read.cash Log in

@malditah

Joined 9 September 2022 · 305 posts

I'm Lyn08, Single mom😍

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@malditah

Saging! Bigay lang yan po sa akin Alam nya kasi na mahilig ako sa saging Kaya isang buwig talaga ang binigay sa akin Pahihinugin ko nalang yan May pang sahog ako sa bilo bilo sa pasko Birthday ng mama ko yun eh Sayang nga lang at wala sya,

@malditah

Lunch po namin Bumili ako ng gulay at ito daw ang gustong ulam ng anak ko Pagkaluto ko pinakain ko agad sila Nilagyan ko lang ng daing yan para malasa Ang dami nilang kain Namiss nya rin ang gulay Kayo po ano ulam nyo? Kain narin po kayo

@malditah

Flex ko lang ang dress ko Bili yan ni @Bert1317 nung lumuwas sya Ang ganda ng dress na ito Sa halagang 170pesos May pang simba na ako 2piraso yang binili nya Salamat te @Bert1317😍

@malditah

Magandang gabi po Kamusta po kayo? Busy po ako maghapon, kailangan ko po kasi matapos ang tahiin ko bago magpasko Para maka relax naman na walang iniisip na tahiin, haha Konting konti nalang matatapos na ako Wag lang may dumagdag, Para sa january na ulit ako manahi Jusko kailangan kong mag ipon ng madaming lakas, akoy sinusumpong pa ng hika ko,😃

@malditah

Kagabi yarn Happy ang mga bata naka gala na sila sa pailaw ni mayor sa plaza ng bayan namin Sa pasko daw babalik kami para makagala ulit sila, Sobrang pagod nila kagabi Kaya ang bilis nila makatulog Pati ako napasarap ng tulog Tinanghali narin ako gumising kanina Nataranta ako bumangon pagkakita ko na 5:40 na, haha

@malditah

Kagabi yarn Happy ang mga bata naka gala na sila sa pailaw ni mayor sa plaza ng bayan namin Sa pasko daw babalik kami para makagala ulit sila, Sobrang pagod nila kagabi Kaya ang bilis nila makatulog Pati ako napasarap ng tulog Tinanghali narin ako gumising kanina Nataranta ako bumangon pagkakita ko na 5:40 na, haha

@malditah

Magandang gabi po Gumala kami sa bayan Umalis kmi ng bahay ng 2:30 Namili kc ako ng pang christmas party ng mga bata Nag grocery narin After namin mamili sa sobrang daming tao gabi na kmi nakalabas sa grocery Ayan dumaan kami sa plaza Nagpicture picture kami sa pailaw ni mayor, Hindi ko lang maupload lahat at mahina ang net ko, Bukas ko uupload yung iba

@malditah

Good morning, now lang nakasilip dito Katatapos ko lang po kasi maglaba Ang dami ko rin po kasi nilabhan Mga uniform, Ang masama pa umuulan Ay naku gagala pa naman kami mamaya Ang kj ni ulan ha, hahaha Mamimili ako pang christmas party ng anak ko Pati sa pamangkin ko, Sa 15 na kc christmas party nila.

@malditah

Congrats sa anak ko With honors(92%) Nag released ng card kanina Kaya happy sya dahil mataas daw grade nya Magjojolibee daw kmi, haha Pangako ko kasi sa kanilang tatlo kapag may honor sila magjojolibee kami At ginalingan nga nilang tatlo May honor sila, Proud ako sa kanila Proud mama here Rank 1 ang anak ko👏👏

@malditah

Monggo w/sotanghon Ito ang niluto ko ngayon para sa tanghalian Request ng anak ko ito Gusto nya daw kasi ng monggo at sotanghon Bilin nya agad kanina bago sya pumasok Kaya ayan nakaluto na ako, Kumain din ako, almusal ko pa lang ito, hehe Hinihika ako ngayon eh.

@malditah

Chicken adobo! Kain na po tayo, yan po ang niluto ko kanina Namiss ko nanaman ang adobo eh Hindi ako masyadong busy kanina kaya nakapagluto ako ng maaga Kayo po anong dinner nyo? Magandang gabi po.

