Hi nandito na naman po ako,isa sa stories ko na sinend is yung "traumatic WAY to davao"..haha,ang daming na trigger na mga taga DAVAO eh. Sori naman,wala naman akong sinabing yung Davao mismo yung traumatic. Yung tinutukoy po dun eh yung daan papuntang Davao na dinaanan nila..And yes kung may mali po sa mga lugar pasensya na po,at di naman nila alam yung lugar mismo. Dumaan talaga sila sa MARAWI,kasi nadaanan daw nila yung may mga wasak na mga bahay at sobrang creepy talaga. Sa mga nagsasabing sobrang layo naman daw nun,oo malayo talaga dahil halos 2 days nilang binyahe dahil nasiraan din sila nun. And hindi po talaga sya kwentong barber shop,haha..kung ayaw naman maniwala walang namimilit. Start na po,napahaba na pala
Ex sales lady na po ako dahil nag resign na ang lola nyo ilang months na po ang nakakaraan. Mga kwento po ito ng mga naging frenny ko sa Mall.( halata chatingera eh noh?) kilala nyo naman siguro si junjun sa mall yun yung tawag namin sa batang multo na pagala gala sa loob.
kwento ito ng ate ko,pioneer sya sa isang mall..
- Habang nag iinventory daw yung stockman ng mga softdrinks(sa canteen sya na assign) pumatong daw sya sa hagdan kasi sa bandang taas na daw ng shelvings yung binibilang nya. Nagulat daw sya bigla nung may batang biglang sumilip na nakadapa sa taas ng shelvings. Sa sobrang gulat daw natumba sya at nahulog nadala daw sa ospital dahil nabalian sya ng buto. After ng incident nag resigna daw yung stockman dahil sa sobrang takot.
- Nangyari din ito same branch. Dati kasi yung mga counter, maliit lang sya na square na kahoy tapos napapalibutan sya ng salamin. Meron daw isang IT na nakuryente,sad to say namatay daw po sya. Dead on arrival po pagdating sa ospital. So matic na close yung counter na yun kinabukasan. Opening daw po yung ate ko so pag pasok daw ng ate ko nun,naglinis daw po sya. Nagulat daw sya kasi tinawag daw sya ng isang demo sabay tinuro yung salamin sa counter. Sobra daw silang natakot kasi nakabakat daw yung mukha ng namatay na IT dun sa salamin. Yung moist kapag huminga ka sa salamin. Ganun daw po,at muka daw nung namatay. Sobrang creepy at halos di sila nakapag trabaho ng maayos the whole day.
- kwento naman to saken ng kapwa ko regular noon. Sa isang mall daw sa bandang pasay. Makulit daw talaga si jun jun dun at masyadong papansin. One time daw malapit ng magkaroon ng sale event. So syempre expected tambak ang deliveries. No choice daw yung stockman ng brand na yun kundi magkulong at mag ayos ng stocks ng whole day. Nahuhulog daw yung pantalon na naka file na,nung una deadma lang daw sya dahil nagmamadali at kailangan nyang tapusin. Medyo na natatakot na pero di nagpapahalata. Pero nagulat daw sya dahil una pa isa isa lang daw ang nahuhulog,pero nung time na yun isang file na daw kaya nagmamadali dw syang lumabas sa sobrang takot. At eto pa,nagulat daw sya at di nya alam kung pano lalabas dahil nakakabit daw si junjun sa gate na mismong dadaanan nya. Sa sobrang takot na din siguro kumaripas sya ng takbo palabas ng selling area kahit walang vest! Grabe daw ang putla nya at sobrang pawis at umiyak daw si poging stockman paglabas!
- Eto mismo ay experience ko,salamat at malakas lang ako makaramdam at di naman nakakakita. Matagal na kami sa hilera ng stockroom na yun. Reveal ko na yung brand na hawak ko. TRIBAL po na pangbabae hawak ko. Kami lang po ang bukod tanging wears ang naligaw sa hilera na yun. Puro shoes,bags,and baby co.ang kahilera namin. Sa unahan po nun yung mga laruan na pambata. Yung mga tumutunog Ilang linggo na kaming natatakot dun,kasi panay tunog ng mga laruan. Yung demo ata na may hawak nun ay naka leave,ewan kung sang lupalop na sya napunta. Sinabihan namin yung katabi nila na paki patay naman ng mga laruan na yun kasi halos atakihin na kami sa puso lalo kapag mag isa ka lang papasok at bigla syang tumunog,haha! Nakakagulat kasi at sobrang lakas. Sabi nila censored daw kasi yun pag naka detect sya ng ingay kusa daw syang tutunog. So eto na,mga bandang 8:45 may last customer ako. Nanghihingi si mam ng new stocks so ako no choice kundi pumunta ng stockroom. Dahan dahan lang akong maglakad para di makagawa ng ingay. Dahil baka bigla na naman tumunog yung laruan,bandang dulo pa kasi yung samen. Tuloy tuloy na yung lakad ko,bigla na lang sya tumunog! Wlang ingay,dahan dahan lang lakad ko. Tapos biglang," Hi,let's play!" Jusko di na ako nag isip,karipas ako ng takbo palabas kasi ako na lang mag isa nun. Di ko alam kung laruan pa ba yun o si junjun na mismo! sinabi ko na lang sa customer last piece na po yan mam,at dahil reg.customer naman namin binili pa din nya. Hehe..yun lamang po,keep safe everyone. Marami pa po yan,kaso mahaba na po ata masyado.