Kakayahan ko

0 17
Avatar for marco28
4 years ago

Ako'y isa sa mga taong may ganitong abilities na kung ndi mo makayanan ay totoong nakakabaliw kung iisipin.Noong una pa lamang ay alam na ng mga taong nakapaligid sakin na kakaiba ako simula nung nag 3taong gulang ako,mula sa dalawang angkan ng mga manggagamot pero indi ko na sasabihin(btw isa po akong reader at nangagamot narin ngayun)

Mahilig ako mapag isa dati pa,oo may mga kaibigan ako pero kukunti lang at kung trip ko sila maging kaibigan na magaan ang loob ko ay ok sakin..nararamdaman ko ang mga enerhiyang galing sa ibang tao maski sa pamilya ko at emosyon nila empath kung tawagin kaya nakakahilo pag nasa madaming tao at lalo na maiingay,mararamdaman ko rin ang sakit ng pasynte pati narin minsan takbo ng utak nya,noong una indi ko ito kontrolado kaya naman laging sumasakit ang ulo ko at oo nakakadepress narin kasi yung emosyon indi na sayo na nafefeel mo,kaya payo ko po sa mga empath na indi sa lahat ng oras ay kailangan na ayusin mo ang problema ng ibang tao kasi usually sa mga ganito po ay lapitin ng mga negative energy,may mabibigat na prob at narcissist na tao learn to observe not absorb,indi madali pero makakaya din sa kalaunan.

Masisilip ko din yung babasahan kung tao(picture o aktwal)pero ito lamang po ay pasilip sa past,present at future nya indi ko rin maiiwasan na makaramdam ng takot,sakit at lungkot o saya sa mga makikita ko sa kanya at ang rason ng kamatayan nya pero maari po itong magbago dahil kahit nagbabasa ako naniniwala ako na tayo parin ang gumagawa ng kapalaran natin at sa kamatayan ng tao indi ko ito sinasabe sa kanila dahil ayoko na matakot sila at baka mapraning sa marinig nila kaya naman payo ang binibigay ko na tatagan ang kanilang pananalig sa Deus Ama.

Premonition ito naman ay nagmumula sa panaginip na pangitain o magaganap sa future mo,delubyo o ng ibang tao,Ang precognition naman ay aware ka o gising ka na bigla nalang may makikita kang pangitain(intuition)kahit na nakasayanan ko na pero pag dating sa pamilya mo at malapit na sayo ay nakakapanghina pala na minsan sa totoo lang ay may mga oras talaga na sinisisi ko ang sarili ko bakit indi ko sinunod o nagbabala o di kaya naman sabihan sila,may mga oras talaga na naduduwag ako na balaan sila kasi baka ako pa pagkamalan na mangkukulam o kaya baliw ako.Dahil deep inside alam kung bawal na panghimasukan sa dapat na mangyari o nakatakda,Indi ko rin alam pa dati na pag kamatayan na ng tao at ililihis mo ay ang kabayaran nun ay ang iyong life span mismo pero indi ko ito pinagsisihan hanggang ngayon.

Indi makatulog ng maayos dahil minsan nagugulat ka o di kaya may makikita kang indi nakikita ng normal na tao,may maamoy na kahit walang tao ay akala mo may kasama ka, ang mga amoy nilang ito ay senyalis minsan kung ano silang klaseng nilalang din.

Astral o ang paglalakbay(out of the body experience)na naghihiwalay ka sa iyong katawan at nagiging aware ka din po nito at aasahan mo rin na may makikita kang mga spirito kasi nasa spiritual plane kana,indi din kanais nais mararanasan o naranasan dahil maguko sa astral nung una nakakatakot na nakikita mong nakahiga ang katawan mo na tulog kaya pag nagulat ako hihiga ako ulit kasi nagbabakasakali ako na makabalik sa realidad na mundo ko kaya takot ako dati na matulog na nag iisa,naging sandalan ko ang Deus dahil alam ko na indi nya ako pababayaan gang kalaunan nasanay narin ako pero ito'y delikado kasi maaring masapian ang katawan mo na maiiwan mo,indi ako makagala kung walang may magbabantay ng katawan ko ,kung paano,ito'y isang sekreto.

Nakakabaliw sa totoo lang lalo na rin ung makapunta ka sa ibang lugar,mahawakan mo ang tao o bagay at ito'y mag uumpisa na parang nanonood ka ng isang telebisyon sa makikita mo kung ano ang history ng lugar at ng taong ito o ng bagay man lalo na sa mga 2nd hand o vintage na mga gamit.

Dahil sa ganitong biyaya ay naging malayo ako nun sa ibang tao maski sa pamilya ko nagtatanong ako sa sarili ko na "bakit ako?""ito ba ay regalo o sumpa sakin?"yan lagi ko iniisip ko gang sa isang araw "nagising"na lamang ako na kinakausap ko ang panginoon na bigyan nawa ako ng pang unawa at lakas ng loob sa mga nangyayari sakin at gabayan sa tamang landas na tinatahak ko.

Sa ngayon ay patuloy parin akong nagbabasa at nanggagamot dahil ito'y calling ko na minsan ko na rin sana na tinalikuran dahil gusto ko ng normal na buhay pero indi madali yun dahil meron talaga tayong rason sa mission na gagampanan habang tayo'y nabubuhay sa mundong ito,kaya kung ikaw man ngayon na nagbabasa nito ay may ganito rin regalo wag mo sana isipin na sumpa ang meron ka bagkus bigay ito sayo ng Deus Ama at sana gamitin mo ito sa tama at makatulong sa kapwa na walang may hinihinging kapalit na galing sa kanila.

3
$ 0.38
$ 0.38 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments