read.cash Log in
@malditah

@malditah in October 2022

@malditah

Saturday is laba day! Katatapos ko lang po maglaba eh Naglaba ako ng mga uniform ng mga estudyante ko Sakit nanaman ang likod ng ferson haha Ngayon pahinga hinga muna ako Naghihintay na ang mga tahiin ko Kapag weekend talaga ang daming trabaho sa bahay eh, hehe

@malditah

Tinry ko ang powerbank ko 32% ang cp ko ang powerbank ko 80% Nung nag 100% ang cp ko 71% naman ang powerbank ko, Wow ha konti lang nabawas sa powerbank ko Siguradong tatagal ang buhay nito Ngayon ko lang nagamit simula nung dumating ito, hehe Kahit isang linggo nga magbrownout pala dito sa amin may magagamit kami,

@malditah

Meryenda po tayo Nagutom ako eh kaya nagtimpla ako ng gatas at bumili ako ng tinapay Nakakapagod talaga ang maghapon eh Nagpinaw din ako ng nilabhan ko Natupi ko narin yung iba Meron pang natitirang sinampay sa labas mainit init pa kasi eh, Maya maya ko na pipinawin.

@malditah

Kain po tayo guys Nagluto nanaman ako ng fried chicken Yan kasi gustong ulam ng anak ko eh Kaya pagkaluto ko kumain agad sila Nahuli ako kumain, May kinabitan pa kasi ako ng butones Yung blouse na kukunin bukas Kaya tinapos ko na yung 3 blouse,

@malditah

Natutuwa ako sa bunga ng niyog namin Gusto ko sana kumain ng buko wala lang mag akyat eh Ang taas na kasi nya Ang dami ng bunga eh Naalala ko bago mamatay si mama nung march tinitingala nya yang niyog nya Ang sabi nya bakit daw hindi na namunga Tinuro ko sa kanya ang mga bunga na maliliit pa nakatago kasi parang kamao ko pa lang kasi kalaki Ngayon sobrang dami na talaga ng bunga Matutuwa din sana si mama kung nakita nya ang bunga nito Tanim nya kasi ito eh

@malditah

Grabe ang brownout dito sa amin, kahapon pa ng madaling araw Nagising ako dahil pinaypayan ko ang anak ko Basang basa na kasi ng pawis Lowbat narin kasi ang solar fan nya Sabi daw may inaayos sa malapit sa barangay hall namin Bakit hanggang ngayon wala parin kaming power Ngayon lang din nagkasignal ang Dito sim ko Kaya now lang rin ako nakapag update dito Maghapon din akong hindi nakatahi Sayang talaga ang kita ko, Ang dami pa namang nagpasukat sa akin.huhuhu

@malditah

Breakfast ng estudyante ko kanina Yan kasi ang request ng anak ko Ngayon lang nakasilip dito eh, hehe Wala kasing signal ang dito sim ko Ganun talaga kasi kapag brownout Wala din signal ang Dito sim sa amin Nakakaimbyerna diba, haha Wala na ngang kita sa tahi Wala parin kita sa noise🤣

@malditah

Kain po tayo Gulay na papaya at saluyot ulit At pritong galunggong Napapadami ako ng kain kapag ganito ang ulam, kahit yata ganito ang ulam ko araw araw masaya na ako, hehe Kayo po anong ulam nyo? Naglunch na po ba kayo? Kain narin po kayo sa mga hindi pa kumain.

@malditah

Watching Darna! Nagpahinga na ako manahi Naka 2 palda din naman ako at nakapag repair pa ng slacks, Kakapagod din talaga ang maghapon Kaya time to relax narin muna, hehe Dahil may power kami ngayon kaya nakakapanood ako ng Darna Ang ganda kasi nito panoorin.

@malditah

Dumaan ako sa plaza kanina Nagselfie lang hehe Wala naman kasi ako kasama kaya hindi rin ako tumambay ng matagal Nagmamadali din kasi akomay pinabibili kasi ang anak ko na gamit nya sa school Gagawa daw kasi sya ng card para sa mga teachers ibibigay nya daw yun bukas. Happy teachers day po sa lahat ng guro dito Salamat po sa walang sawang pag gabay sa aming mga anak kapag nasa paaralan sila.

@malditah

Magandang hapon po Ayan naglalakad kami ng anak ko papunta sa kapatid ko Nakita ko yung ulap ang ganda Naiwan ko pa cp ko sa bahay kaya pinabalikan ko sa anak ko para mapicturan ko lang ang ulap Ang sarap pagmasdan kasi, Kamusta po kayo dito?

@malditah

Rambutan po kayo jan Binili ko po yan sa bayan kanina Nung pumasok ako sa palengke para bumili ng isda nakita ko yang rambutan naka display Sa isip ko bibili ako mamaya pagkabili ko ng isda, kaya paglabas ko ng palengke dumaan ako sa nagtitinda ng rambutan 50 pesos po ang kilo pero ang tamis po nyan Pagdating ko ng bahay inupakan kaagad ng anak ko at nagbaon pa sa school, Goodnight po kaingay Antok much na eh, hehe

@malditah

Pumasok ako sa store na ito kahapon Ang dami ng nakadisplay na christmas decor Paskong pasko na talaga Kaya yung lungkot ko sagad na sagad narin Nalulungkot ako dahil wala na ang mama ko December 24 kasi ang birthday nun Taon taon birthday nya ang pinaghahandaan namin, Share share kaming magkakapatid para macelebrate ang birthday ni mama Naalala ko pa nung last year Sabi nya talaga sa amin yun na daw ang huling birthday nya, Totoo pala yun, Kaya sobrang lungkot ko kapag…

@malditah

minute ago Happy teachers day po May paflower ang anak ko sa mga teacher Syempre umattend din ako Supportive mother here sa anak, hehe Magpeperform kasi ang anak ko Lahat kasi ng SPG officer may entermission May pagames pa sila Sack race daw with a twist Kaya yung 2 sako tinahi ko para maging isa lang, 2 ang sasakay sa sako na yun, Kaya malaman lang ito mamaya kung ano mangyayari, haha

@malditah

Ayan na po ang mga SPG Officer May perform sila Anak ko po yung naka white na boy Mas malambot pa ang katawan nyan sumayaw , Hindi lang kasi nakaka upload ng video dito eh Tawang tawa talaga kami sa kanya Sa lambot ng katawan sumayaw After po ng program nila umuwi na kami Wala naman na kasi silang pasok Super nag enjoy sila Lalo na yung mga teacher ang naglaro Grabe ang tawa namin Sakit sa tiyan ang inabot namin sa katatawa Nakaupload sa fb account ko yung mga video, hehe

@malditah

Banana! Bigay po ng kapatid ko yan Madami nanaman kasing hinog ang saging nila, Ilang puno rin kasi ang kinunan nila ng bunga Binenta nila yung iba Hindi narin kasi namin maubos kain yun Kaya sabi ko sa kanila ibenta yung iba Sayang din kung ubusin lang namin kain, Kamusta po kayo dito? Katatapos ko lang rin manahi ng 2 palda Kaya pahinga rin muna ako Dotdot muna ng cp Bukas na ulit ako manahi

@malditah

Ulam po namin kanina Ginutom talaga ako kanina Kahit kumain pa ako ng kamoteng nilaga Kaya nag aya na kumain ang tita ko bago mag 7pm Napadami nanaman ako ng kain dahil sa adidas na yan Sinawsaw ko pa sa siling maanghang Kayo po ba kumain na? Nanonood na ako ng tv ngayon Pero panay na ang hikab ko, 😊

@malditah

Good morning po Namiss ko ang kape Napakape ang ferson, haha Nagluto lang ako ng almusal ng dalawang bulilit Nagsangag ako ng kanin Kaya kumakain na sila ngayon Pritong isda ulam nila, Pag alis nila maliligo naman ako para makatahi narin ako,

@malditah

Nagkalkal ako ng wallet ko Ang pera pala na ito napamaskuhan pa ng anak ko nung 2018, hindi ko lang talaga ginagastos, yung 20s napamaskuhan nya pa sa batangas nung 2015 na dun kami nila mama nag christmas, malulutong kasi kaya tinago ko lang, haha Pero yung hindi malulutong inilagay ko sa Maagap savings nya,, Kaya sinasabihan nila ako na kuripot mahilig daw ako magtago ng pera, , grabe sila sa akin 🤣🤣

@malditah

Ulam for today Nagluto nanaman ako ng chicken adobo Ulam namin yan mamayang gabi Bumili din kasi ako ng gulay kanina Kaya ang ulam namin ngayong tanghali ginisang gulay na may halong pritong isda Pero hindi pa ako kumakain, inaantok kasi ako Pinauna ko lang ng kain ang mga estudyante ko para makapasok na sila, Nakahiga ako now dahil brownout hindi rin makatulog

@malditah

Lets eat pancit! Birthday po ng pamangkin ko 6mos na ang baby farrah namin, Ang dami kong nakain ng sopas Favorite ko po kasi ang sopas Tapos mainit pa ang sabaw Kaya naka 3 mangkok talaga ako Kumain parin ako ng pansit Hindi na ako makakakain ng hapunan nito Sakit na ng tiyan ko sa sobrang busog eh, hehe Magtitimpla nanalang ako ng gatas mamaya bago matulog, Magandang gabi po sa inyo.

@malditah

Antok na po talaga ako hindi na kaya ang antok Pikit na pikit na ang mata ko Bukas nalang po uli Pagod narin ako Nagcut ako ng 2 blouse bago matulog Para bukas tahi nalang ako ng tahi Mauuna na po ako matulog sa inyo, goodnight guys,

@malditah

Good morning po Breakfast ko po kanina Dahil hindi ako kumain kagabi ng kanin ang aga ko parin ginutom eh Madaling araw pa lang kumakalam na ang sikmura ko sa gutom Lafang na agad si inday pagka gising haha Kayo po nag almusal na ba? Ingat po tayo sa maghapon

@malditah

Assembly Meeting Hindi na ako nakapag kilay nyan nagmamadali na kasi ako 8am kasi ang meeting namin, pero 9am narin siguro nagsimula Ang daming pinag uusapan sa school Lalo na yung R.A 7610 Kaya dapat alam natin ang karapatan ng anak natin . Isa na dun sa paaralan baka hindi natin alam na ang anak natin ay nabubully na at naaabuso na, Or tayo din na mga magulang ay naaabuso na natin ang ating mga anak. Madami pa po ang naging topic tungkol sa RA 7610. May PTA election pa,…

@malditah

May nagpatahi sa akin rush pa, sabi ko busy ako dahil maraming nakapila na tahi, namilit na saglitan ko daw, , tinanggap ko na lang, nung tinanong ako kung magkano daw sabi ko kamote nalang ibayad sa akin, , yan nga binayad sa akin, malaki pa hinlalaki ng paa ko, , masama pa yata ang loob na ang pinabayad ko ay kamote, , hindi naman ito hingi na bigyan ako ng ganito kalalaki, parang pagkain nalang yata ito ng baboy, kakasama din ng loob🙁😞😞

@malditah

Throwback! Namiss ko na pumunta dito Huling punta ko dito nung march Hindi na maganda nung march medyo natutuyo na kasi ang tubig dahil may kumukuha ng buhangin sa baba ng ilog nyan May ginagawa kasing tulay sa ilog na yan Simula noon natutuyo na sya Yang picture ko na yan sobrang lalim pa ng tubig nyan Kaya may balsa pa yan Yung 20ft na stick kulang pa sa sobrang lalim ng tubig bago kami makatawid sa kabila nyan kailangan sumakay sa balsa na yan Pero ngayon hanggang tuhod…

@malditah

Goodmorning po Kagigising ko lang po at nagkakape na ako Nag iinit pa ako ng tubig panligo ko Akoy liligo muna bago manahi Ang sasakit ng katawan ko pag gising Halos ayaw ko talaga bumangon Kaya nagpatanghali ako bumangon eh Nakalaba narin naman ako ng mga uniform ng estudyante ko kahapon Kaya maghapon akong makakatahi ngayong araw, Bye po muna mainit na daw ang tubig ko sabi ng tiya ko Maliligo muna ang mangyan, hehe

@malditah

Tulugan time muna! Brownout kasi kaya pahinga muna ako Paunat unat muna ng likod Sakit kasi sa likod kayuyuko Nababaliw nanaman ang kuryente namin eh Mabuti nalang may solar fan ako kaya may hangin parin ako, hehe Yun nga lang may gusto akong panoorin mamayang 2:30 Sana magkaroon ng kuryente mamaya.

@malditah

Nagfefeeling sexy lang talaga ako dito Sorry naman payatot lang Gusto ko rin naman tumaba pero paano nga ba magpataba, haha Sadyang ayaw lang siguro sa akin ng taba, Kaya kahit kumain ako ng madami hindi talaga ako tumataba Hanggang pangarap nalang talaga siguro ako, haha 26 rin naman ang waistline ko Wala rin nagbago kahit noong wala pa akong anak 26 pa din, Ano po ba ang magandang vitamins para tumaba?

@malditah

Kauuwi ko lang po from church Kumain din po ako agad Gutom na po kasi ako Ngayon po kumakain naman ako ng nilagang kamote May laman pa ang bibig nyan hindi lang halata, hahaha Kayo po ba kumain na? Kain narin po kayo tanghali na po #Happysunday

@malditah

Wala akong maisip icontent Ayaw gumana ng utak ko Ang sama kasi ng pakiramdam ko Naaksidente kasi pamangkin ko Habang nananahi ako kanina may narinig akong ambulance medyo malayo dito sa amin Sa isip ko sino kaya ang naaksidente After half hour pumunta kapatid ko dito sa bahay ayon nga nagkwento sya na yung pamangkin ko ang kinuha ng ambulance malapit kasi sa kanila ang pinangyarihan Duguan nga lang ang ulo Nasemplang kasi motor nya tumalsik sya Lasing siguro yun, Sana…

@malditah

Thanks god at ok naman ang pamangkin ko Hinihintay nalang nila result ng xray nya At pauwi narin sila, Sobrang kaba ko kanina nung nalaman ko na pamangkin ko ang kinuha ng ambulance Tanging nasambit ko lang kanina"Jesus Name" Ang kapatid ko ay sobrang nagpapanic na, sabi ko lang hindi yun pababayaan ni lord magiging ok yun, Tapos nagpray ako na maging ligtas sya At yun nga dininig ni lord ang prayer ko. Thanks to the Lord talaga🙏🙏 Walang imposible talaga sa panalangin

@malditah

Good morning noisemate May bulaklak nanaman ang red rose ko Nag iisang puno lang kasi ito Bigay pa ng kapitbahay ko sabi ko kasi wala akong red Puro pink at white lang ang rose ko Kaya binuhayan nya ako naka paso pa yan nung binigay nya sa akin Ngayon namumulaklak na sya Nakakatuwa lang tignan Pagbukas ko ng pinto yan agad ang nakikita ko, hehe

@malditah

Nakalabas nanaman si bella namin Ang bait nyan kapag nasa labas Hindi sya pumupunta sa malayo Ayaw ko lang sya hayaan sa labas Galit kasi ang aso namin kapag nakikita sya Seloso masyado si mikoy namin Ayaw nyang makita na may iba kaming hayop na hinahawakan, Magandang tanghali po.

@malditah

Monggo kahit hindi friday Request nanaman ng anak ko yan Kaya ayan bumili ako ng 20pesos na monggo sa tindahan Nilaga ko kaagad Yung dahon ng ampalaya hiningi ko lang sa bayaw ko, yung tanim nya kasing ampalaya binabawasan nya ng dahon dahil sobrang lago na pinamimigay nya lang rin naman Kaya humingi narin ako. Pati ako ang dami kong nakain Katatapos ko lang kasi kain Ang mga bata nauna kumain Kaya ngayon tulog na sila. Kamusta po kayo dito? Lakas po ng ulan dito sa amin…

@malditah

Malamig na umaga sa lahat Tara kape po tayo Para mainitan na ang sikmura natin maibsan man lang ang lamig na nararamdaman Umulan kasi kagabi ng malakas Ngayong umaga naman ang ganda na ng sikat ng araw, pero malamig parin ang paligid Paskong pasko na talaga ang panahon. Nagsasaing narin ako ng almusal namin Pagtapos maligo ng mga bata pakakainin ko na sila. Ingat po tayong lahat

@malditah

Ang kalat ng bahay. Negative vibes : NAKAKAPAGOD NA SOBRA Positive vibes : Thank you Lord, makalat ang bahay, magulo etc. It means I have an active family member. Maingay, makulit, malikot na bata. Negative vibes : NAKAKAPAGOD NAAAA, nakakarindi, etc. Positive vibes : Thak you Lord for having an healthy and active kid. Luto, laba, linis. Negative vibes : Nakakapagod na, paulit ulit na routine! Positive vibes : Thank you Lord, I have a family to serve with, I have a roof na…

@malditah

Katatapos ko lang manahi ng blouse Nag ohales narin ako at naglagay ng butones Kaya pahila hilata na muna ako ngayon Napagod nanaman si inday Ichahat ko nalang mamaya yung may ari ng uniform na ito Sa ngayon magnonoise muna ako, haha Habang nanonood ng tv, Kayo po ano pinagkakaabalahan nyo ngayon?

@malditah

Kita ko sa tahi simula nung Sept.21 May kasama pang patulog tulog yan May pagala gala pa hehe Masarap maghanapbuhay kesa magbantay ng buhay ng kapitbahay, haha Kumita na ako naaalagaan ko pa ang anak ko May pang gastos na kaming mag ina May pambayad pa ng tubig at ilaw, More customer pa para pagdating ng Christmas may ipon na ako Nagpplano kasi akong pumunta sa batangas at dun mag new year, pinapupunta kasi kami ng ate ko sa kanila. Sya daw mamasahe sa amin ng anak ko.

@malditah

Magandang umaga po Done na po maglinis ng bahay Pag alis ng mga bata nag simula na ako maglinis ng bahay Nagpalit ako ng mga kurtina at bedsheet Nagtanggal ng agiw, nag mop pa Hays napagod man ako pero malinis naman ang bahay ko, hehe Magpapalaba nalang ako ng mga kurtina st bedsheet ko, hihikain nanaman ako kapag ako pa naglaba eh.

@malditah

Dahil walang dumadaan na isda Kaya wala kaming ulam Nainip ako mag abang sa kalsada Kaya umuwi nalang ako at nagprito ng daing ito nalang muna ang uulamin ngayon Gusto rin naman ito ng anak ko Mapapadami nanaman sya ng kain nito Nagluto na ako kaagad para pagdating nila kakain na sila agad 11:45 pa ang uwian nila eh. Magluluto nalang rin ako ng noodles para may sabaw sila.

@malditah

Meryenda po tayo Kamote at gatas ang meryenda ko ngayon At siguradong mabubusog ako nito Matamis na ang kamote Bigay ng kapitbahay ang kamote na ito Kaya nakalibre na ako ng bili Tag kamote ngayon dito sa amin eh, Bye for now po at akoy lalafang muna, hehe

@malditah

May ayuda ako May nag paani na kasi dito sa amin Kaya nagpagiling na sila May 2 tao na nagbigay sa akin Yung isa 2 kilo yung isang plastic 3 kilo Nakalibre ako ng 5kls Masarap ito at bagong ani Taon taon akong may ayuda sa kanila tuwing bagong ani sila, Salamat talaga sa mga taong nagshashare ng blessing nila😍😘

@malditah

Magandang umaga po Painit muna tayo ng sikmura Mamaya na ako mag almusal Aalis na ang aking mga estudyante Kaya maglilinis narin ako ng mga iniwan nilang kalat Hindi rin ako makakatahi dahil may schedule kami ng brownout ng 8am to 5pm May aayusin daw na poste sa linya namin Kaya maghapon nanaman kami walang power.

@malditah

May bisita ako nakahiga sa kama ko Pumunta silang mag ina dito sa bahay Inilapag sya ng kapatid ko jan sa kama Tahimik naman sya Sanay yan sya sa kanila na iniiwan lang ng kapatid ko sa kama nila Hindi pa kasi marunong dumapa yan kaya Safe pa syang iiwan mag isa, Nilalaro laro nya lang yang paa nya Kapag nagutom na sya iiyak na yan sya, hehe

@malditah

Idaan sa selfie ang masamang pakiramdam Napagod na sa kapapanahi Kaya hindi na mawari kung ano na talaga ang nararamdaman Ipapahinga ko lang ito magiging ok din itong pakiramdam ko Maglalaba pa naman sana ako ng mga uniform ng mga bata Mamaya nalang siguro ako maglalaba kpg maayos na pakiramdam ko Ang sasakit kasi ng katawan ko. Para akong ttrangkasuhin na ewan,

@malditah

Nakapaglaba din po ako Kinilos ko parin ang sama ng pakiramdam ko Kaya ngayon pahiga higa narin ako Sarap nanaman sa pakiramdam na wala ng iisiping labahin Binabantayan ko nalang at makulimlim dito sa amin,parang uulan mamayang gabi Ito na ba ang low pressure? Ingat po tayong lahat

@malditah

Ulam po namin ngayon, Katatapos ko lang po kumain Ang mga bata hanggang ngayon hindi pa tapos kumain Crab kasi ulam nila, gulay naman ang akin Kaya nahuli sila matapos Ang tagal kasi mag himay ng ulam nila eh Ang sarap naman ng kain ko sa gulay hehe Luto ng tita ko ang gulay Mahilig sya sa papaya, Kayo po ba kumain na?

@malditah

Ngiti padin kahit hindi kagandahan ang pakiramdam Ok lang yan, tiwala parin yan kay God Si god na ang bahala sa lahat❤ Walang imposible sa kanya basta buo ang paniniwala na sya ang ating pinaka magaling na doctor sa lahat, 🙏 Matutulog na po ako Antok narin po ako Nakaidlip na kasi ako kanina biglang nangati lalamunan ko kaya bumangon ako para uminom ng tubig Goodnight na po

@malditah

Sino po ang nakakaalam hindi ko po kasi maopen ang wallet ko Ikot lang ng ikot Nilogout ko narin ng ilang beses ganyan parin sya 4 days ng ganyan po ang wallet ko Baka po may nakakaalam sa inyo kung ano po ang dapat gawin jan Salamat po

@malditah

Meryenda po tayo Kamote ulit, mainit init pa Naglaga ako pagkagising ko Wala kasi ako maisip na meryenda Binigyan ako ng kapatid ko ng kamote Kaya ayan nilaga ko, Mas masarap pa ito sa tinapay Busolve nanaman ako nito Tamang tama ito sa maulan na panahon Kaya nagkape narin ako.

@malditah

Nagluluto ako ng ulam namin Binilhan kami ni kuya ko ng 1 kilong tocino at 1 kilong longganisa Binisita nya kasi ang anak nya dito sa bahay Sa martes daw sya babalik sa trabaho nya Ayan luto po muna ako Sa gasul ko na niluto Tinatamad kasi ako magpadikit sa uling, hehe Magandang tanghali na po.

@malditah

Goodmorning everyone Kamusta ang morning nyo po Busy na ba ang lahat? Ako po ay nagbabantay ng sinampay Pasilip silip lang kasi si haring araw Kaya hindi parin nawawala ang dilim ng paligid Baka bigla bumuhos ang ulan Mabuti nalang at brownout hindi rin ako makapanahi Ang dami ko pa naman tahiin Washable pads at washable pantyliner Dumating nung isang araw from Manila Binuksan ko kahapon Nagtahi lang ako ang konti Nagpahinga rin ako Inuubo at sinisipon kasi ako Kaya kapag…

@malditah

Kain po tayo Sinigang na baboy at longganisa ulam ko Ang dami kong nakain Sinigang lang naman ang inulam ko Sabaw lang ulam na Busog na busog talaga ako Pero after ko kumain naglaga pa ako ng kamote, meryenda nanaman namin mamaya Oh diba meryenda na kaagad ang inisip, haha Matutulog po kasi ako para pag gising ko meryenda na kaagad, hehe

@malditah

Okay na ako sa buhay ko Hindi man ako palaging masaya Palagi naman akong maganda, charot lang Overtime lang si inday naghugot na haha Kumain na ba kayo kaingay? Ako po katatapos lang Nanunood narin ako ng tv Syempre pahinga narin ako sa tahi ko muna Bukas naman ulit Magandang gabi po sa lahat.

@malditah

Magandang hapon po kaingay Maaga pa ako kanina nagpalit ng mga sinulid ng aking overlock May irerepair kasi akong polo shirt 5pcs uniform daw nila 2xl kasi ang binigay sa kanya yun lang daw kasi ang available size Pero ang size nya Large lang Kaya ayun nirecut ko para maging large yung 2xl, Ang masama pa nalagot yung isang sinulid kaya nastress ako, Halos half hour ko inayos para matension ko ng maayos, ang pangit kasi ng daan ng tahi. So ayun naayos ko naman sya, hehe

@malditah

Ayan nga natapos ko ng half day ang nirepair kong 5pcs na polo shirt Pinaabangan ko sa anak ko sa kalsada para ibigay sa teacher, asawa kasi ng teacher ang nagpatahi nyan sa akin, hindi ko lng pinadala sa anak ko pagpasok nya knina dahil mabigat na ang bag nya sa mga gamit nya, 50 each nga lang singil ko jan Pinaliitan ko yan ginawa kong large ang 2xl Kaya may 250 din ako sa half day ko, hehe Magandang gabi po sa lahat,

@malditah

Goodmorning noisemates! Workmode! Ayan mag gugupit gupit na muna ako ng gilid ng aking washable liner para mabaliktad ko na ang mga ito Kailangan ko itong tapusin bago magkatapusan para maipadala ko na sa trucking pabalik ng manila 150 pcs kasi ito Yung washable pads ko 90pcs Medyo madami dami pa ito Pero sana matapos, hehe

@malditah

Dinner time! Kainan na po Pork nilaga po ulam namin Nagluto ang pinsan ko Sabaw at gulay lang ang kinuha ko Naumay na kasi ako sa karne Ilang araw narin kasi kaming puro karne ang ulam Bukas mag gugulay naman kami Para maiba naman po, hehe Magandang gabi po sa lahat!

@malditah

Magandang gabi po kanoise Ayan nagselfie nanaman kami ng anak ko Wala syang topak eh Kaya pagsabi kong picture kami lapit kaagad sya Hindi ko nga lng kamukha ang anak ko Mana sa ama eh haha Ok lang yun matalino naman mana sa akin🤣 Matutulog na po kami kaingay Goodnight po sa inyong lahat.

@malditah

Banana! Binigyan ako ng kapatid ko kahapon ng saging Pinatiba nya ang asawa nya kahapon Yan yung binigay sa akin 2 buwig Yung isang buwig seniorita daw yan kaya maliliit Ang dami nanaman kasi bunga ang mga saging nila Kaya nabigyan nanaman ako Ang sarap nito kapag nahinog na lahat Isasabit ko nanaman yan sa bubong namin Kaya may titingalain naman ako kapag hinog na yan, hehe Goodmorning po

@malditah

Busy ang ferson Kahit anong busy natin wag parin natin kalimutan ang magselfie, haha Ito nalang ang nagiging libangan eh Tahi nanaman ang ferson Nakatulog naman ako Pagka gising ko nagmeryenda lang ako Ito nanaman upo sa makina hanggang mamayang gabi Tita ko na ang nagluluto Kaya wala na akong problema sa pagluluto. Magandang hapon po

@malditah

Kain po tayo Gulay at pritong isda po ang ulam namin Namiss ko ang gulay eh Yung pritong isda hindi po ako kumakain nyan Gustong gusto ko na kumurot eh pero talagang bawal Sa tuwing kakain po kasi ako nyan nahihilo talaga ako Kaya simula nun never na ako tumikim nyan Mahirap na kapag kinain ang bawal ako din ang mahihirapan, Mga bata lang kumain nyan Basta ako solve na sa gulay, hehe Kain na din po kayo.

@malditah

Nanood ako ng Darna Hindi pa tapos pinapanood namin tinulugan na ako ng anak ko at pamangkin Sa upuan sila natulog kya ginising ko nalang at pinalipat sa kwarto Syempre tinapos ko ang darna Ganda kasi eh, hehe Dito narin ako sa kwarto at ang sarap na nga ng tulog ng dalawang bata Wala naman silang pasok bukas kaya hindi ko sila gigisingin ng maaga para makabawi ng tulog. Goodnight na po kanoise

@malditah

Nagclaim ako sa gcash ni @Bert1317 Ang sarap mag jollibee sana, haha Kaya lang pambayad yan sa utang ni kuya ko May utang kasi sya sa tindahan na 2 case ng mucho Kaya pinadalhan nya ng pambayad Ang mga manginginom talaga hindi nanghihinayang sa pera Yung mga kainuman naman panay kantyaw sa kuya ko kaya pinainom sila, hahaha Uto uto din eh

@malditah

Magandang hapon na po Meryenda po tayo Nagutom po kasi ako Nanahi ako ng palda 12pm ako mag start pagtapos ko mananghalian Ayon nakatapos ako ng 2pcs ng 3pm Kaya may 370 agad ako Parelax relax din muna ako Kaya umupo ako at kumain ng kamote Tinimplahan ako ng anak ko ng kape Ang sarap sa feeling, hehe Tara po meryenda tayo

@malditah

Kain po tayo Nag sigang ako ng sapsap Favorite ko po kasi talaga ang sapsap Kahit matinik ito sarap na sarap parin ako dito Kaya tuwing may naglalako nito dito bumibili talaga ako eh Kahit sa palengke ito lagi ang hinahanap ko Kaya tuwang tuwa ako kapag nakakakita ako ng sapsap na ito Favorite din ng anak ko ito Sya nga ang nagsabi na sabawan ko eh. Magandang gabi po

@malditah

Sample ng aking mga tahi Tuwing nagpopost ako sa fb ko ng mga tahi ko may mga nagppm Pwede daw patingin lahat ng sample Ito po ang sinesend ko Sa ngayon po kasi ito nalang ang available design nmin Ang dami na po nakatry gumamit nito At talagang nagandahan silang gamitin Nakakatipid na nga po kasi at siguradong safe pa gamitin, Yung sa akin po kasi gamit na gamit ko na talaga, hehe, laking tipid ko talaga.

@malditah

Good morning po kaingay Ayan hinog na ang saging ko Kahit maliliit lang sya matamis naman Isang subo nga lang ang isang piraso sa sobrang liliit eh Pero ayos lang yan bigay lang naman eh Hinihintay ko pa yung isang buwig ko na malalaki Yun ang matataba talaga Libre nanaman ang saging namin,

@malditah

May nagbilad ng palay sa kalsada Sana all may binibilad Tag ani na talaga dito sa amin Ang dami ng nagpapaani eh Kaya ang dami ng nagbibilad sa kalsada Sana wag muna umulan para matuyo mga binilad nilang palay Medyo kumukulimlim kasi dito eh Kapag biglang bagsak ng ulan baka maging lugaw ang palay nila sa kalsada Sayang ang bilad, hehe

@malditah

Nagpalaba ako sa asawa ng pinsan ko Tinulungan ko lang sya magsampay Ayan bigla ko din sya pinasok sa loob dahil bigla umulan Ang ganda pa ng sikat ng araw kanina, biglang kulimlim, sabay bagsak ang ulan At ang lakas pa ng ulan Sana nakapinaw na ng mga binilad yung mga nagbilad ng palay sa kalsada Dahil kung hindi pa naku kawawa naman, Ang panahon natin ngayon hindi maintindihan eh, Ang ganda ng init sa umaga Pagdating ng tanghali bubuhos ang ulan.

@malditah

Pahapon na pero may blessing parin na dumating, May nagpasukat na estudyante 2 sila magkapatid Yung isa junior high at yung isa senior high Hindi ko man kilala itong mga bata na ito at ang layo pa ng pinanggalingan Sa akin lang kasi ang may tela ng uniform ng high school dito Wala na silang mabili sa bayan Pero ako may stock pa 2 bundle Kaya sa akin lahat nagpapatahi yung mga wala pang uniform At yan nag down agad sya ng 1k 3pcs kasi ang pinatahi nila Kaya 500 nalang ang…

@malditah

Pagod na si inday Kaya tumayo narin ako sa makina para magpahinga, antok narin pati ako Nakahiga na po ako ngayon at ready to sleep narin po, Bukas po magsisimba pa ako Araw nanaman ng linggo Kahit anong busy natin kailangan parin natin magbigay ng oras sa ating panginoon Monday to Saturday na nga ang binigay nya sa atin para magtrabaho Yung sunday ibigay naman po natin kay lord Araw po natin kasi yun para sa kanya Bilang pasasalamat sa kanya sa loob ng 6 days tayo ay…

@malditah

Magandang hapon po Nasa church po ako nyan kanina Nakauwi ako ng 11:30 Kaya pagdating ko kumain lang ako ng tanghalian Tapos nilabas ko ang sinampay ko Bigla naman umambon kaya ipinasok ko din agad, nakakapagod lang talaga ang ulan na ito Masama talaga ang panahon ngayon. Kamusta po kayo dito? Nakapagsimba na po ba kayo? Happy sunday to all.

@malditah

Siomai love❤ Meryenda ko po yan Sobrang ginutom po ako Nagcut po kasi ako ng 4pcs na palda at 1 blouse After ko umupo na ako sa makina Kukunin kasi ito bukas ng hapon Kaya sinisimulan ko ng tahiin Ang hirap din kapag nagrurush eh Laging nagmamadali Pero keri naman po, Ayan kain po muna ako nito, hehe

@malditah

Pagod na si inday Kaya pahinga na muna Kumain narin po ako Sa ngayon po nanunood na ako ng tv Yung happy toGether si john Lloyd cruz Ito kasi pinapanood ng anak ko tuwing linggo at yung Running man Pagdating ng kmjs takot na sya May kakatakutan daw kasi haha Kaya kahit gusto nyang manood ng kmjs papatayin nya nalang ang tv kapag hindi ko sya sinamahan manood Hindi ko na kasi kaya ang antok kapag pinatapos ko yung kmjs, kaya ayaw ko ng simulan, hahaha

@malditah

Pinost ko ito sa fb ko May nagpasukat kasi dito kanina Ang sabi nila ang tagal na daw nilang naghahanap ng mabiling uniform na ganito Wala silang mabiling tela kahit saan Yun pala dito lang sa akin ang mayroon Kung hindi pa daw sila nagtanong sa isang taga dito sa amin na estudyante Tinanong daw nila kung saan nagpatahi Sabi nga dito sa amin Kaya kahit malayo ang bahay nila dito sa amin ayun sumugod sila Bale 4pcs nanaman ang sinukatan ko kanina Matagal na daw sana sila…

