read.cash Log in
@malditah more from that month

Hanggang memories nalang kaming may picture ni mama, nakita ko sa fb ko ito nasa memories Pinost ko last year Miss na miss ko na si mama 7 months na kasi syang wala sa amin Ang hirap talaga ng walang ina sa tabi Kahit may anak na ako hinahanap hanap ko parin si mama eh, Kahit nakasaklay na kasi ito dahil sa pagka bangga nya natutulungan parin nya ako sa tinatahi ko Kapag may sakit ako nahihilot nya parin ako, Ang sabi ko pa sa kanya kahit hindi na sya makalakad ulit na walang saklay ok na sa akin kahit maghapon ka lang naka upo basta nakikita lang kita masaya na ako, Kaya lang bumigay na talaga ang katawan nya Ang dami ng naging komplikasyon ang pagka aksidente nya. Nakakalungkot isipin na ulila na talaga kami😭

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.