Bais

0 11
Avatar for marco28
3 years ago

My tatay's POV:

Nuong bata pa ako, may tinubdan malapit dito sa amin. Yung tinubdan or tubod is yung tubig na kusang umaapaw or flowing yung style nya. May maliit na parang well yung tinubdan dito tas dun umaapaw yung tubig kaya hindi nagkaka lumot. Yung flow naman ng tubig na nagagamit sa mga naliligo ay dun napupunta sa mga palay kasi palayan na yung sa unahan. Tuwing maliligo kami galing dagat, pagkauwi namin dun kami dadaan sa may tinubdan para maligo para matanggal yung alat sa katawan. Maganda sya ligoan kasi malamig tas yung style nya is mababaw then ilang hakbang lang malalim na. Maraming naliligo dun. Marami ring nag-iigib dun sa may well pang inum or panlaba kasi sobrang linaw ng tubig at di talaga sya nauubosan. Isang gabi, full moon daw nun tas 12 na ng gabi. May narinig yung kapitbahay namin na may mga babaeng tumatawa galing dun sa tinubdan. Di naman natakot kapitbahay namin kasi alam na namin na tuwing sasapit yung full moon, may mga engkanto or mga taga kabilang mundo na naliligo dun. Ilang araw ang nakalipas, may lalaki raw na palaging nagmamasid sa well, tawagin nalang natin syang Michael. Si michael ay nakatira sa bukid, mag-isa lang syang naninirahan dun kasi yung anak nya pamilyado na. Halos araw-araw nandun sya sa well nag-aabang. Akala nila nagmu-muni lang pero binabantayan lang pala yung bais na lumabas galing sa well. Yung bais is isda sha na dun nakatira sa well at nag-iisa lang yung isda dun. Lalabas daw yung ulo paminsan-minsan pero di nila kinukuha yung isda kasi baka yun daw yung bantay sa tinubdan. Isang araw, wala masyadong naligo sa spring, pumunta raw si Michael dun at may nakakita sa kanya na may tinaga na isda sa luob ng well. Sinlaki raw ng braso ng tao yung isda. Tas mga ilang linggo ang lumipas, nabalitaan nalang nila na yung bahay ni Michael nasusunog. Purong kahoy kasi yung bahay nya tas yung labas, part ng dingding nilalagyan nya rin ng mga patay na mga kahoy para pang-gatong so madali lang mag liyab yung bahay kasi puro kahoy. Sa kasamaang palad, nasa luob raw nuon si Michael at walang sino man ang nakarinig sa kanya kasi wala sya kahit ni isang kapitbahay dun. Yung anak lang nya ang nagsabi na nasusunog yung bahay ng ama nya kasi dadalhan sana nya ng pagkain. Pag punta ng mga tao dun sa bahay ni michael, halos na abo na sya dahil sa sunog. Sabi ng mga matatanda, baka ginantihan si michael sa nag-aalaga sa tinubdan kasi pinatay nya ang bais. Simula nung nawala yung bais sa tinubdan, unti-unting nawalan ng tubig yung tinubdan hanggang sa natuyot na. Sinisisi nila si michael kasi yun lang yung kinukuhanan ng tubig ng mga tao kasi di pa uso yung gripo nuon at iilan lang rin yung poso nuon.

2
$ 0.17
$ 0.17 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
3 years ago

Comments