@malditah

Good morning noise.app Papasok na ang aking estudyante Anak ko yung may yellow na portfolio Pamangkin ko yung dalawa Yung girl sa akin din nakatira yan Ang mama kasi nyan nasa hongkong Ang papa nya naman nagttrabaho Kaya pinatransfer dito sa akin Ako na ang guardian nya Yung pamangkin kong boy sa akin din yan iniiwan dati sa araw nagttrabaho din kasi ang mama nya, ngayon hindi na at may baby sila kaya nagresign na ang mama nya dahil wala ng mag aalaga sa baby nila So ayun…

@malditah

Lunch time! Kain po muna tayo Gutom na po kasi ang mananahi, haha Nag aalburoto na ang tiyan ko eh Nagluto ang ante ko ng paa ng manok at paksiw na isda Kaya ayan lafangan na Favorite ko po kasi ang paa eh, Bye po muna

@malditah

Pahinga na muna si inday Dami ng pagod eh sa maghapon na pananahi Bukas na ulit, sa ngayon nanunood naman ako ng tv maka relax relax man lang, haha Pero maya maya lang kakain narin kami ng hapunan Ang mga bata pala busog na Birthday kasi ng kalaro nila kaya ininvite sila na kumain dun, kaya sabi ng anak ko busog na daw sila hindi na daw sya kakain ng hapunan Ako nalang pala ang kakain ,

@malditah

Magandang morning everyone! Ayan nagluto na po ako ng ulam namin para sa lunch para hindi na ako magluto mamaya kapag nakasimula na ako manahi Habang may uling pa ang kalan Nagpadikit kasi ako kanina ng uling Nag init ako ng tubig panligo eh Nanghihinayang ako sa gasul mag init ng tubig Kaya nagtitiyaga ako magpadikit ng apoy sa uling, Ang mahal kasi ng gas, nung april ko pa binili ang laman ng gasul namin hanggang ngayon may laman Panluto ko lang kasi ito ng ulam at pang…

@malditah

Sa 20 years ko ng mananahi ito parin ang ayaw kong gawin ang pag oohales Ewan ko ba ayaw na ayaw ko talaga ito gawin, pero simula nung nawala ang mama ko napilitan na akong gawin itong pag oohales Wala na kasi akong taga ohales Nung nabubuhay pa ang mama ko sya talaga nag oohales ng mga blouse na tinatahi ko Dahil wala na sya kaya napilitan na ako gawin ito Namimiss ko na ang mama ko Ang daming nagbago simula nung nawala sya😢😢

@malditah

Hapon nanaman oras na ng pahinga Tumigil na po ako sa pananahi Quota narin naman ako naka 500 narin Kaya pahila hilata na muna syempre Dami rin pagod ang mangyan eh,hehe Dotdot muna ako ng cellphone para kahit papaano may kita parin kahit nakahiga Ang saya diba kahit pagod,haha Umulan nga po pala dito sa amin kanina Pero ngayon wala narin Masama nanaman kasi ang panahon May bagyo po ba tayo?

@malditah

Ready to sleep na po si inday Hindi ko na tinapos yung Darna Sobrang antok na po kasi ako Hindi po ako nakatulog kaninang tanghali Dahil sa daming tahiin Kaya maaga pa ako inantok ngayon Mauuna na po ako matulog sa inyo, ingat po kayong lahat Goodnight po

@malditah

Morning good guys Kape po tayo, masakit ulo ko pag gising parang pumipitik pitik ang sintido ko Kaya ayan magkakape nalang muna ako Siguro dahil nagising ako ng 2am nangati kasi lalamunan ko, nilagyan ko kaagad ng vicks Mabuti nalang to the rescue ang vicks ko na lagi kong katabi, haha Ayon nawala naman ang pangangati Pero hindi agad ako nakatulog kulang siguro ako sa tulog kaya sumakit ulo ko Tapos ang aga ko pa gumising para magluto ng almusal ng aking estudyante. Ingat…

@malditah

Work work work Yung busy ka pero hindi mo maiwasan ang sumilip dito Natutukso kasi ako lalo na nagnonotif ang wallet ko, ay ang saya saya diba🤣 Hala padaan muna si inday Bagong ligo na yan haha Makulimlim na kasi dito kaya naligo na ako baka bigla umulan mamaya hindi na ako makaligo dahil malamig, haha

@malditah

One year ago Nung panahong wala pa masyadong problema Panahong kasama ko pa ang mama ko Panahong masaya pa ako Ngayon kasi kahit busy ako sa trabaho kapag naiisip ko ang mama ko bigla nalang tumutulo ang luha ko Parang may kulang na sa akin simula nung nawala sya Nagpapakatatag nalang ako para sa anak ko Iba kasi talaga kapag may magulang pa Ulila na talaga ako, Yung papa ko nga 3 months pa lang ako nung mamatay yun Mama ko nalang ang nakasama ko Kaya sobrang lungkot parin…

@malditah

Pancit canton! Yan po inulam namin kanina Wala po kasi akong maisip na iulam Kaya bumili ang anak ko ng 2 pirasong extra big Konti lang rin ang kinain ko at sobrang anghang Madali ako nabusog dahil inom ako ng inom ng tubig Pero sya baliwala ang anghang Sya pa nga ang nakaubos Ang hilig kasi nito sa maanghang Binabawalan ko din minsan ang bata pa nya para sa sobrang anghang, Kamusta po kayo?

