Don't Feed your Demon

0 21
Avatar for marco28
4 years ago

Araw-gabi akong binabangungot. Nagsimula ang lahat dahil sa isang bagay na ginawa ko noon, na pinagsisisihan ko magpahanggang ngayon.

Huling naaalala ko nang araw na yun, noong magdilim ang lahat sa paligid ko. Unti-unti akong nawalan ng ulirat nang tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Nagising nalang akong bumungad sa akin ang puting kisame at may maliwanag na ilaw sa paligid. Umupo ako at nilibot ng tingin ang kwarto, medyo kumikirot pa noon ang aking ulo at ramdam kong tila may nakasakal sa leeg ko.

Sa dakong gilid ay nakita ko si tita Myrna, s'ya ang aking step-mother, kasama ng aking dalawang step-sisters.

Hindi ko nakita sa kanilang mga mukha ang pag-aalala, bagkus ay sermon at panunumbat ang natanggap ko. Nilunok ko ang mapapait na salitang kahit aso'y hindi 'yon kayang kainin. Wala akong maalala o ideya kung anong nangyare, gusto kong itanong sakanila kung bakit ako nasa ospital pero isang malakas na sampiga ang natamo ko. Pakiramdam ko'y agad na namula ang aking pisngi dahil sa lakas ng pagdapo ng kamay ng aking step-mom, tila ba lulan no'n ang pagkapoot na kinikimkim n'ya para sa akin.

Agad s'yang inawat ng dalawa nyang anak pero bago pa s'ya mailayo sa akin, dinuro nya ako sa aking pagmumukha.

“nabuhay kapa talaga?! Hinding-hindi kita mapapatawad tandaan mo yan Kyle” mariin n'yang banggit. “ayoko nang makita ang demonyo mong pagmumukha mula ngayon” pagbabanta n'ya pa. Iniwan n'ya sa akin ang matatalim na titig ng kanyang mga matang nanlilisik sa galit, bago sila tuluyang umalis ng silid.

Naiwan akong tulala, at iniisip kung bakit ganoon? Anong nangyare? Wala akong maalala.

Pag-iyak ang tangi kong nagawa habang nakalugmok ako sa hospital bed. Pilit kong inalala ang kung anong tunay na nangyare hanggang sa makarinig ako ng mga bulong ng garalgal na boses at may kasama pang halakhak. Napatakip nalang ako sa aking dalawang tenga ngunit ang mga boses ay mas lalong lumakas, tila ba nasa loob lang sila ng isip ko.

Kung ano-anong bagay ang naririnig kong ibinubulong ng mga boses na 'yon sa akin. Walang kwenta. Pumatay. Magpakamatay. Impyerno. Yan ang konsepto ng mga bulong nila sa akin.

Hanggang sa unti-unti kong na-realize ang buhay na meroon ako, at kung paano ako nasadlak sa ganitong tagpo.

Marahil nga'y hindi na kinaya ng sarili ko ang patong-patong na problemang ibinabato sa akin. Sinasampal ako lagi ng realidad kung gaano kalupit sa akin ang mundo simula pa noong magka-isip ako.

Alam kong hindi lamang ako ang may mabigat na problema, pero 'pag hindi mo na talaga kaya, p'wede bang sumuko na?

Wala akong matatawag na pamilyang sa akin, tinalikuran na ako ng lahat. Meroon akong gf, 3 years na sana kami pero hiniwalayan n'ya na ako sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin.

Araw-araw pinamumukha sa akin nila tita Myrna na hindi ako kabilang sa pamilya. Ginawa kong lahat ng pakikisama kahit nakabababa na ng dignidad, dahil gusto kong matanggap nila ako ngunit bigo akong maramdamang may puwang ako sakanila. Nakapagtapos ako sa kursong civil engineering ngunit mag-iisang taon na'y hindi parin ako matanggap-tanggap sa trabaho, isa ring dahilan kung bakit mas pinamumukha sa akin ng mga tao sa paligid ko na isa akong malaking failure.

Nagkasabay-sabay ang lahat ng dagok sa buhay ko, kaya tuluyan na akong nilamon ng depresyon. Nauwi ang lahat ng ito sa maitim na plano.

I attempted suicide pero hindi ako nagtagumpay. Nakaligtas ako sa sarili kong mga kamay, pero hindi ko alam na ito pala ang magbubukas ng pagkakataon para ang gutom na demonyo'y lumamon. Simula nang gawin ko'to, mas naging madilim ang buhay ko.

Naalala ko na kung ba't nga ba galit na galit sa akin si tita Myrna. Dalawang araw nang nakalilipas nang pinagtangkaan ko ang buhay ng bunso n'yang anak, sinakal ko ito sa 'di ko malamang dahilan kung bakit. Mabuti nalamang at may nakakita, nailigtas nila si Marnie.

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko 'yon, may nag-utos sa akin. Hindi ko 'yon ginusto pero hindi ko magawang suwayin ang utos ng demonyo sa utak ko. Hindi ako nagdodroga, pero minsan pakiramdam ko'y hindi ko na kilala ang sarili ko.

Binugbog nila ako, to the point na hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa tindi ng mga pasang natamo.

Buhay si Marnie, at abot-abot ang pagsisisi at paghingi ko ng tawad, hindi ko alam ang ginagawa ko.

Gusto nila ako ipakulong pero nakiusap ang tatay ko na huwag na.

Naalala ko narin ang dahilan kung ba't nasa ospital ako, dahil tinangka ko nanamang magpakamatay. May nag-uutos sa akin na ito ang madaling paraan para wakasan ang lahat ng paghihirap. Pero hindi nanaman 'yon natuloy dahil sa kalagitnaa'y nalagot ang lubid at bumagsak ako sa sahig. Hindi ko alam kung sinong nagdala sa akin sa ospital, at bakit pa nila ako dinala rito?

Hindi ito ang pangalwang pagkakataon na tinangka kong magpakamatay at pumatay. Maraming beses na, ngunit lagi akong 'di nagtatagumpay. Ang hirap nang alisin ng bagay na'to sa utak ko, pilit akong binabangungot nito.

Kaya kung ikaw man ay may planong 'di maganda, maisip mo sanang huwag mo na itong ituloy pa.

Dahil ikaw mismo ang magpapakain sa sarili mong demonyo, ikaw mismo ang magbubukas ng pinto para sa mga ito. Kung pahihintulutan mo silang ika'y sakupin, wala kanang magagawa hanggang ika'y kanilang kontrolin.

3
$ 0.39
$ 0.39 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments