kase may dumaan mismo sa harap ng pintuan maitim daw yun na parang tao talaga hindi naman natakot si tita kase sanay na kami.

Kaninang madaling araw alas tres na naman. Nagising na lang ako bigla pero di ko alam kung bakit tapos di na ako makatulog iisang posisyon lang ginawa ko which is nakatagilid lang ako di ko alam yung nararamdaman ko natatakot na kinakabahan na ewan nagdasal ako ng nagdasal pero wala pa rin ang wierd nga eh ang lakas ng presensya niya . Saka nung mga nakaraang araw na naman tuwing alas tres ng madaling araw may naamoy akong mabaho masangsang yung amoy . Parang dugo na natuyo ang baho talaga pero binalewala ko yun kase matapang ako. Di ako nagpatinag sabi ko sa isip ko di moko kaya mas malakas panginoon ko kaya dapat kang matakot .

Marami pa akong karanasan pero tinatamad na ako magtype sana admin maipost mo HAHAHA.

Ps. Diba kapag nagigising ka ng alas tres sabi nila may nakatingin daw lage sayo kase yung kwarto namin ni tita eh kurtina lang yung nagsisilbing pader. Nakakatakot man pero hindi ako nagpapatinag .

Salamat sa magbabasa! Iloveyou all

2
$ 0.15
$ 0.15 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments

Same here dami ng expirience mahhb lana lang minsan sa mga bata na di makapunta ng cr dahil sa takot. hahahaha

$ 0.00
4 years ago