@malditah

Ang anak kong mahal na mahal ang aso nya Kapag nakakawala sa tali yan at hindi nya agad nakita ang iyak nya ng todo. Mahal din sya ng aso nya Niloloko ko ang aso nya pinapalo ko ng hanger ang anak ko, galit na galit ang aso nya sa akin. Nung maliit pa nga yang aso nya Pinalo ng pamangkin ko ang anak ko Sinugod ng aso na yan ang pamangkin ko Kakagatin nya talaga ang pamangkin ko Sobrang mahal kasi ng anak ko ang aso nya Araw araw nya kalaro yan Hinahalikan nya pa yan.

@malditah

Nagpaorder ng shoes ang anak ko sa shopee Nawindang ako sa pinili nya Mabuti na nga lang at free shipping Pang Christmas party nya daw Sa 16 na kasi christmas party nila Marunong na pumili ng susuotin ang anak ko May inorder pa akong damit nya hindi pa dumadating, lazada naman yun. Pantalon pa ang bibilhin ko sa kanya, sa bayan nalang ako bibili para mafit nya, ,

@malditah

Yung manok na nilagay sa sopas kahapon na niluto ng bayaw ko kulay itim ang karne, Ang tawag nila sa manok na yan ay ulikba Parang native lang din sya pero yung kulay nya talaga kulay itim Kaya kahapon puro meat ang natira sa bowl Ayaw ng mga bata, manok daw ng aswang Natatakot silang kainin, haha Dapat pala adobo lang ang luto sa ulikbang manok na ito para hindi makita na itim ang meat nya🤣🤣

@malditah

Maagang pamasko May nagsend sa gcash ko ng christmas gift Hindi ko man sya kadugo pero tinuturing nya akong hindi ibang tao Nung namatay din mama ko 3k binigay nya sa akin, Kaya sobrang pasalamat ko talaga dahil may pambili na ako na pang christmas party ng anak ko, May mga tao talagang tinuturing kang kadugo kahit hindi mo naman kaano ano Pero may mga kamag anak naman tayo na tinuturing tayo na ibang tao, hehe May hugot pa eh🤣 #christmasgift

@malditah

Late post! Kagabi pa po yan 8 months kasi ng pamangkin ko kaya nagluto ang bayaw ko Pumunta kmi dun kaya hindi na kami naghapunan Sa sobrang busog namin Ang dami namin nakain eh, hehe Good morning po Kamusta po kayo dito?

@malditah

Ayan nakauwi na po ako galing Barangay hall Tapos na ako mag painterview sa 4ps Ang aga kong nakauwi ako ang nauna sa pila eh para sa SWDI Pagdating ko naman ng bahay brownout pa Kaya tambay mode si ako Hindi rin makatahi, Hay buhay araw araw brownout.

@malditah

Pag uwi ng anak ko pinakita nya sa akin ang quiz nila , unang nagcheck daw nyan classmate nya kaya may mali syang isa Nung chineck daw ng teacher nila tama naman daw yung minalian ng classmate nya Sya lang daw ang naka perfect Tapos pinalakpakan daw sya ng guro at mga classmate nya, Science subject yan eh.

@malditah

Saging! Binili ko kanina para may pang himagas kami 40pesos ang kilo kaya bumili ako ng 1 kilo Sa kapitbahay ko na may tindahan ko binili Kamusta po kayo dito? Now lang ako nakasilip dito sa sobrang busy halos hindi na makahawak ng cp Ang dami ko pa kasi talagang tahi Kaya til now nananahi parin ako Bukas aalis nanaman ako Pinatatawag kami sa brgy para sa 4ps namin Nandon kasi bukas ang aming Municipal Link SWDI namin bukas, Hindi naman ako makatahi bukas.