@malditah

Goodmorning everyone Natuwa ako pag gising ko Hinog na yung saging na pinahinog ko 1 week syang nakasabit sa bubong At sa wakas nahinog narin May pang himagas nanaman kami nito Nakalibre nanaman ng bili 50pesos kasi ang kilo nito dito kung bibilhin Ilang araw din namin itong kakainin Inuulam ko pa nga ito, hehe

@malditah

Now vs old photo trend Try nyo po sa Capcut apps Download po kayo ng apps na yun Kapag meron na po kayong Capcut search nyo sa template yung Babyface, then click nyo lang po yun, tapos Use template ayun maglalagay na po kayo ng picture nyo, tapos export nyo na po, magsasave na po yun sa gallery nyo. Nakakatuwa lang kaya nakiuso din ako, haha

@malditah

Breakfast pa lang po ako Nagluto pa po kasi ako Papaya at saluyot nanaman po ang gulay ko Nag sungkit lang naman ako sa puno namin ng papaya Buhay probinsya talaga may mga tanim ka lang mabubuhay ka na Kailangan din talaga masipag magtanim, hehe Kain po muna ako ha,

@malditah

Ayan dito ako sa barangay hall ngayon Nag attend ako ng FDS sa 4ps Sa wakas face to face narin ang fds namin Mas masaya kasi kapag face to face Natigil kasi ang fds face to face simula nung pandemic Ngayon lang naulit mag face to face Nung pandemic kasi ang fds namin on air lang Mabuti nalang maayos na ngayon at face to face na,

@malditah

Gupit gupit nanaman ako ng gilid ng aking pantyliner, Ang purpose po nyan para kapag binaliktad na sya magkaroon ng shape Kapag wala po kasing gupit mga gilid nyan ang pangit ng shape kapag may topstitch na sya, Kaya kahit matagal gawin ito pinagtitiyagaan ko talaga para maganda ang finish nya, hehe Katatapos ko nga lang po pala kumain Nagutom po kasi ako pagka galing ko sa barangay hall After ko kumain binalikan ko nanaman itong trabaho ko, Magandang gabi po

@malditah

Tuwang tuwa ang anak ko pagdating nya galing sa school Sa labas pa lang ng bahay sumisigaw na sya, Sya:mama mama..... Me:bakit? Sya:may bente ako Me:saan galing yan? Sya:kay sir po Me:bakit ka nya binigyan ng bente? Sya:Kasi po perfect ako sa exam 40/40 po ako mama, Me:wow may regalo pala si sir nyo kapag perfect kayo Sya:opo mama, Ang babaw ng kaligayahan ng anak ko eh, hehe Congrats anak galingan pa ulit, Hindi pa daw nacheckan iba nilang exam.

@malditah

Goodmorning po Ang aga umulan eh hindi tuloy ako makapaglaba nito Bukas nalang siguro magpapalaba nanaman ako Ang lamig ng panahon eh Kasing lamig ng relasyon namin hahaha Ingat po tayo kay paeng Ramdam na ramdam na natin si paeng eh Mag uundas na may bagyo.

@malditah

Lunch time! Kain po tayo adobong sitaw ang niluto ko May naglako kanina nung lumabas ako Kaya bumili na ako sakto wala akong maisip na ulam Kaya ayan gusto naman ng anak ko yan Kayo po ano po ang naisip nyong iulam? Maulan din po ba sa inyo? Ang sarap matulog nito after kumain hehe Kain na din po kayo😋

@malditah

Yung nanunood ako ng return to paradise Biglang nilipat ng anak ko ang channel Ay naloka naman talaga ako eh Kapag wala talagang pasok hindi ako makapanood ng tv ng maayos Nanghihinayang naman ako sa kuryente kung magbubukas pa ako ng tv sa kwarto Ay jusko patawarin ang anak ko na ito Maiinis ka nalang talaga, haha

@malditah

Nagutom ako bigla Kaya naisipan ko magtimpla ng gatas Maya maya pa po kasi kami kakain Para maibsan ang gutom ko sinamahan ko narin ng saging, hehe Sobrang dilim na po pero 6pm pa lang Dati ang 6pm maliwanag pa Mahaba na talaga ang gabi ngayon.

@malditah

Naka pwesto na yan Nanunood na ng Darna yan eh Basta kapag Darna na focus na yan sa panunood Bawal yan istorbohin Digmaan talaga kapag naistorbo haha Ang ganda kasi ng Darna eh Sino po ba ang nanunood sa inyo ng darna? Sabay sabay na tayong manood After naman nito matutulog narin ako Dami ko narin antok at pagod eh😊

@malditah

Bagyong umaga sa lahat Ang lakas na po ng ulan dito sa amin Signal no.2 na kami Mabuti nalang at ulan lang Wag na nga sana humangin ng malakas Nakakatakot na kasi kapag may hangin eh Mag iingat po tayong lahat Lalo na ung may mga signal no.3 Wag narin sana umulan ng malakas

@malditah

My breakfast! Sa sobrang lakas ng ulan noodles with egg ang niluto ko Ang sarap humigop ng sabaw ngayon eh Ang lamig kasi Grabe po ang lakas ng ulan dito sa amin ngayon Ang dilim dilim pa ng paligid Nagbrownout na nga dito sa amin dahil may mga puno na daw na natumba Sa powerbank nalang kami nagcharge ng cp Kung kailan naman maibabalik ang power namin nito Mangangapa kami sa dilim nito mamaya Lowbat na ang solar ko eh. Sana naman tumigil narin ang ulan Sobrang lakas po…

@malditah

Grabe parin ang lakas ng ulan sinasabayan narin ng hangin, ramdam na ramdam ko na ang signal no.2 ni paeng Hindi na kami makabukas ng bintana at pinto Pumapasok kasi ang ulan Kaya mukmok kami sa loob ng bahay Sabayan pa ng brownout Ibabalik daw ang power supply namin kapag maayos na ang panahon Pansamantalang shitnotdown ng aming power provider para maiwasan ang sakuna Grabe talagang ulan at hangin na ito Umiikot na eh, Lord tama na po, ingatan mo po ang bawat isa sa amin🙏🙏

@malditah

Magandang gabi po sa lahat After 2 days nagka signal din ang Dito sim Ang pangit kabonding ni Dito kapag walang power wala din signal Until now wala parin kaming power mabuti nalang at may signal na Byernes pa lang ng gabi wala na kaming power Hanggang ngayon nangngapa parin kami sa dilim Kain po tayo, Dinner with candle light tuloy kami Ginisang ampalay with pork tapos nagprito narin ako ng porckchop, Namiss ko po kayo dito Kamusta po kayo?