read.cash Log in
@luhajuan

Suntok sa Buwan

Una kitang hinangaan Sa taglay mong kagandahan Nabihag mo nga ako ng 'di ko nalalaman Maging panaginip ko'y ikaw ang laging laman Labis - labis ang aking nadaramang kaba Bago ang mensahe ko sa'yo ay maipadala Mula sa parihabang metal na umiilaw na aking hawak Tila mga bituin ay akin na ngang hinahamak Puso'y tila mawawasak Ngunit hindi ako nabigo Tila may kung anong tuwa sa aking puso Dumaloy ang natutulog kong dugo At may naisip ako kapagdaka, Naisip kong, maaari pala akong maging makata Na kayang gumawa ng istorya, na ikaw at ako ang bida Kwento na natural ang tema Yung walang tayo kasi malayo ka Yung kwentong mahal natin ang isa't isa Pero 'di tayo itinadhana Yung eksenang gusto kitang ikulong sa mga bisig ko Pero hindi ko magawa Yung tipikal na istorya Yung masaya sa una at masasaktan lang pala Kasi sinasamba ko si "Allah" habang "Kristiyano" ka Pero gusto ko paring ipagpatuloy ang kwento Kwento na binuo ko lamang sa isipan ko Kasi nabihag mo ako Sa mga mensaheng ipinadala mo Sa mga oras na ikaw ang naging ilaw ko Mula sa madilim na oras ng buhay ko Ikaw ang naging inspirasyon ko Inspirasyon na bigla na lang naglaho Nasaan na kaya? Yung panahon na ating sinayang Isang buwan din pala ang binilang Ngayong kaya ko na. Ngayong alam ko na Ang magiging wakas ng ating istorya Sa pagitan ng mga yupi't buradong pahina Sa pagmamahalang sinubok ng distansiya Yung panahong pinagpuyatan nating dalawa Makausap lang natin ang isa't-isa Ay unti-unting naglaho na parang bula Tila usok sa himpapawid Na imahinasyon lang ang hatid. At sa dulong bahagi ng ating kwento Ay ang kwento kung paano ako nangako Na tatanggapin ang aking tuluyang pagsuko Hindi lang sa ikaw ay malayo Kundi dahil sa tayo ay malabo. artwork by:

22 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.