Nakatira kami dati sa isang skwater area (actually hanggang ngayon) dumating yong time na, na demolish kami. ang iba nalipat sa mga relocation area nila kami ay nalipat lang sa labasan area which is yong area na nademolish ay looban area. years goes by... hindi sya on the spot demolition parang voluntary kaya ang siste, parang post-apocalypse or war zone na mala ghost town ang eksina na makikita sa looban area. halos lahat ng bahay ay empty, half damage, at totally damage. tahimik na don kaya ginagawa naming play ground.
one day sinita kami ni nanay wynona (di tunay na pangalan) dahil maingay kami, dalawa lang kami ng kaibigan ko that time at si nanay wynona dahil may naiwan silang baboyan sa area sabi nya.
"pssst! wag kayong maingay ang daming nakatingin sa inyo na nanlilisik ang mga mata parang galit na galit"
hindi na kami na gulat ng kaibigan ko dahil kilala ang asawa ni nanay na manggagamot at madalas ding may kausap na di nakikita ng mga normal. kung di mo kilala ang asawa nya, mapagkakamalan mong may sayad. but so far sa aming kakilalal sya ay normal naman sya.
lumayo kami ng kaunti kay nanay wynona at nag laro ng basketball gamit ang lata ng gatas, ginawa naming ring... ng biglang narinig na naman namin si nanay. di normal kay nanay na may kausap or magbibigay attention sa mga unseen being unlike sa asawa nya.
sabi nya "ssshhhh! sssshhhh!"
sabay taboy gamit ang kamay. sa may baba nya na parang may pinapaalis na maliit na nilalang.
di nalang namin pinansin baka tinatakot lang kami kasi hindi kami nakinig sa warning nya.
makalipas ang ilang sandali bigla nalang may gumuho mula sa parti ng half damage na bahay(wala ng nakatira) at nadaganan ang paa ni nanay.
dali-dali naming tinulungan si nanay, ang paa nya ay nadaganan ng kahoy na may pako. imagenin nyo nalang yong isang paa ni kristo ganun as in tumagos ang pako sa paa nya.
nong kumustahin namin sya kung ok lang ba sya kung may ibang masakit o pinsala sya ang sagot lang nya...
"bwicet na tuta(maliit na aso) tinaboy ko ayaw umalis (nakikikain daw sa "lamaw"(tira-tirang pagkain para sa baboy)" dagdag pa nya sinipa nya ang pwetan ng tuta kaya tumakbo ito sa may damuhan. tapus bigla nalang syang nabagsakan ng sira-sirang bahay agad nyang napagtanto alaga daw yon ng mga unseen being. at nagalit dahil sinipa nya.
kita din namin na walang tuta or aso na pagalagala sa area na yon or sa mga oras na yon.
aware na kami na may mga nilalang sa paligid namin everytime na maglalaro kami sa looban. pero swerte lang cguro kami dahil hindi namin nakikita.
play time namin don hanggang 5:30-6:00pm or magtatakipsilim laging last destination namin yong malaking bahay aakyat kami sa bobong para mapanood ang magandang tanawin ang sunset view ang kapalit ang pangit na sandali mala horror thrill magmamadali kami sa pagbaba kasi ma dilim na. ang ambiance ng bahay sobrang creepy, parang naging haunted house. takbohan kami na parang wala ng bukas, kasi dalawa lang kaming tumatakbo pero ang maririnig mo ay madami kaming tumatakbo papalabas sa looban area.
ang dami naming experience na ka-weirdohan sa looban, kasama ang mga di nakikitang nilalang, hanggang sa rehabilitation sa lugar at development still nandon padin sila nagpaparamdam paminsan-minsan, mapahanggang ngayon.