Bukirin Ni Lola

0 14
Avatar for marco28
4 years ago

Hello im Marco28 silent reader nga pala ako . At napahanga ako sa mga kwentong kababalaghan meron kayo, kaya nagkaroon ako ng motivation para ishare ko din itong kwentong kababalaghan ko. Sana magustuhan niyo po

Itong ikukwento kong karanasan is masyado pa akong bata that time. Di kuna ide detalye masyado kasi naka limutan kuna yung iba. Ako po si Devi, di ko tunay na pangalan, 22 at nakatira around Davao oriental.

Flashback :

Nakatira kaming magpamilya sa bukirin ng lola ko. Masasabi kong masaya kami dito dahil sagana kami sa mga pananim, masaya kaming tatlong magkakapatid kahit wla kaming kalaro dahil wla nman kaming kapitbahay nuon kami lang naka tira sa lupain ng lolo't lola namin. I was 6 yrs old that time tapos 8 yrs old yung ate ko at 3 yrs old nman bunso naming lalaki. Itong kababalaghan ay pareho naming natamo tatlo.Linggo nun ng bumaba sila mama at papa sa bayan, sa kadahilanang myembro si mama sa womens organization at si papa nman ay nagbenta ng mga pananim namin para sa iba naming pangangailangan. At kapag linggo yan ang pinaka masayang araw namin magkakapatid, sa dahilang wala sila mama at papa, kaya libre kami sa paglalaro ng kung ano2. An dami naming nalaro that time kasi sinusulit namin ang araw na wala sila papa meron pang ginawa naming kabayo yung upuan namin, tapos nagbabaon pa kami ng kanin dahil malayo daw pupuntahan namin kahit nasa loob lang ng bahay hahaha di ko maimagine yung mga araw nayun! So ayon na nga that time may hiniram din sila mama na kambing na may malaking sungay. Ipanag bilin nila sa amin nah wag kami lalapit dahil bawal sa kapatid namin lalaki dahil daw sa horoscope niya, ewan ko kung totoo ba yun? Dahil sa matigas ang mga ulo namin, napagkatuwaan namin yung kambing. Nilalaro namin not knowing nah galit na pala yung kambing, at malala pa dun ehh natanggal na pala yung tali. Kaya ayun buti nalang nagmana kami tatlo kay mama nah mala kabayong tumakbo . Ang bilis naming naka panik sa loob ng bahay namin tsaka nag tago kami. Buti nalang nung hinabol kami ng kambing ehh di na pumasok sa loob ng bahay, kundi lagot talaga kami tatlo, salbahe pa naman yung kambing. Matapos ang ilang minuto ehh bumaba na kami at dahan2 namin kinuha yung tali nya at tinali na namin sya sa puno ng niyog. Pero di pa dun nagtatapos ang araw namin dahil pagka hapon nun, may nangyari nanaman. Matapos naming mag luto ng kanin eh bumaba nah kami sa bahay para hintayin ang mga magulang namin. Nung mga panahon na yun medyo natagalan mga magulang namin na umuwi, kaya magdidilim nalng ehh wala pa sila. Hindi naman bago samin kung matagalan mga magulang namin dahil minsan nangyayari nman yun. Pero that time is iba nangyari, naghintay kami magkakapatid sa labas ng bahay kahit madilim na. Eksaktong alas sais ng may mahulog nah niyog sa likod ng bahay namin, pero instead na mahulog malapit sa puno lang nya ay sa ibang area ito nahulog. Malapit sa aming tinambayan tatlo. Imagine nasa harapan kami ng bahay tapos yung puno ng niyog ehh nasa likod ng bahay namin. Sino ba hindi matatakot nun tapos nakita pa namin nah lumutang yun niyog bago bumagsak ng malakas malapit sa amin. Sa takot naming tatlo ehh nagsipag takbuhan kami sa loob ng bahay, kanya kanyang kuha ng kumot at kanya kanyang talukbong. Maya2 ehh may narinig kaming kaluskos sabay tawag ng mga pangalan namin. Kaya kanya2 kaming labas ng kwarto at tumakbo papalapit sa mga magulang namin nah pawis na pawis. Namalayan nilang pinagpapawisan kaming tatlo kaya tinanong kami kung ano nangyari. Kaya sinabi namin sa kanila lahat ng nangyari at pinakita pa namin ebedensiya which is yung niyog at ang nakakatakot pa dun ehh bumakat yung niyog sa lupa.

Kaya ang sabi ni mama wag nalang daw namin intindihin yun kasi daw tinakot lang daw kami ng mga nilalang na di natin nakikita at pinayuhan pa nya kami na wag daw kami matakot dahil daw pag natakot daw kami ehh mas lalo daw yun mananakot. Nung matapos namin sabihin yun, napansin ni papa ang kambing na tinali namin sa puno ng niyog. (Note: iba yung niyog sa likod ng bahay namin at yung puno ng niyog na pinagtalian namin ng kambing) Kaya ayon pinagalitan kami tatlo pano daw pag nahulugan daw yun ng niyog baka daw mamatay, wala pa naman kaming pangpalit ng kambing dahil puro babae yung kambing namin tapos hiniram lang yung lalaking kambing which is yung tinali namin sa puno ng niyog

Hanggang dito nalang mga ka Spookify. Sa susunod ko nalang isheshare yung iba ko pang karanasan dito sa bukid namin . Hope na magustuhan niyo itong kwentong kababalaghan ko salamat.

~Marco28

1
$ 0.23
$ 0.23 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments