Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang Disiplina

0 121
Avatar for lyka23
Written by
3 years ago
Topics: Education

Kahulugan ng Wika

  1. Ang wika ay isang kalipunan ng mga tunog

Bawat wika ay may sariling sistema ng mga tunog at pagkakaayos ng mga tunog upang magkaroon ng kahulugan. Ang mga tunog ay naririnig, hindi nakikita o nababasa. Ang tunay na wika ay may mga tunog samantalang ang wikang nababasa ay mga simbolo lamang ng tunog na binuo o inimbento ng tao upang kahit na hindi magkaharap ang nagsasalita at ang kausap ay nakararating pa rin sa pakay ang mensahe. Mayroon itong estruktura na mula sa pagsasama-sama ng mga tunog, hanggang sa pagkakahanay ng mga salita, parirala/sugnay, pangungusap o ng mga bahagi sa diskurso o usapan.

  1. Arbitraryo ang Wika

Ang wika o mga tunog ng iba’t ibang wika sa mundo ay may kaniya-kaniyang katangian o sistema. Maging sa iisang wika, mayroong pagkakatulad sa estruktura ng pangungusap at may pagkakaiba ayon sa pagkakahanay ng mga salita o tunog sa isang pardon ng salita o pangungusap.

  1. Ang wika ay midyum ng ugnayan

Sa pamamagitan ng wika, ang mga tao o grupo ng mg atao ay matiwasay na nagkakasama sa isang lugar at nagkakaunawaan. Kung kaya’t ang wika ang siyang nagbubuklod sa tao.

Papel ng Wika sa Pagkatuto

  • Ang wika ay para sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Sa pag—aaral, kailangang may komunikasyon na ang mga kalakip ay ang mensahe na siyang ipadadala o ipaaabot sa kapwa. Ang nagpapadala ay maaaring ang nagsasalita o sumusulat at ang tumatanggap ng mensahe ay maaaring ang nakikinig o ang bumabasa.

  • Ang pagkatuto ay hindi kailangang sa paaralan lamang mangyari. Karanasan ng tao ang pinagmulan ng lahat ng kaniyang kaalaman. Ito ay nagsisimula sa pakikinig sa mga tao sa kaniyang paligid, mula sa sinasabi ng mga tao sa tahanan, sa pamayanan, sa simbhana hanggang sa paaralan. Kahit hindi pa nagsasalita ang tao, natututo na rin siya sa pakikinig. Sa pagsasalita naman at sa pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa, maaaring may maling pananaw siyang matutuhan. Kung nagsasalita siya at at may natuklasan siyang mali, naitutuwid niya ang sarili at sa pamamagitan nito ay natututo siya.

  • Sa pagbabasa, lalong lumalawak ang kaalaman ng tao sa mga bagay-bagay na natutunan niya. Ang nakasulat na teksto ay naglalaman ng lahat ng mga larangan ng buhay at karunungan. Sa proseso naman ng pagsusulat, napag-iisipan at naaanalisa ng tao ang mga nais sabihin, ang pangkalahatang kaisipan, at ang mga kaugnay nito. Sa pagbabalangkas ng kabuuan, sa pagbuo at pag-edit ng akda, sa pagtukoy sa ilalapat na estilo, natututo lalo ang tao.

Pagbasa

  • Ang pagbasa ay pakikipagkomunikasyon ng awtor sa kaniyang mambabasa.

  • Ito ay proseso at isa ring kasanayan. Proseso ng pagtuklas sa sinasabi ng awtor at gayundin ay kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan ng salita o wikang ginamit nito, sa pamamagitan ng punto de vista, tono ng sulatin, at layunin ng awtor.

Tatlong sangkot sa Pagbasa

  • Ang aklat o anumang babasahin na siyang magsisilbing midyum o tsanel ng tao

  • Ang awtor o ang taong may nais ipabatid o iparating

  • Ang bumabasa ng kanyang sinusulat

Proseso ng Pagbasa

  1. Persepsyon sa mga salita o yunit ng mga salita

  2. Pag-unawa ng mga salita kung kalian nahiwatigan ang mga kahulugan ayon sa kunteksto ng mga ito

  3. Reaksiyon o kung kailan ang mambabasa ay nakapaglimi sa sinabi ng awtor

  4. Integrasyon, pumapasok at lubos na nauunawaan ng mambabasa ang kaniyang natunghayan at natutunan sa kaniyang binasa. Nagagamit niya ang bagong kaalaman para sa sarili at sa araw-araw na buhay.

Pagsulat

Ang pagsulat ayon kay Bayados(1999) ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo, inuukit at sinusulat. Ito rin ay isang proseso ng pagbubuo at pagsasatitik ng pahayag ng isang tao hinggil sa anumang bagay.

Tatlong Dimensyon ayon sa Layunin

  1. Ang masining at istatetikong pang-akit o panghikayat (artistic and aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulating ang pinakatampok sa mga antas ng paggamit ng wika.

  2. Ang expression purpose (Samuel, 1988) o ang paggamit ng wika sa pagbibigay ng ulat katulad ng wikang gamit sa pahayagan.

  3. Ang functional purpose –ang pinakagamiting dimension ng wika. Kabilang ditto ang liham sa editor ng pahayagan. Ang kumbensyon nito ay magagamit ng guro sa paglinang ng kasanayang paglalahad ng mga detalye, pakiusap, pagsusuma, at iba pa.

Ang Pagbasa sa Antas Tersyarya

Ang mga aklat at iba pang babasahin sa antas tersyarya ay mas mataas na at mas mahirap kung ihahambing sa mga babasahing nabasa na ng mag-aaral noong sila’y nasa elementarya’t hayskul. Dahilan sa pagdami ng mga larangang pag-aaralan at sa pagtaas ng antas ng kahirapan ng mga ito, kadalasa’y nahihirapan ang mga mag-aaral. Kailangan nilang linangin ang kanilang bokabularyo. Iba-ibang wika ang ginagamit ng mga babasahin sa antas tersyarya.

Iba't ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa

Teoryang Bottom-Up ang teoryang ito ay pinoproseso ng mga nagbabasa ang grapema(o mga simbolo ng tunog ng wika o mga titik) sa oras ng pagkakita nia sa mga ito. Ang mga grapemang ito ay siyang katumbas ng tunog na wika-na pinagsama sama para makabuo ng salita. Kailangan may makita ang tagabasa upang maunawaan niya ang mensahe. Kung ano ang sinasabi nito, iyon ang pagbabatayan ng interpretasyon at wala ng iba. Tinawag itong bottom-up dahil ang pag-unawa ng isang bagay ay nagsisimula sa bottom o sa ibaba, ang reading text, at napunta sa itaas (“up”) – sa utak.. ang teoryang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang malinis na papel o tabula rasa.

Teoryang Top-Down ang teoryang ito ay sumasalungat sa direksyon ng komprehensyon na binanggit sa unang teorya. Ito ay hango naman sa sikolohiyang Gestalt. Ito ay nagsasabing ang pagbasa ay isang laro ng panghuhula sa sikolohiya ng tao. Ang tamang pagbasa ayon sa teoryang ito ay ibinabatay sa kung ano ang naunawaan o nakuha batay sa kung ano ang iskema ng tagabasa. (ang iskema ay dating kaalamang nakaimbak na sa utak ng tao.) Ang pag-unawa sa teksto ay ibinabatay ng tagabasa sa kanyang karanasan at kaalaman tungkol sa paksa.

Teoryang Interaktibo at Kompensatori dahil sa kakulangan ng teoryang “Bottom-Up” at “ Top-Down” sa pagpapaliwanag ng proseso sa pagbabasa, si Stanovich (1980) ayon kay Tatlonghari(1994) ay nagmungkahi ng pangatlong teoryang tinatawag na interaktibo at kompensatori. Ipinahihiwatig na mga teksto ay pinoproseso sa pamamagitan ng paggamit ng sabay-sabay na mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang pinagkukunan.

1
$ 0.00
Avatar for lyka23
Written by
3 years ago
Topics: Education

Comments