@malditah

Pagtapos ko ng pantyliner kanina Ito naman ang tinahi ko 3pcs palda at 1 pc blouse Grabe ang mga customer ko kapag nagpatahi kuha agad, napaka rush talaga Dahil hindi na daw pinapapasok ng guard ang mga hindi naka uniform Utos daw ng principal Halos tanggihan ko na, ang hirap kasi manahi ng rush, Pero no choice eh, naaawa din ako sa mga estudyante na aabsent dahil walang uniform Bukas 2pcs blouse at 4pcs palda naman ang tatahiin ko, More lakas lang ang aking hiling Para makatapos ng tahiin.

@malditah

Sobrang busy si inday kaya now lang nakasilip dito May tinapos akong pantyliner At bukas ipapadala ko sa trucking pauwi na ng Manila, Ang dami ko nanaman pagod ngayong araw Ok lang ang pagod para may pambiling pang christmas party ang anak ko, 1500 din bayad nyan eh, Masaya parin, hehe

@malditah

Yung pag open ko ng noisecash ito agad bumungad sa akin Wala na talagang pag asa Wala talagang forever sa mundo, Nakakalungkot man isipin pero kailangan ko na yatang mag move on haha Goodmorning po Gising na po ba ang lahat Ako po kanina pa gising Pero nasa higaan parin ang lamig kasi kaya halos ayaw ko bumangon,

@malditah

Time to sleep na Grabe na ang pagod at antok Nagsama na talaga, kaya hindi na mapigilan ang mata na pumikit Mauuna na po ako matulog, Goodnight na po para gising nanaman ng maaga bukas.

@malditah

Haggard na si inday Gabi na nakaharap parin sa makina Yung ang dami kong tahiin hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko tahiin Halos sabay sabay na pumupunta ang customer ko dito sa bahay para magpatahi Sobrang nakakapagod kapag may mga rush na tahi,

@malditah

Late almusal Tinapa at monggo na tira kagabi Pag gising ko kasi nagwalis na ako sa paligid ng bahay ang lakas ng hangin kaya ang daming kalat, sinunog ko agad ang mga winalis Naglaba din ako pagtapos ko walis Kaya late na talaga ang almusal Ang dani ng pagod maaga pa lang, haha

@malditah

Kain po Nagluto ako ng monggo ang tagal narin nung huling nagluto ako nito Request ng anak ko na mag monggo kami Kapag nagluluto ako nito palagi ito nagpapapak Mahilig kasi sya sa gulay Kaya madami sya nakakain kapag gulay ang ulam namin, Kayo po anong ulam nyo?

@malditah

Ay naku naka tatlong patay na ang ilaw namin Patay sindi na talaga Ay grabe na hindi pa ako nakakatahi ngayong araw Sa dami ko pang tahiin paano ako makakabakasyon nito sa batangas Kapag ganito nman ang kuryente namin Wala na akong matatapos na tahiin.

@malditah

Ang aga kong ginutom Kaya kakain na muna ako Mabuti may natirang ulam ang dalawang bata Ito nalang ang uulamin ko Sana may dumaang isda mamaya Parang ang sarap kasi ng sinigang na isda ngayon, Lalo na malamig ang panahon Amihan na sa probinsya,

@malditah

Kain na po Ihaw ihaw nanaman Yan kasi gusto ng anak ko ulamin Kaya pinabili ko sila Lalong tataba ang dalawang bata na ito Kapag araw araw gusto nila ang ulam ang dami nilang kain Magandang gabi po.

@malditah

May nanghiram sa akin nung Nov.20 Sabi nya ibabalik din daw in 2 days or kinabukasan dahil nashort lang sya Anong petsa na ngayon hindi pa nagpaparamdam kung kailan magbabayad Hindi narin ako chinachat Samantalang isang chat nya lang sa akin nun Wala na sya ibang sinabi agad ko syang pinahiram, Kahit alam kong may kaya sya sa buhay Maganda ang trabaho Pinahiram ko sya Halos hindi pa nga ako maniwala na nanghihiram sya sa akin, Ngayon hindi pa nagpaparamdam Binawasan ko ang savings ko para makapagtransfer lang sa kanya dahil walang laman ang gcash ko, Medyo nalungkot ako sa part na yun, Nahihiya pa naman ako maningil, haha