My Sleep Paralysis Encounter

0 22
Avatar for marco28
4 years ago

Nangyari ito nung first quarter ng taon. January 2020. Mayroon kaming seminar sa regional office namin dito sa Visayas. Sanay na ako na magstay sa staff house ng opisina namin bilang ilang taon na din ako sa trabaho ko at lagi kami pinapapunta doon para magseminar. Medyo malayo din ang byahe mula sa branch namin papuntang main office kaya minabuti kong maagang pumunta sa staff house. Lunes pa ang seminar pero andoon na ako ng Linggo para na din makapili ako ng matutulugan ko kasi laging punuan doon pag may seminar.

Nagkataon naman na may mga ibang seminar din kami na nakasabayan kaya hindi ako nakapasok doon sa nakasanayan namin na tinutulugang staff house kasi puno na sila nung linggong yon.

First time ko tuloy magstay doon sa lumang staff house ng opisina. May mga sabi-sabi na noon akong narinig tungkol sa lumang staff house na madaming kababalaghan daw ang nangyayari doon pero no choice na at nilakasan ko na lang ang loob ko na doon matulog kesa sa malayo pa magbook ng matutulugan.

At kung sineswerte ka nga naman ay ako pa lang doon ang unang nakarating sa lumang staff house dahil ang ibang mga nagpareserve na ay bukas pa daw dadating. Solo ko tuloy ang buong 2nd floor kung saan ang mga tulugan. Sa baba kasi ang lumang opisina na ginawang imbakan ng mga gamit ng opisina.

Hindi naman ako matatakutin kaya pinagsawalang bahala ko na lang ang pagiging solo ko dun sa staff house. Enjoy naman kasi may sariling tv at kusina ang lugar. May sariling cr din sa loob ng kwarto kaya di na kelangan lumabas ng hallway kung sakali. Doon ako pumuwesto sa may dulong higaan sa may bintana. Sa pwesto ko ay makikita ang kabuuan ng kwarto. Nakatapat pa sa may pinto ng cr. Accessible kung maiihi ka sa gabi.

Umabot ng gabi at normal lang naman ang pakiramdam ko. Wala naman nakakatakot na nagparamdam sa loob kaya binuksan ko ang aircon ng room at natulog na ako ng maaga. Hinayaan ko nang nakabukas ang ilaw sa kwarto na nakagawian ko na pag ako lang natutulog mag-isa.

Noong una, di naman ako nanaginip ng nakakatakot. As usual di ko natandaan mga napapanaginipan ko pagkagising ko sa umaga. Pero di ko inakala na dun na pala nag umpisa ang sleep paralysis na Mae experience ko sa unang pagkakataon.

Sa isip ko ay nagising na ako ng umagang iyon. Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng kwarto. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang color green na kisame ng kwarto. Nang akmang hihinaan ko na sana ang aircon na nasa right side lang ng kama ko. Di ko na maigalaw yung kamay ko. Di ko pa masyadong inisip yon kasi medyo groggy pa ako pagkagising. Binaling ko na lang ang paningin ko sa bandang pinto ng cr.

Doon na ako kinilabutan sa nakita ko sa corner ng pinto ng cr at pinto ng kwarto. May isang lalaking nakaitim na nakatayo at nakayuko sa lugar na yon. Di ko maaninag ang mukha nya. Dito na ako sumubok na gumalaw galaw pero di ako makabangon. Wala ding boses na lumalabas sa lalamunan ko at kahit mga daliri ko ay di ko maigalaw.

Sa sobrang takot ko na di ko na alam gagawin ko nagpanggap na lang ako na di ko sya nakitaat pinilit ipikit ang mga mata ko. Nagdasal ako sa Diyos na iligtas nya ako dun sa kung ano mang entity na iyon.

Hanggang sa pinilit ko ulit igalaw ang mga kamay at paa ko. Parang umahon ako sa malalim na tubig nung mga panahong yon. Pagkagising ko parang sobrang pagod ako. Pagtingin ko sa cellphone ko. Alas tres pa lang ng umaga. Nakabukas pa rin yung ilaw sa buong kwarto. Pagtingin ko sa kabuuan ng kwarto ay wala na yong lalaki sa may pinto ng cr.

Matapos non di na ako natulog ulit. Inantay ko na lang mag umaga, naglaro na lang ako ng ml

Pagkatapos ng pangyayaring yon. Kwinento ko sa kasama kong nakarating na pagka-umaga. Ang sabi nya, medyo creepy nga daw talaga yung kwarto na inokupahan ko. Minsan na daw kasi syang nakatulog din doon sa lumang staff house pero sa katabing kwarto ng tinuluyan ko. Nakakarinig daw sila ng parang may naliligo at gumagamit ng cr kahit wala naman tao doon sa katabing kwarto.

2
$ 0.38
$ 0.38 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments