read.cash Log in
@malditah

@malditah in November 2022

@malditah

Flowers para kay mama Nag order ako kahapon sa byenan ng kapatid ko 100php lang po ang isa nyan kaya dalawa na ang binili ko Dadalhin ko yan mamaya kapag pumunta ako kay mama Hinihintay ko lang ang sasakyan ko papuntang sementeryo, huminto narin ang ulan dito sa amin ngayon Kaya lang ang iba kong kapatid hindi makakauwi dito dahil malakas pa ang ulan sa kanila Malayo kasi sila dito sa amin Ang kuya ko kasi motor lang ang service nun mahigit isang oras ang byahe, Pero kung…

@malditah

Nakadalaw narin ako kay mama at kuya ko Tapos sa mga katabi ni mama na mga tiyo at tiya ko tapos kay lola 7 kasi sila ang at 2 baby ang nakalibing na kamag anak ko jan kaya isang dalaw lang Hindi na namin napinturahan dahil sa walang tigil na ulan Kapag wala nalang ulan bago kami magpipintura Mabuti nga pagpunta namin dun kanina walang ulan,mga 2hrs din kami dun, yung pag uwi namin ng bahay saka umulan Kasama ko anak ko at pamangkin ko, Pagdating namin nandun narin ang…

@malditah

Ulam for dinner! Nakapagluto na po ako ng ulam namin Pork adobo po, kaya lang umay na umay na ako sa karne parang ang sarap mag ulam ng inihaw na tuyo ngayon or daing Maya maya lang lalabas ako para maghanap ng daing Para madami akong makain ngayon Wait ko lang huminto ang ulan Wala na talagang katapusang ulan ngayon eh.

@malditah

Undas 2022! Dahil hindi ako nakadalaw sa iba kong mahal sa buhay na namayapa na pinagtirik ko nalang sila ng kandila sa bahay Sobrang layo na po kasi talaga nila kaya hindi na kayang puntahan para madalaw Taon taon ko nalang po ito ginagawa Maiintindihan narin nila ako kung bakit dahil napaka layo nga nila. Kayo po ba nakadalaw na po?

@malditah

Undas 2022! Dahil hindi ako nakadalaw sa iba kong mahal sa buhay na namayapa na pinagtirik ko nalang sila ng kandila sa bahay Sobrang layo na po kasi talaga nila kaya hindi na kayang puntahan para madalaw Taon taon ko nalang po ito ginagawa Maiintindihan narin nila ako kung bakit dahil napaka layo nga nila. Kayo po ba nakadalaw na po?

@malditah

Halloween daw sabi ng anak ko Kaya nagpicture ng may effects na ganyan Gusto pa nga sana nila bilhan ko sila ng costume Kaya lang hindi ako nakapunta ng bayan dahil kay paeng na ito Kaya ayan nagtiis nalang sila sa effects ng camera, hehe Ako po ay matutulog na Antok na din po ako May pasok pa ang anak ko bukas eh Goodnight po sa lahat

@malditah

Ukay ukay May nagtinda ng ukay ukay dito sa amin Naki hukay din ako Wala naman ako magustuhan Ang nilatag lang kasi nila bedsheet, jacket, jogging pants at yung maong pants Mga pambahay na sando sana hanap ko or spaghetti Wala pa daw silang dumating na ganun Kaya nakitingin tingin nalang ako, haha Good morning po sa lahat Mainit na po sa amin ngayon siguro naman makakatuyo na ako ng sinampay ngayon Nung linggo ko pa talaga ito nilabhan Hanggang ngayon pinapatuyo ko parin🤣

@malditah

Back to work! Dahil ilang days hindi nakatahi lalo ng nadagdagan ang tahiin ko Bawi naman ngayon may power na kami eh Kaya ayan naka 2pcs ako nag start ako manahi kaninang 11am Masaya narin dahil nakatapos na ulit nabawas bawasan ang tahiin, hehe Makulimlim nanaman po dito sa amin Magpipinaw na ako ng nilabhan maya maya lang Baka abutin ng ulan tuyo na pa naman Magandang tanghali po

@malditah

Galing po ako sa labas Inabangan ko yung tricycle ng pinsan ko Nagpadala kasi si ate ko dun ng ascorbic acid ko Kaninang umaga nya pa yun pinadala nakalimutan nman ng pinsan ko mabuti nga inabangan ko saka nya daw naalala nung nakita nya ako, Brownout pa kanina Kya pagdaan ng pinsan ko umuwi na ako Madilim din sa labas eh. Magandang gabi po

@malditah

Yung anak ko kapag naglalaro ng cp yan halos hindi ka nyan pansinin, May limit naman ang cp nya 1 hr lang dapat syang maglalaro Kapag sinabi kong tama na titigil narin sya Madalang kasi sya makipaglaro sa ibang bata Halos hindi nga yan lumalabas ng bahay Magkukulong lang yan sa kwarto at maglalaro ng cp, Kapag inawat ko sa cp yan ang lalaruin nya naman ang aso nya, Mas ok narin na nasa bahay sya Hindi ako nag aalala Baka kasi kung nasa labas ng bahay baka kung mapaano pa…

@malditah

Goodmorning everyone Nagluto na po ako ng almusal namin adobong sitaw, madami po ito kaya hanggang lunch na namin ito Para pang hapunan nalang ang iisipin ko mamaya, hehe Maya may mag aalmusal narin ako maliligo lang muna ako. Maganda na po ang init ngayon Kaya magkukusot lang ako ng hinubad ng anak ko para hindi ako matambakan ng labahin Sakit na kasi sa likod kapag madami ng labahin

@malditah

Dahil brownout ayan pahila hilata si inday Nakakaantok tuloy Naabala nanaman ang pananahi ni inday ah, Nakalaba narin ako Pagtapos ko sampay ng damit bigla naman nagbrownout kaya humiga nalang ako tutal napagod din ako maglaba, haha

@malditah

Duling na si inday Kailangan na ipahinga ang mata Masakit pati ang ulo ko Pag gising ko kasi kaninang umaga masakit na talaga ang ulo ko Hindi ko lang pinapansin sa sobrang daming gagawin Naka 2 palda nga lng ako ng half day Hindi narin masama naka 500 narin ako, Kaya pwede narin magpahinga muna, hehe

@malditah

Medicol lang ang katapat ng sakit ng ulo ko na ito Kumain narin po ako kaya pwede ng uminom ng gamot Ito lang talaga ang iniinom ko kapag sumakit ang ulo ko Kaya sana mawala na ang sakit ng ulo ko Ang hirap kasi ng may nararamdaman Para din kasi akong tatrangkasuhin kanina. Hayss

@malditah

Gumala ka daw habang buhay ka pa, Hindi yung kelan multo ka na saka ka pagala gala hahaha, Mag gogoodnight lang naman po ako Namburaot pa eh, haha Medyo nawawala narin po ng konti ang sakit ng ulo ko, salamat naman at makakatulog ng maayos, goodnight na po sa lahat.

@malditah

Good morning Painit muna si inday ng likod Ang sakit na kasi ng likod sa kayuyuko sa makina Kaya hinihintay ko ang init dito sa labas ng bahay para makapag painit man lang at ng mapawisan Katatapos ko lang din magwalis Pagtapos ko luto ng almusal ng anak ko nagwalis na ako, Ang anak ko naman hindi na intindihin sa pagpasok, pagkain lang talaga ang iniintindi ko Nagkukusa na syang maligo at magbihis Kaya hindi na ako nahihirapan sa kanya.

@malditah

Yung hindi ko pa nga natatapos ung pads ko na 240pcs may dadating nanaman na 300pcs, Yung mga uniform kasi ang inuna ko dahil nakikiusap ang mga estudyante na required na daw sa kanila mag uniform Pero tatapusin ko nalang muna yung 4pcs na nacut ko hindi na muna ako tatanggap ng mga magpapasukat ng uniform Pahinga muna ako sa uniform kailangan ko narin kasi matapos ang mga pads ko. #washablepantyliner #washablepads

@malditah

Nood time na muna Hindi ako maka focus manood kapag nananahi eh kaya humiga talaga ako haha Sabay unat unat narin ng likod naka 3 palda rin ako ng natahi eh, kya mamaya na ulit ako mananahi, Ang ganda kasi ng palabas na ito kaya sinusubaybayan ko rin talaga, #abotkamaynapangarap

@malditah

Ihaw ihaw! Bumili ang anak ko iulam daw namin at wag na daw ako maghanap ng ulam Pabor din naman at pagod ako manahi hindi na ako magluluto, hehe Favorite nya kasi ang isaw, paa naman ang favorite ko, Kayo po ba ano ulam nyo? Magandang gabi po.

@malditah

Matutulog narin po ako Tulog na ang anak ko at pamangkin Nanunood pa lang kami ng Darna tulog na silang dalawa, Ako nga kanina parin hikab ng hikab Antok na talaga Hindi kasi ako nakatulog kaninang tanghali kaya maaga din ako inantok Kaya goodnight na po kaingay. Bukas ulit, hehe

@malditah

Goodmorning everyone! Tara kape tayo Katatapos ko lang magwalis ng paligid Sa daming laglag ng dahon ng puno Amihan na kasi kaya kahit araw araw magwalis ang dami parin kalat Hindi rin pwede na hindi magwalis lalong dadami ang kalat eh After ko po magkape akoy maliligo na pupunta kami sa bayan eh kailangan ng mag grocery Wala ng stock ng gamit sa bahay Nagtitiis nalang kami bili ng bili sa tindahan. Para makapahinga rin muna ako sa pananahi,hehe

@malditah

Pabayan kami ng anak at pamangkin ko Kakain daw kami sa Mcdo Nag aya ang dalawang bata naawa naman ako na hindi pagbigyan Ang daming nagbibilad ng palay sa kalsada Sinasamantala nila ang init ng panahon Yung ibang palay may amoy na dahil nung bagyong paeng tinakpan lang nila ng luna yun sa kalsada na hindi nakalagay sa sako Kaya sayang yung palay maitim na nga may amoy pa, may tubo na nga ang iba. Iba narin ang lasa nun kapag naging bigas na Nakakaawa lang talaga ang…

@malditah

Ayan nag enjoy nga ang dalawang bata Hirap na hirap ng ubusin ang pagkain Kaya tinake out nalang namin ang fries at yung drinks nila, at yung apple pie ko hindi ko rin nakain pinasalubong ko nalang sa isa kong pamangkin, Tawang tawa ako sa kanila halos ayaw tumayo sa kabusugan, sakit daw tiyan nila haha Nakakatuwa din na pagbigyan yung gusto nila Nag ikot ikot din kami sa bayan para bumili ng kailangan pa nila sa school Kaya nakauwi kami ng bahay 3pm na, Naglaba pa ako…

@malditah

Dinner! Kain na po tayo Pusit at hipon ang nabili kong pang ulam kanina sa palengke Ang hipon pang sasahog ko yun sa gulay bukas Maaga na kami kumain para makapahinga narin Ang dami na ko na kasing pagod hehe Kain narin po kayo Magandang gabi po.

@malditah

Flex ko lang yung order kong drinks sa mcdo kanina, no ice yan Sabi ko kasi wag lagyan ng ice kaya hindi nga nilagyan, pero hindi talaga sya puno haha Kaya lang talaga puno yung drinks dahil sa ice Kaya nung walang ice ang order hindi talaga nila pinuno yung baso, hehehe Kapag umiinom kasi ako ng malamig sumasakit ang lalamunan ko tapos inuubo na ako Kaya hindi na talaga ako umiinom ng malamig.

@malditah

Good morning noisemate Naglabas na ako ng nilabhan ko Yan yung nilabhan ko kahapon Maganda naman ang sikat ng araw kaya sure ako matutuyo yan Magsisimba po ako ngayon kaya gumising din ako ng maaga kahit antok pa, hehe

@malditah

Magandang hapon na po Nasa church po ako nyan kanina Habang hindi pa nagsisimula ang preacher namin nagselfie din muna, hehe Nakauwi narin po kami at katatapos ko nga lang po kumain, ngayon po ay nananahi na muna ako May kukuha kasi mamaya ng tahi Uniform kasi ito para bukas, Bye po muna, work narin si inday🤣

@malditah

Siopao! Meryenda po tayo Binili ko po yan kanina pag uwi namin galing simbahan Nakita kong bukas na yung nagtitinda ng meryenda tinawag ako nung nagtitinda magpapatahi daw sya kya lumapit ako sa tindahan nya Inalok nya ako na bumili nakita ko nga yung siopao nya na violet kaya bumili na ako cheese ang flavor nya Masarap naman sa halagang 10pesos may meryenda na kaming tatlo😋

@malditah

Sumama ako sa anak ko kanina bumili ng ihaw ihaw Kaya 8pcs isaw ang binili ko at 2 ulo Anak ko lang naman ang kumain ng ulo Paa sana ang hanap ko kaya lang ubos na daw Isaw at paa lang naman ang gusto ko sa ihaw ihaw Sarap ng isaw eh, hehe Kayo po ba kumakain din ng isaw?

@malditah

Nagharvest ang bayaw ko ng tanim nyang ampalaya, idedeliver nya yan bukas sa palengke Grabeng lalaki at ng ampalaya na yan Yung isang kilo 2pcs lang Yung isang bundle nyan ngayon sa palengke 600pesos Mabuti nga hindi yan nasira nung bagyong paeng Kahit bumabagyo noon nandun sya sa taniman nya para lng hindi masira ang ampalayahan nya Muntik pa sya nalunod nung pagtawid nya sa ilog nung pauwi na sila, bumaha na pla ang ilog nung pauwi na sila, Tapos nung pagtapos ng bagyo…

@malditah

Bago pumasok ang mga bulilit picture muna syempre, Tuwing may pasok excited ang mga bata Ayaw talaga nila ang umabsent Ang sisipag mag aral eh Kaya nakakatuwa din naman sila Sabay sabay yan sila pumasok sabay din umuwi Hindi pwedeng may mauna lalo na pag uwian Nag aaway yan sila kapag may nauunang umuwi na hindi nila alam, naghahanapan kasi sila sa school, kya kpag may naunang lumabas ng classroom sa kanila naghihintayan sila sa gate😃

@malditah

Nakapagluto na po ako ng ulam namin Yung binigay ito sa akin kagabi ng kapatid ko Binilhan ko lng ng 3 itlog libre na ang ampalaya eh, ulam na namin ito hanggang mamayang hapunan Kaya nakatipid din kami, hehe Dahil brownout tambay muna ako Mamaya na ako mananahi kapag nagka power

@malditah

Heto nanaman ako nakapwesto na sa harap ng makina, kumain narin naman na ako, isang palda nalang ang tatahiin ko kukunin kasi ito mamaya Kapag natapos ko ito pahinga muna ako sa pagtahi ng uniform, tahiin ko muna ang pads at liner ko, kailangan narin kasi ito

@malditah

Binilhan ko nga pala ng cherifer ang anak ko Gusto nya daw kasi tumangkad Pedzinc lang sana ang bibilhin ko dahil wala na syang vitamins ayun dahil gusto nya ng cherifer ibinili ko narin, Yung Pedzinc 243.75 Ang Cherifer 337.75 naman Sa southstar ko yan binili Vitamins pa lang ng anak nakakabutas narin ng bulsa, hehe Pero ok lang naman basta healthy lang ang anak Sakitin na kasi ako kya gusto ko lang maging healthy ang anak ko Pasalamat nalang ako at hindi talaga sakitin ang…

@malditah

Kain po tayo! Bigay ng kapatid ko yan Ginataang crab with gulay Mapapadami nanaman ako ng kain nito Ngayon nalang ulit ako nakatikim nito, Ang tagal ko na kasing huling nagluto nito Naalala ko pa bago mamatay ang mama ko ito yung request nya, kaya pinagluto ko sya Sarap na sarap sya nung kumakain sya Paborito kasi nila ito ng anak ko. Ngayon anak ko nalang ang sarap na sarap kumain nito.

@malditah

Oras nanaman po ng ating pagtulog Kailangan ng matulog para makagising din ng umaga bukas, At ako ay may estudyante rin na papasok bukas Kaya kahit pupungat pungat ako bumangon sa umaga kailangan bumangon para maghanda ng almusal nila Goodnight na po kaingay

@malditah

Good morning kaingay Painit muna ng sikmura bago ako maligo Nagpapainit pa ako ng tubig panligo eh Hindi kasi ako naliligo ng walang mainit na tubig hindi naman sa kambing ako haha Kaya lang hinahanap ng katawan ko ang maligamgam na tubig kaya nasanay na ako ng may mainit na tubig palagi Pansin nyo po ba ilang araw ng tahimik dito Pero kahit papaano may biyaya parin kahit pakonti konti nalang malaki narin yun kapag naipon.

@malditah

Nag aabang ako ng isda sa kalsada kanina walang dumadaan Yung may ari ng tindahan binigyan ako nyan tuyong pusit at danggit ba ang tawag jan?? Pag uwi ko sa bahay saka may dumaang isda naririnig kong nagpupotpot na Ayaw ko ng tumakbo palabas Kaya niluto ko nalang ito para may ipaulam ako sa aking anak, Kainan na po maya maya lang, hehe

@malditah

Meryenda po tayo Ginutom talaga ako Kaya bumili ako ng tinapay at nagtimpla ng kape Habang nanunood ng tv meryenda muna ako Nakaabang narin ang gagawin ko Maglalagay ako ng pin sa pads na tinatahi ko para tahi ng tahi nalang ako Kayo po ano meryenda nyo?

@malditah

Dinner! Ito lang ang kinaya kong lutuin ng hapunan eh Wala kasi talagang dumadaan na naglalako ng isda, kaya no choice ako kundi ito ang lutuin Sana bukas may mabili na akong masarap sarap na ulam Gusto ko kasi talaga isda ang ulamin kaya bukas mag aabang nanaman ako Magandang gabi po Hindi ko talaga nakita ang paglabas ng blood moon, nawili nanaman ang magtrabaho, hehe

@malditah

Hanggang memories nalang kaming may picture ni mama, nakita ko sa fb ko ito nasa memories Pinost ko last year Miss na miss ko na si mama 7 months na kasi syang wala sa amin Ang hirap talaga ng walang ina sa tabi Kahit may anak na ako hinahanap hanap ko parin si mama eh, Kahit nakasaklay na kasi ito dahil sa pagka bangga nya natutulungan parin nya ako sa tinatahi ko Kapag may sakit ako nahihilot nya parin ako, Ang sabi ko pa sa kanya kahit hindi na sya makalakad ulit na…

@malditah

Sa tuwing nagpopost ako chinecheck ko kung sino nag ❤ react sa post ko Dun ko kasi nakikita kung sino pa yung hindi ko nafollow back Yung sa others, ibig sabihin nyan hindi ko pa sya nafofollow, kaya kapag may nakita ako sa others ayun pinafollow ko na, Pansin ko kasi dito ang dami kong pinallow pero hindi nila ako pinafallow Hindi ko alam kung ayaw nila sa akin or hindi lang nila alam na nakafollow ako sa kanila Kaya yung iba unfollow ko nalang, haha Sorry naman eh, 😊 Lalo…

@malditah

Lunch namin Pagtapos ko maglaba nagluto na ako ng pang ulam namin chicken adobo, Half kilo yan 100pesos, para ulam na namin hanggang gabi 3 lang naman kami ang kakain Nakatipid na ako nito, hehe Kain po tayo,

@malditah

Nakakagutom na hapon Kaya nagtimpla lang ako ng gatas Pampawi lang ng gutom Nagsasaing pa lang kasi ako Wala kaming kaning lamig eh inubos pakain ng anak ko sa aso Kaya inom nalang ako ng gatas,

@malditah

Goodnight na po Ang aga ko inantok Kaya pumasok na ako ng kwarto pagtapos hapunan Gusto ko kasi mag unat unat ng likod sa kama Ang sakit ng aking mga katawan Lalo ng sumakit ang likod ko sa paglaba ko kanina Ang dami ko rin nilabhan mga damit ng 2 bata Mauuna na po ako matulog sa inyo,

@malditah

Good morning sa lahat Ang dami ko nanaman walisin Naglaglagan nanaman ang mga dahon Tuwing umaga at hapon ang walis ko dito Dahil kapag hindi winalis ay siguradong tambak ang kalat sa harap ng bahay Kahit ang dami kong tahiiin binibigyan ko talaga ng time ang pagwawalis, Dahon pa naman ng paper tree kaya malalaki, hehe

@malditah

Grabe ang sikat ng araw Sobrang init, mabuti nalang mahangin Dahil sa init ng panahon maliligo muna ako Ako ay sinisipon pa, ay kainaman na, hehe Hindi na maintindihan ang katawan😃 Ang dami ng nararamdaman ganito ba talaga kapag nagkakaedad na,haha Charoot bata pa po ako,30+ pa lang naman ako,

@malditah

Magandang hapon po Syempre work mode muna si ako Busy busyhan yan at nagawa pang magselfie Malapit lapit ng matapos ang tinatahi kong liner Nakakahinga na ako ng maluwag luwag kapag may natatapos na gawa Habang nanunood ng tv nananahi ako, hehe

@malditah

Ihaw ihaw nanaman po kami Wala ng time magluto ng ulam eh Busy masyado pa po kasi kanina Kaya nagpabili nalang ako sa anak ko nyan Mabuti nalang may nagtitinda araw araw dito sa amin malapit, Kain na po tayo para makapagpahinga narin ng maaga.

@malditah

Good night na po Antok na po ako Nagbbrowse ako sa shopee ko kanina may gusto kasi ako bilhin Naku po naloka naman ako sa signal Ang hina kaya hindi rin ako makahanap ng maayos Inantok nalang ako sa kahihintay ng magandang signal, Kaya itutulog ko nalang ito,

@malditah

Late breakfast Nagluto kasi ako ng gulay Papaya at malunggay ang gulay na nakuha ko sa paligid namin Sawa na kasi ako sa puro may mantika ang ulam namin kaya naisipan ko nanaman mag gulay Kakain pa lang rin po ako.

@malditah

Relax time! Syempre pahiga higa ako ngayon Sarap kaya manood na nakahiga Nananahi kasi ako tinapos ko lang yung uniform na tinatahi ko Kaya pagtapos ko nun pumwesto na ako para manood, hehe Pahinga narin muna ako sakit ng likod ko eh.

@malditah

Meryenda po tayo Suman at kape Nagluto kasi ang tiya ko kaya dinalhan ako ng pinsan ko Ang sarap nito sa kape talaga, hehe Solve nanaman ang gutom ko Kanina pa kasi ako nagugutom Nakalimutan ko na may binigay pala sa aking suman, tinakpan ko lang kasi sa lamesa Nung nagtimpla ako ng kape nakita ko sa lamesa, Tara po meryenda,

@malditah

Naubos na ang aking pang haplas Mabuti nalang may stock ako nito Kaya kinuha ko sa aking taguan Matagal ko na itong binili July pa yata yun 2pcs kasi ito Naubos ko na yung isa sa kahahaplas araw araw Kahit saan ako pumunta may dala ako nito Hindi ito nawawala sa bag or bulsa ko Kahit amoy matanda na ako kapag maghaplas ako nyan sa katawan ko ok lang, haha Nakakatanggal naman ng sakit na nararamdaman sa katawan, Mainit kasi ito eh, Magandang gabi po

@malditah

Dahil may natira pang suman kahapon ayan almusal ko nalang ngayon Ako ay maglalaba kailangan ko ng maraming lakas para may panlaban sa pagbrush ng mga puti Laba day ng mga uniform kapag araw ng sabado talaga, hehe Good morning

@malditah

May isang napakatapat na aso sa kanyang among babae.. kaya naman tiwala ang babae na iwan ang kanyang anak sa alagang aso sa tuwing siya"y umaalis upang bumili ng kanilang pagkain at mga pangangailangan. Sa kanyang madalas na pag alis lagi niyang nasusumpungan sa kanyang pagbalik ang anak na mahimbing na natutulog kasama ang Alagang aso. Isang araw may nangyaring kalunos-lunos. Ang babae gaya ng dati, iniwan ang kanyang sanggol sa mga kamay ng tapat na Aso at ito ay…

@malditah

Popcorn kayo jan Pumunta ang kapatid ko dito sa bahay may dalang popcorn Kaya niluto nya at Ayan kainan na Tutal wala parin akong naiisip na meryenda,

@malditah

Ulam namin kanina Pritong pork Gumawa narin ako ng sawsawan na toyomansi Naku nung kumain na kami pati sawsawan sinasabaw ng anak ko sa kanin nya haha Favorite nya kasi ang sawsawan na ganyan Kayo po ba naghapunan na? Ako po nakahiga na nanunood na ng tv Pahinga na din dami narin pagod eh, hehe Magandang gabi po

@malditah

Dessert ice cream Birthday kasi ng ninang ng anak ko Nagchat sa akin na dun maghapunan sa kanila Kaya lang katatapos lang namin hapunan Sabi nya punta nalang daw anak ko dun at kumuha ng ice cream Kaya pumunta ang anak ko ayan may dala syang ice cream ang dami,, Halos ayaw pa nga ng anak ko pumunta kay ninang nya, hindi kasi ito mahilig pumunta sa mga kainan sa kapitbahay, pupunta ito pilitan pa, Parang ako din noong bata pa ako, haha

@malditah

Good morning po 5am lang po gising na ako Maaga po kasi ako magluluto Nagsalang muna ako ng kanin sa uling Bago ako magsimula mag gayat ng ampalaya Mga 3 kilo po siguro itong ampalaya puno ang kawali ko eh Dadalhin ko po kasi ito sa church namin Fellowship namin ngayon Ipapaulam namin sa aming mga bisita Kaya magdadala din ako ng kanin Doon narin po kasi kami manananghalian, Happy sunday!

@malditah

Happy sunday Nasa church na kami Nagsusimula na ang gawain namin Nandito lang kami sa labas madami na kasing tao sa loob wala ng space eh Madami po kasi kaming bisita Blessed sunday po talaga❤❤

@malditah

Meryenda ko kanina Late ko nga lang naipost haha Busy po kasi ako manahi After namin magchurch Nag cut na ako para matahi ko Kukunin kasi ito bukas Magandang gabi po

@malditah

Hapunan ko po Ginataang ubod ng buli Bigay ng kapatid ko yan Tapos nagpaksiw din ako ng isda Ang sarap ng ginataan eh Ang dami kong nakain, Magandang gabi po

@malditah

Goodmorning Anong mga ganap natin ngayon? Ako naglilinis ng bahay ngayon Ang dami ng alikabok nanaman Hinihika na ako lalo sa daming alikabok eh Mabuti nga tinulungan ako ng kapitbahay ko Katatapos ko nga lang rin almusal Maaga pa kami naglinis Ngayon lang nakaramdam ng gutom,

@malditah

Magandang gabi po Now lang ako nakasilip ulit dito Sobrang busy po ang maghapon ko Maghapon talaga ako nagligpit ng kabilang kwarto na ito dahil sa order kong double deck na ito, Inalis ko yung dating higaan ng mama ko dito Mabuti nga naideliver din agad kanina Ok na po ba ito sa 12,750? 36x54x75 po ang size nya Kasama na ang foam, uratex narin 4 inches ang kapal.

@malditah

Darna time! Nood muna ako ng darna Ako nalang mag isa ang nanunood, tulog na ang dalawang bulinggit ko Napagod daw kasi ang anak ko sa school ang dami daw kasi nilang ginawa sa school Kaya ang agang natulog.

@malditah

Hindi ako nakatulog ng ayos Lumipat na kasi ng kabilang kwarto ang dalawang bata bangon din ako ng bangon sinisilip ko sila baka nahulog na haha Sakit tuloy ng ulo ko ngayon Ang aga pa nila nagising nagkukwentuhan na sila Kaya pati ako nagising din Wala naman silang pasok ngayon dahil holiday kami, Mindoro day po kasi,

@malditah

Magandang hapon po Kagigising ko lang po Natulog din ako ng half hour lang Ngayon tahi nanaman ako May lakad kasi kami ng mga bata mamaya Gagala kami hehe Minsan lang naman po,

@malditah

Happy na sila Ang dami namin sumama pati mga pamangkin ko, kapatid ko at asawa nya, tapos sumama din byenan ng kapatid ko. Puno ang tricycle ng bayaw ko Happy ang mga bata Gabi na kami nakauwi mga 7pm na Umalis kami ng bahay ng 4pm . Sulit ang gala.

@malditah

Grabe ang motor na sinusundan namin kanina Lasing ang driver pati ang angkas Pagiwang giwang ang motor nila wala pang ilaw Kaya sabi ko sa bayaw ko wag nyang didikitan Hanap lang ng damay mga kabataan na yan Pati yung mga kasabayan naming tricycle dumidistansya sa kanila, grabe kasi ang giwang ng motor talaga Ako ang natatakot para sa kanila.

@malditah

Almusal ko po Nilagang saging, bigay ng kapitbahay ko nung isang araw, ngayon hinog na sya kaya nilaga ko para may almusal ako Hindi kasi ako nagsaing para sa almusal, Ang niluto kong almusal para sa dalawang bata pancake lang, nagtimpla lang sila ng milo Yun lang din kasi request nilang almusal.

@malditah

Dahil brownout humiga nalang ako Hindi lang rin naman ako makatahi Dito ako humiga sa kwarto ng dalawang bata Nakakatuwa marunong na talaga sila magligpit ng mga unan at kumot nila Maayos ang kama nila Pinanindigan na talaga nila ang humiwalay ng tulugan sa akin, haha Ako naman ang hindi makatulog Bangon din ako ng bangon para silipin sila,

@malditah

Kainan na Nagpabili ako ng ihaw ihaw sa anak ko May naglako din ng isda pumunta dito sa akin, talakitok daw ito sabi ng nagtitinda 80 pesos lang ito madami na kaya pinaksiw ko ng lahat para may pang ulam kami hanggang bukas Kayo po ba naghapunan na? Sabayan nyo na po kami, Magandang gabi po.

@malditah

Almusal ko po Ako lang mag isa dito sa bahay Kaya sa labas ng bahay ako kumain Habang kumakain ako ang aso namin nakatingin sa akin Nakatali kasi sya, hehe Sa harap nya mismo ako kumain Magandang umaga po

@malditah

Yung aso namin na puti galit na galit yan kapag may ibang aso syang nakikita Nanganak ulit ang nanay nya Nilabas ko na marunong na marunong na kasi lumakad Aba pagkakita nya sa mga tuta galit na galit sya Kung hindi nga lang siguro nakatali baka nilapa nya na yang mga tuta, Hinanadaan ko sya ng pamalo Pinapagalitan ko sya subukan nya lang kako na awayin ang mga kapatid nya mapapalo ko sya At nilapit ko nga sa kanya ang mga tuta, hindi nya nga kinagat, Takot din sya sa palo,…

@malditah

Meryenda! Pritong saging at milo Nagprito ako ng saging para pagdating ng dalawang bata may meryenda sila Matutuwa yun sila sigurado. May kinakain tuloy ako habang nanunood ng tv, Kayo po ano po meryenda nyo?

@malditah

Malamig na umaga sa lahat Umulan kasi kagabi napasarap ako ng tulog Pero maaga parin ako nagising, Nagluto ng almusal ng dalawang bata Habang kumakain sila nagtimpla na ako ng milo Maliligpit nanaman ako mamaya pag alis nila Habol nanaman ako ng oras sa pagtatahi May rotational brownout nanaman kami Nakakainis lang

@malditah

Dahil brownout at maulan pumasok ako sa kwarto at matutulog muna, Nakaluto narin naman ako ng pananghalian namin para pagdating ng aking estudyante kakain na agad sila May low pressure pala kya maulan kagabi pa Wag na sana maging bagyo pa, Kawawa yung mga nagpupunla ng sibuyas dito sa amin,

@malditah

Late lunch Nagluto pa kasi ako May naghatid ng karne dito sa bahay order daw ni kuya ko 1 kilo lang kinuha ko, 2 kilo daw kasi order Ei hindi rin naman ako mahilig sa karne Nauumay kasi ako Sinigang ko ang kalahati, inadobo ko ang kalahati, Kain po tayo

@malditah

Goodnight na po Mag isa nanaman ako sa kwarto Tulog na ang dalawang bata sa kabilang kwarto Ako heto dotdot pa ng cp Sumilip muna ako dito bago matulog, Mauuna na po ako matulog sa inyo Bukas na po ulit.

@malditah

Good morning May power nanaman kaya tahi ulit Medyo nakaka stress nanaman dahil sa power nmin, Habol habol din ako manahi kapag may power, Sakit sa utak, haha

@malditah

Maulang hapon everyone Nilalamig ako at para akong tatrangkasuhin Kaya nagtimpla ako ng milo Para mainit initan ako Ang lakas kasi ng ulan Kaya yung sinampay ko ipinasok ko agad Nagpalaba nga lang ako sa kapitbahay ko Ang dami ko kasi talagang trabaho kaya hindi na maharap ang paglalaba Mga damit lng naman ng mga bata ang madami Yung sa akin iilang piraso lang, naglalaba kasi ako tuwing ligo ko. Meryenda po tayo.

@malditah

Goodnight na po Wala parin tigil ang ulan Hindi ko napanood sa balita kong may bagyo Ang mga bata kasi puro cartoons ang pinapanood Kaya wala na akong nalalaman sa balita, Sa inyo po ba maulan din?

@malditah

Lunch po tayo Kauuwi ko lng po galing church Kaya ito lang naluto ko Pang madalian na ito eh hehe Kainan na po,

@malditah

Selfie parin kahit busy Selfie is life na kasi haha Habang nakaupo sa makina hindi parin maiwasan magselfie Pantanggal pagod lang naman yan hehe Kamusta po kayo dito?

@malditah

Pinagtimpla ako ng anak ko ng milo Gabi na daw kasi busy parin ako sa tahiin ko Hindi pa nga ako naka plantsa ng uniform ng 2 bata, bukas nalang ng umaga ako magplantsa pagtapos ko magluto ng almusal, Sa daming trabaho hindi na alam kung ano ang unahin.

@malditah

Ang ganda ng sikat ng araw Maaga pa lang masakit na ang init Kagabi kasi umulan Uulan nanaman ito mamayang gabi kapag ganito ang sikat ng araw Wala lang akong nilabhan ang sarap sana magpatuyo ng damit, hehe Good morning

@malditah

Good morning Ang aga kong nagising dahil sa lamig Inoff ko ang electric fan Tas bumalik ako ng higaan Matutulog pa sana ako nawala naman na ang antok ko kaya ito dotdot muna ng cellphone Maya maya lang ako babangon para magluto ng almusal ng dalawang estudyante ko.

@malditah

FDS namin sa 4p's Dito po ako sa Barangay Hall ngayon Attend ako ng fds namin Topic#29 na po kami, YAKAP BAYAN Programa ng DSWD Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Update po ako later, akoy magsusulat muna

@malditah

Magandang hapon po Parang hindi busy yan haha Nag iisip po ako ng mameryenda eh Ano bang masarap na meryenda? Mauuwi nanaman ako sa gatas nito, hehe Wala kasi akong maisip na meryenda

@malditah

Good morning Nagluto ako ng ampalaya Binigyan ako kahapon ng kapatid ko Namitas kc sila ng pang ulam lng Libre nanaman ang ulam namin Mahal kasi ang ampalaya ngayon, 70 ang kilo dito na sa puno Kaya yung mga buyer nila pumupunta na mismo dito sa kanila, Yung last friday ng pag harvest nila nka 19k sila 315 kilos daw naharvest nila Sa friday ulit sila maghaharvest ng pang benta nila.

@malditah

Tanghalian po namin Hinintay ko makauwi ang aking mga estudyante Para sabay sabay kami kumain Kahit gutom na ako hindi talaga ako nauuna kumain, hinihintay ko talaga sila kumain Kapag hindi kasi sila sinabayan kumain naglalaro pa sila kaya ang tagal nila makatapos, Kung sabay kaming 3 tahimik sila, haha

@malditah

Good morning Ang ganda talaga ng morning ko kapag ganito ang makikita ko Mahigit isang linggo akong naghintay na masilayan muli ito At sa wakas ay dumating na nga Salamat po sa blessings❤❤ Sana po tuloy tuloy na ito, hehe Lahat po ba tayo nakatanggap na ng aginaldo?

@malditah

Niluto kong almusal ng dalawang bata Hindi naman nila naubos May 1 egg na naiwan kaya inulam ko nalang rin Mamaya mag aabang nanaman ako ng isda kung may dadaan Namiss ko narin ang isdang may sabaw Palagi nalang kasi may mantika ang ulam namin Nakakaumay narin kapag palaging ganun hehe Bye po muna at akoy maliligo na para maka simula ng pananahi,

@malditah

Yay nakasilip din dito Nawalan po kasi ng signal ang Dito sim dito sa lugar namin kahapon pa ng tanghali Kaya ayan ginamit ko na ulit ang globe wifi ko Sobrang lakas na ng signal ngayon ng globe dito dahil nag operate na ang tower na malapit dito sa amin Kaya siguro nawalan ng signal ang Dito sim Kamusta po kayo? Goodmorning po

@malditah

5th harvest na ng ampalaya ng bayaw ko Sumama ang kapatid ko Ayan pinicturan nya pati yung naghaharvest Kumuha na sila ng 2 tao para upahan mamitas Sumama din byenan ng kapatid ko Hindi na kasi kaya ng bayaw ko pitasin lahat ng walang kasama sa sobrang dami ng bunga Sinasama nga nila ako Ayaw ko lang at madami akong tahi, hehe

@malditah

Sarap sa eyes Pag open ko kanina ito yung nakita ko Salamat po talaga sa mga walang sawang nagbibigay ng biyaya More blessing pa po sa bawat isa sa atin.

@malditah

Saging! Bigay yan kagabi sa akin nung kumuha ng tahi Hilaw pa yan kagabi nung binigay sa akin Kaya hinog na, pwede ko ng ilaga para pagdating ng mga bata may meryenda sila Mas masarap na meryenda ito kesa bumili pa sila ng tinapay, Kayo po ano meryenda nyo? Magandang hapon po

@malditah

Meryenda ko po yan kanina 3 piraso ang nakain ko Nabusog agad ako Hindi rin naubos ng mga bata yung tinabi ko para sa kanila Kaya mamaya habang nanunood ng darna lalantakan ko nanaman, Para bago matulog busog parin ako haha

@malditah

Isaw at paa! Ang sarap nito lalo na ang sawsawan na hiningi ko ay maanghang Mapapasipol ka naman sa daming sili Kayo din po ba kumakain nito?

@malditah

Good morning Akoy nasa higaan pa, ang sakit ng katawan ko Halos ayaw ko pa bumangon eh Pero hindi rin pwede wala pa kaming almusal Magluluto pa ako, at ng makasimula na maglaba ng mga uniform ng estudyante Konti lang rin naman ang labahin ko Araw araw kasi ako naglalaba ng mga hinubad ng mga bata na pambahay para hindi ako matambakan ng labahin,

@malditah

Nag ikot ako sa likod bahay namin Nakita ko ang bunga ng saging namin Ang saging na ito yung butuhan Kaya hinayaan ko lng na mahinog sa puno Ang mga kapitbahay kong mga bata gusto yan eh 2 puno yan, hinog narin ung sa isang puno Mamaya sasabihin ko sa mga bata para matiba nila, akin nalang ang puso, hehe

@malditah

Papaya! Pinitas ko sa puno namin Nahinog na kasi eh Pinasungkit ko kanina sa pamangkin ko Ginawan nya ng buslo ang panungkit Para hindi mahulog sa lupa Mataas kasi ang puno nyan Matamis po ito, tanim pa ng mama ko yang puno nyan eh, Bukas ko pa yan kakainin.

@malditah

Nanunood pa ako ng MPK After nito matutulog narin po ako Magsisimba po kasi kami bukas Kailangan din gumising ng umaga Para makapag walis pa sa paligid ng bahay habang nagsasaing, Ang dami ko nanaman pagod maghapon Naglaba kasi ako kaninang umaga After ko maglaba nanahi na ako Naka tatlong palda din ako Kukunin na kasi ito bukas kaya pinilit kong matapos para masuot ng estudyante sa monday.

@malditah

Good morning Almusal po tayo Naglaga nanaman ako ng saging Sobrang tamis na hinog na hinog na kasi Ang sarap lalo nito Kayo po ano almusal nyo?

@malditah

Ito na po ang saging Kinuha na namin Kumain din ako ng isa talaga namang nakakapagod sa panga sa sobrang dami ng buto, haha Nakigaya din ako sa mga bata kumain eh Pati sila tig isa lang rin ang nakain Tapos tawanan sila ng tawanan, Para daw atis na madaming buto🤣

@malditah

Ayan na nga kakainin na namin ang papaya Binigyan ko din ang kapitbahay namin Hindi rin naman namin mauubos ito ang laki kasi Matamis parin talaga sya Pang himagas namin, Kakain po muna kami, Kayo po ba naglunch na? Tara na po sabay sabay na tayo.

@malditah

May naiinis daw sa akin na palagi akong naka tack in, ano kaya ang problema nun sa pag tack in ko, gusto lang rin gayahin ang outfitan ko nahiya pa, kaya nya rin naman daw mag tack in, ay jusko wala naman napigil sa kanya magtack in Pati ako pakikialaman, Inggit lang siguro yun sa waistline kong 26, haha Hindi ko nga pinakikialaman ang pagpepeeling lotion nya sa mukha na parang balat na ng longganisa haha

@malditah

Good night na po Antok na po ako at pagod narin Namalantsa pa kasi ako ng mga uniform Nagbrownout kasi kanina kaya ginabi na ako namalantsa Tulog na po ako, maaga nanaman gigising bukas para magluto ng almusal ng mga bata.

@malditah

Tara kape Habang nagkakape nagttrabaho din Sayang ang oras eh tutal nakaupo lang rin naman ako Paalis narin ang aking mga estudyante kya makakaligpit na ako pagtapos ko magkape Ito na talaga ang gawain ko araw araw, haha Magandang umaga po.

@malditah

Pinasungkit ko ang bunga ng niyog namin 28pcs ang nakuha sa isang puno Ang dami namin pang gata ang iba buko pa Kaya ayan kinain din namin ang buko Masarap sana sa bilo bilo ito Kaya lng busy nman ako kaya hindi pa ako makaluto,

@malditah

Ulam namin yan Binigyan ako ng pamangkin ko Galing daw sa byenan nya may isdaan kasi byenan nya, alam kasi nilang favorite ko ito Kaya ayan binigyan ako isang kilo po yan Pinaksiw ko lahat Gustong gusto rin ito ng anak ko, Sarap na sarap kasi ako sa sapsap na ito Kaya pati anak ko ang dami nyang kain kapag yan ang isda, kapag ibang isda hindi sya kumakain ng paksiw, Puro prito ang gusto,

@malditah

Magandang morning Painit muna ng sikmura bago maligo Pinauna ko na maligo ang dalawang bata May program kasi sa school nila ngayon Reading Month nila kaya lahat sila naka costume Ang anak ko magbabasa sa stage kaya sasama ako sa school

@malditah

My Spiderman Yan ang costume ng anak ko May pag pose parin talaga sya ng spiderman Excited yan sya eh Hindi pa sya nakakabasa sa stage Nag breaktime pa sila eh Nakakatuwa lahat ng mga bata may costume,

@malditah

Congrats anak ko 1st Place in Interpretative Reading in Tagalog 3 silang naglaban, grade 4 grade 5 at grade 6 Nakakatuwa ang anak ko Proud na proud mama here, hehe Kinabahan pa daw sya nun Pero sya parin ang nanalo, Kaya tuwing may event sa school nila nandun din ako para mabawasan ang kaba nya, Lagi ko kasing sinasabi sa kanya kapag nasa stage sya isipin nya lang na ako lang ang audience nya, hehe

@malditah

Ang aking tatlong baby Yung pamangkin kong girl nakakuha ng award sa costume nya Face of Fame ang naging award nya Binili lang ng mama nya yang costume nya sa shopee tapos pinadeliver dito sa akin Nasa hongkong kasi mama nya Kaya ang pamangkin ko sa akin nakatira Mabuti nga rin para may kasama ang anak ko 2 lang rin kasi kami ng anak ko dito sa bahay, Yung batman pamangkin ko din Binili ko lang rin sa shopee ang costume nila ng anak ko Magtropa yang tatlo na yan eh,

@malditah

Ulam ko ng breakfast Binili ko ang sitaw sa kapitbahay Niluto ko lang namiss ko ang sitaw eh Nilagyan ko lang ng daing Masarap ang sitaw na itilo yung maikli lang na sitaw Ang dami kong nakain Nagutom talaga ako dahil naglaba pa ako eh bago nag almusal Tinapos ko ang labahin ko at sabay sampay, hehe

@malditah

Lunch po namin kanina Now lang napost busy po kasi masyado si inday Bumili ako ng half kilo ng manok sa tindahan Ginawa kong fried chicken lahat Favorite ng 2 bata yan Grabe ang dami nilang kain kapag yan ang ulam Pero kapag sa mcdo kumain halos hindi maubos ang chicken Kapag luto ko naman ubos pati kanin nakaka 3 tatlong dagdag pa, haha

@malditah

Meryenda! Bigay ng kapitbahay ko Birthday ng friend ng anak ko Pinuntahan sya dito kanina inaaya pumunta sa bahay nila sabi naman ng anak ko susunod lang sya, pagbalik nung bata may dala na syang pagkain Kaya ayan minemeryenda na namin Tara po meryenda na po tayo.

@malditah

Good night na po Akoy tutulog na po at antok na antok narin Maaga pang gigising bukas dahil may pasok nanaman ang mga bata Nauna na nga sila natulog Hindi pa namin natapos ang Darna nauna na ako pumasok sa kwarto para maka unat unat na ng likod, Maya maya pinatay narin nila ang tv Matutulog narin daw sila Ayun nga tulog na agad sila, hehe

@malditah

Good morning Ang ganda ng bungad sa akin paglabas ko ng pinto ayan agad ang aking nasilayan Ang aking red rose namulaklak nanaman Ang ganda nyang tignan Isang puno lang kasi yan kaya natutuwa ako kapag may bulaklak yan Sana tumaba naman ang puno nya.