Muli

0 10
Avatar for maeganda
3 years ago

Parang rosas na namukadkad ang mga opurtunidad sa ating buhay. Ang halimuyak nito'y tagumpay kung tayo ay magkasama. Subalit ang rosas na aking itinago sa paborito nating libro ay nangamatay, nalanta sa tagal nang aking paghihintay. Ilang bituin ang bumaba sa langit ngunit ika'y hindi ko na nakita.

Bigla kang naglaho na parang bula. 'Ni isang abiso o pasabing ika'y mamamaalam na ay wala. Ika'y nalaglag sa pangakong tinuran. Kaibigan, ano ang nangyari? Ako na dating may kasama ay biglang naging isa.

Siguro ay magkikita na lang tayo doon banda. Oo doon nga ngunit hindi ko pa maaninag dahil sa sobrang liwanag. Nauna ka na at sabi mo akoy iyong hihintayin. Ipangako mo na tayoy muling magtatagpo. Sa ngayon paalam na muna. Hindi ito ang ating huling pagkikita.

Akin na munang aalalahanin ang pagtakbo natin sa putikan. Ang pag akyat sa mga puno upang kumuha ng ating paboritong mangga. Ang pagtakbo sa mga aso na may ari ng punong pinag aakyatan naten. Kay sarap alalahanin ng mga iyon.

Iiyak ako pero hindi na muling malulungkot dahil ikaw mismo ang magpupunas ng aking luha.

May mga kaibigan talaga tayong hindi naten malilimutan. Umalis man sila ngunit ang alaala ay isa na lang talagang alaala.

4
$ 0.00
Avatar for maeganda
3 years ago

Comments