Apartment

0 11
Avatar for marco28
4 years ago

Isang gabi sa baba natulog si mommy at daddy, so kaming tatlo lang nila ate at kuya naiwan sa taas. Mga bandang madaling araw nagising daw siya at ang pwesto niya is nakatalikod sya kay daddy, pag harap daw niya, nakita nya may nakayakap na bata dto tapos naka dantay pa daw yung paa. Naisip nya na baka isa saming mag kakapatid lang yon. Sa sobrang gusto niyang malaman kung sino samin kinapa niya daw (ewan ko pero diba minsan pag nahawakan mo yung isang tao kahit di mo nakikita makikilala mo siya haha) , pero laking pag tataka niya kasi wala siyang mahawakan. So dinilat niya yung mata niya tapos pag tingin niya wala na yung bata.

Isa pa sa mga naranasan ni mommy, nung gabing hindi umuwi si daddy kasi may kailangan daw tapusin sa trabaho. Lahat kami sa baba natulog. Walang tao sa taas at nakalock din yung pinto ng terrace namin. Tulog na kami lahat pero si mommy gising pa dahil meron daw siyang naririnig na nag dadabog sa terrace. (Bali yung terrace kasi may mga nakatambak na balde panlaba at may plastic na bangko at lamesa) Yung tunong is hinihila yung lamesa at bangko nang paulit ulit at yung mga balde hinahagis sa lapag. Sa sobrang takot ni mommy imbis na sa taas siya pumunta para silipin kung anong nangyayari, lumabas daw siya ng bahay at dun niya tinanaw yung terrace. Pag tingin niya yung mga gamit daw at lamesa kalat kalat. Sumigaw daw siya sa labas ng “Tang *na mo bahala ka sa buhay mo mag wala ka dyan wala kami pakealam sayo” dahil ang sabi niya takot daw ang multo pag minumura. Dali dali daw siyang pumasok ng bahay at nag talukbong ng kumot sa sobrang takot niya.

Nakwento niya pa sakin nung nakatambay daw sila ng mga kaibigan niya (mga tiga apartment din) sa bahay namin mga bandang 6pm may dumaan daw sa bintana, sobrang bagal daw mag lakad. Yung itsura kasi nung bintana tatlong mag kakatabi siya tapos salamin siya na makikita mong may dumadaan kahit nakasara to. Sabi daw niya sa mga kaibgan niya “uy may dumadaan oh nakaputi, bubuksan ko yung pinto tignan natin kung sino” (mauuna kasi munang madaanan yung bintana tapos kasunod yung pinto) nung nakadaan na daw yung nakaputi sa bintana bigla niya daw binuksan yung pinto pero wala daw tao! Kaya sa sobrang takot nila nag uwian daw yung mga kaibigan nya.

At eto naman, kasama na ako sa nakaranas. Nung nakatira kasi kami dun elementary palang ako. So pang umaga ako. At ang nakasanayan namin ni mommy pag tapos ko na gawin lahat, sa labas na ng gate namin aantayin yung service ko. Pag labas ko ng pinto may upuan dun na mahaba sa tapat kulay pula (sa kapitbahay ata namin yon) akmang uupo na ako para dun ako mag antay. Sakto namang pag labas ni mommy pinagalitan niya agad ko. “Wag kang umupo dyan! Di mo ba nakikita basa yang upuan?” So tinignan ko. Pag tingin namin ng maigi nagulat kami kasi DUGO yung mga yon! Nilibot namin ni mommy yung tingin namin sa apartment. Sobrang natakot kami kasi puro bahid ng dugo, mula sa dulo ng apartment hanggang sa gate. Tinuro ko din kay mommy yung pader na may nakasulat ng letter F gamit yung dugo. Lumabas na yung iba naming kapitbahay. May nakapag sabi na nung gabing yun may nakita daw silang nakatambay na isang babae na nakauniform at isang lalaki na parang mag jowa daw at parang nag aaway sa mismong gate ng apartment namin. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dun kasi pinapasok na ako sa school at pag uwi ko malinis na yung mga dugo. Simula din nun bumili na sila ng padlock para sa gate ng apartment at bawat nakatira dun may tig iisang susi na lang para wala nang ibang makapasok.

Sobrang dami pang karanasan ni mommy dun at yung mga bumibisita sa bahay namin. Bumalik kami dun nung nakaraan lang para kamustahin yung kaibigan ni mommy, nasabi nila na nag rereklamo na yung mga nakatira dun sa apartment kasi hanggang ngayon daw ang dami pa din daw nag paparamdam. Isipin niyo elementary pa ako nung tumira kami dun, graduate na ako ngayon pero hanggang ngayon walang pag babago. Ang sabi din nila dating sementeryo daw kasi yon.

2
$ 1.40
$ 1.40 from @TheRandomRewarder
Avatar for marco28
4 years ago

Comments