Sandali

14 21
Avatar for luhajuan
3 years ago

Ituring mo itong una nating pagkikita

Unang pagtatagpo ng ating mga mata

Unang ngiti sa bawat isa

Unang marinig ang kani-kanyang tawa

Ituring mo ito bilang unang sandali

Unang masilayan ang iyong mga ngiti

Unang malaman ang bawat kiliti

Bilang una nating mga sandali

Tila hinamak ang mga bituwin sa kalawakan

Hinarap ang bagyong walang sing kalakasan

Tinahak ang daang iba sa karamihan

Ang daan na 'di alam ang patutunguhan

Alaala ko pa ang mga una nating usapan

Unang mga mensahe na naglaho kalaunan

Unang pagbati, unang sambit ng mga labi

Una kong mga pangako na binali

Alaala ko pa kung papaano Kita nakilala

Alaala ko pa ang mga sandaling Unang magsama

Sobrang kaba ang sa dibdip ko'y nadama

'Di akalaing ika'y makikilala

Hayaan mong ika'y bigyang pagkilala

Bilang isang taong sobrang kahanga-hanga

Bilang tapat at mapagkalinga

Bilang minahal ko so tuwina

Hayaan mong ika'y bigyang pasasalamat

Sa pagsasama nating bigla na lang nagkalamat

Pagsasama na para bang alamat

Librong malungkot ang pambalat

Salamat sa mga sandali

Sa mga alaalang ika'y kahati

Sa regalo mong sa akin ay nagpangiti

Salamat sa mga oras at araw na binigay mo nang sandali

Salamat sa mga lugar na ako'y iyong sinamahan

Mga lugar nang alaalang nagdaan

Mga lugar na puno ng kaligayan

Na napalitan nang alaala ng kalungkutan

Salamat sa mga kwentong ating napagsaluhan

Sa ilalim ng araw at liwanag ng buwan

Maging ang hanging sumipol at dumaan

Kasabay ng alaala nang una mo akong hagkan

Saksi ang buong kalawakan

Ang tahimik at banayad na bulkan

Ang mga batong ating napagpahingahan

Maging ang pagsakop nang dilim sa kalangitan

Alam kong masarap na kahawak ang bawat mga kamay

Alam kong matagal mo na itong hinintay

Pero nais ko lang na huwag nang magtagal

Ang pagsasamang 'di nais ng Maykapal

Salamat sa pagmamahal na iyong pinaramdam

Salamat sa pag-ibig mong aking naranasan

Salamat sa pagtanggap nang aking paglisan

Salamat alam ko na ako'y may natutunan

Pero nais ko lang sabihin

Ang nasa loob ng aking damdamin

Mga desisyon ko'y hindi lang basta dala ng hangin

Sarili ay labis na nahirapan na halos di na Alam kung papaano ka kakausapin

Huwag mong isipin na tila wala lang sakin ang bigla kong paglisan

Huwag mong bulagin tayo ng mga sakit nang pamamaalam

Huwag mo sanang isara ang puso at muling magmahal

Kasi kahit hindi man ako ang tamang tao para saiyo alam kung makakahanap karin 'di magtatagal, yan ang panalangin ko

Hindi lang ang iniiwan ang nasasaktan

Maging ang nang iwan ay labis na nahihirapan

Hindi lang siguro tama ang sandali

Kasi hindi ako nito ninayaang manatili

Ngunit sa sandaling ito

Nais kong ipaalam saiyo

Kasabay ng pagiwas sa mga lugar ng ating pagguho

Mga monumento na sandali lang binuo

Mga sandaling kasama ka

Mga sandaling masaya

Mga sandaling may tayong dalawa

Na sa sandali ay nawala

Salamat O, aking sinta

Nais ko muling mayakap ka

At sabihin na mahal parin kita

Kaso lalaki tayong dalawa

Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty

6
$ 0.00
Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty
Avatar for luhajuan
3 years ago

Comments

Wow! Sana allπŸ˜‚ Keep it up. Nakaka inlove mga linyahan mo πŸ’š Love wins!!

$ 0.00
3 years ago

ayyy salamat po😍😘

$ 0.00
3 years ago

Keep it up πŸ’šπŸ’šπŸ’š

$ 0.00
3 years ago

Kaso lalaki tayong dalawa? Tama ba ?

$ 0.00
3 years ago

haha funny thing pero fiction po yanπŸ‘Œ makulit lang utak ko. hahab

$ 0.00
3 years ago

Hahahha well dear. Apakaganda. Keep it upπŸ˜‰

$ 0.00
3 years ago

@luhajuan activate mo sponsor block mo please :))

$ 0.00
3 years ago

Opo, already activated po. Thanks poπŸ€—

$ 0.00
3 years ago

Accept mo yung sponsor request ko hahaha

$ 0.00
3 years ago

Bigla po nawala sa notif after kung i-click yung yes button. Sorry po di ko pa po familiar masyado ang ways dito sa read coins

$ 0.00
3 years ago

First time ko din kasi magsponsor pero sige click mo lang yung approve. Wlaa akong natanggap na notif e. Baka nagloloko lang keme

$ 0.00
3 years ago

yeiiih nahanap ko na po yung approve button po, I already hit it😊

$ 0.00
3 years ago

Check mo nga kung okay na hahaha.

$ 0.00
3 years ago

okay na po. Sobrang salamat😊

$ 0.00
3 years ago