Tanghali yon, after lunch. Siesta. Ang tao lang sa bahay nun ako, tatlo kong pamangkin (alias Gigi 7y/o, Kiko 11y/o, Nino 4months) at si mama. Yung mga oras na yun, nasa kwarto si mama at si Nino para matulog. Kami ni Gigi at Kiko nasa sala. Dahil di naman uso sa kanila ang siesta, hobby na nila maglaro dahil walang magawa. Pero sinabihan ko sila na maglaro pero huwag masyadong mag-ingay sa kwarto kung nasaan sila mama.
At naglaro na sila. Taguan (Bang-Sak mode alam niyo na yun batang 90's) Ako naman ay naging watcher nila. Pero naglalaro ako nun ng ML sa sala. Maliit lang ang apartment unit. may dalawang kwarto, cr at laundry room. Nakaupo ako kung saan tanaw ko mula sa pwesto ko yung buong sulok in case na maexcite ang mga bata ay bantay-sarado ko yung kwarto nila Mama.
Busy na ako nun sa paglalaro ng ML nang marinig ko si Gigi na nagko-complain na lagi siyang dinadaya ni Kiko. Alam kong di sila magkaedad pero sabi ko kay Kiko non, wag niya gulangan kahit na matanda siya. Tinawag ko si Gigi para kausapin at tanungin, agad rin lumapit si Kiko. Sinabi niyang lagi niya kasing nasasaksak si Gigi kaya siya lagi ang taya. Di naman marunong magsinungaling ang mga bata kaya sabi ko si Kiko muna ang taya para magkaayos.
Balik sa ML. Lose streak. Makalipas ang isang game, lumapit si Gigi sakin, binulungan ako na bantayan si Kiko dahil naniniwala parin siya na dinadaya. Umoo ako pero legit na minatahan ko na silang dalawa.
Tuloy ang laro. Lose streak. Sa kalagitnaan ng laro ko ay napansin ko ang ilang beses na pagdaan ni Kiko. Kasunod ay si Gigi na siyang laging naghahanap sa mga sulok na limitado lang naman tataguan dahil sa liit ng unit. Nakatayo sa harap ko si Gigi. Tila iniisip kung saan posibleng nagtago ang magaling niyang pinsan. Maya-maya ay pumasok siya sa isang kwarto. (You have been slain. Tae)
Nakatitig ako sa selpon ko habang cooldown. Nang biglang dumaan ulit si Kiko. Pero sa sandaling ito, huminto siya sa harap ko, ngumiti bigla. Nung una ay nagulat at natawa ako sa ngiti niya. Sa isip ko, "nuginagawamue?" pero tinignan ko lang siya saglit. Yung ngiti niya ay medyo weird. Hindi siya labas ngipin pero nakangiti siya. Tapos yung mata, hindi dilat na dilat. Sakto lang. Parang robot na nakatingin lang sakin. Di ako nag-ingay siyempre tuloy ang laro nila. Mga 15 seconds din siya andun sakto sa cooldown nung mabuhay hero ko. Napansin kong lumakad siya papasok ng cr. Maya-maya ay nagmamadali na lumabas si Gigi ng kwarto. Tila bigo makita sa kwarto ang pinsan. (You have been slain) lumapit si Gigi tinanong ako.
G: 'To, nakita mo si kuya?
A: e diba naglalaro pa kayo? Baka umihi lang. Pumasok sa CR e.
Nagmadali siya at tatawa-tawa dahil mahuhuli na ang pinsan.
Pilit naman niyang binubuksan ang pinto ng CR. Sabi ko ay katukin niya.
G: Kuyaaaaa nahuli ka na. Andyan ka sa CR. *kumakatok*
Silence.
G: Kuyaaaaa wag ka naman madaya. Ikaw na taya e.
Dahil medyo napipikon na ang kitkit; tumayo na ako para pumunta sa kanila at magkukunwaring iihi. Lalakad palang ako papunta sa kanila nang biglang tahimik na lumabas ng kwarto si Kiko at dahan-dahan na tinakbo si Gigi para mataya. Pareho kaming nagulat ni Gigi. Ramdam ni Gigi ang inis dahil taya na naman siya. Sabi niya pa sakin ay "sabi mo nasa cr, tito. madaya ka rin e." Ramdam ko naman ang takot sa kung sino man ang nasa loob ng CR, tumitig at ngumiti sakin, ay hindi si Kiko. Doon ay habang kasama ko ang mga bata ay tapang-tapangan ako na binuksan ang pinto ng CR. Hindi nakalock. Pero bakit hindi mabuksan ni Gigi? Sinubukan kong kalmahan ang sarili. At sinabing manood na lang sila sa Netflix dahil natutulog sila mama at para di sila matakot.