August 17 ng alas syete ng gabi habang nasa sala ako at si jay naman ay nag-gagayak upang pumasok ng trabaho dahil isa siyang call center agent at night shift siya. Yung position ko is naka face the wall (nagsasagot kasi ako ng mga inquiries ng costumer non). Hanggang sa tinawag niya ako at nasa pinto siya (palabas na ng gate) upang magpaalam. Hinarap ko siya at nagtanong ng ingat pero nagtaka ako sa nakita ko kasi parang wala siyang ulo, hindi ko rin masure kasi madilim sa gate kaya napasabi na lang ako ng ingat sa pagpasok. After non, umalis na siya at akoy nag face the wall ulit pero nagtataka pa rin ako sa nakita ko at pinasawalang bahala rin agad.
Alas otso na ng gabi at ako na lang as usual sa loob ng bahay. (Btway, simula nong napabindensyonan ung bahay ni jay ay wala ng nagpaparamdam sa amin). Nakapatay lahat ng ilaw (kasi nga i love darkness) ng bigla kong narinig na tinawag yung pangalan ko at napatayo ako kasi si jay ang nabosesan ko kaya agad akong pumunta ng pinto upang pagbuksan siya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto is walang tumambad sakin na tao or si jay. Edi inisip ko na lang na baka mali lang ako ng pagkakarinig. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at nang makahiga na ako ay biglang bumukas ung faucet ng cr (pota gulat talaga ako non) napaupo ako nun sa pagkakahiga ng may natanaw ako sa kusina na pigurin ng tao (na hawig na hawig ni jay) kaya't lumaki mata ko at pinunasan ang aking mga mata baka namamalikmata lang ako.
Binuksan ko ang aking flashlight at itinutok kong san ko nakita ang pigurin ngunit wala na ito. Tumayo ako at binuksan ko ang ilaw dahil papatayin ko na ung faucet sa cr ng biglang nag chat sakin si tita na wala na si jay dahil nasagasaan daw.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na namalayang lumuluha na ako. Umupo ako sa bowl at chinat ko si jay kung asan siya kasi baka nagbibiro lang si tita ng bigla akong tinawagan ng kapatid niya na wala na raw si jay. Bumuhos ang aking mga luha at wala na akong pakialam sa cellphone kung nabagsak man. Mga 15minutes akong nandodoon.
Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan at nagsalita ako habang humahagolgol na " Jay bakit mo naman ako iniwan, tang ina marami pa tayong pupuntahan lugar kapag natapos yung pandemic e" ganiyan na ganiyan ung sinabe ko hanggang sa hinagolgol ko na at nawala na ung lamig na aking nararamdaman.
Kinalaunan ay naisip ko ung nakita kong wala siyang ulo at hindi ko siya sinabihan at tinapik. Nadepressed ako dahil sinisisi ko parin ung sarili ko sa nangyari sa kaniya hanggang ngayon.
Jay kung nasan ka man ngayon sana masaya kana sa piling ni Lord. Kinuha narin si ming-ming ko tapos pati ikaw kinuha. Ano na 2020? Tang ina? Ilang buhay pa ba na malapit sakin ung kukunin mo?.
Kinamatay pala ni jay is nabunggo ng kotse habang siya ay nasa pedestrian lane. Sobrang sakit pa rin hanggang ngayon. Kaya't kayo, mahalin niyo yung mga nasa paligid niyo dahil nasa huli ang pagsisisi.