read.cash Log in
@luhajuan edited

Ngayong Gabi

Ngayong gabi, habang ang mundo ay tahimik Hawak ko ang mga ala-alang pilit na bumabalik Mga mata ko'y hindi ko magawang ipikit Kasi sa bawat pagmulat ko ramdam ko parin ang pait Ilang araw na akong ganito Bawat gabi labis akong ginugulo Nang mga ala-alang 'di ko alam kung totoo Di ko na alam kung ano na nga ba ang totoo? Kasi di ko alam kung anong dahilan ng pagkalumbay ko? Dati naman, masaya ako Masaya akong mag-isa ng walang ikaw sa buhay ko Pinipillit ko namang maging matatag gaya ng sabi mo Pader na 'di patitibag ang aking binuo Ngunit hinayaan kitang wasakin ang pader na ito Ngayon 'di ko alam kung kailan ko muling mabubuo Kasi noong sinabi mo na aayusin mo ang pader na sinira mo Nakita kita sa ibang pader nakasandal ako'y nalilito Akala ko ako ang sandigan mo? Akala ko aalayan mo ako ng pagmamahal na gaya ng inialay ko saiyo Ngunit bakit ganito? Bakit mga ala-alang bumabalik sa bawat pagpikit ko Ay mga ala-ala ng aking paguho Mga ala-alang kasama kita Mga ala-alang sa isip ko lang binuo Kasi napakarami ko sanang plano Na hindi man lamang nasimulan Kaya mga mata ko'y naiwang nakapako sa kawalan At sa kawalan naroon ka Pinagmamasdan kita Habang nakatitig ka sa mga mata niya Sinasabi mo ang mga salitang gusto kong marinig Gusto kong marinig mula sa iyong bibig Mga salitang kaibig -ibig Salitang nais kong para sakin Ngunit sa kanya mo piniling sambitin Ngayong gabi sa paghimlay ko Alam kong magkikita tayo Makikita kita mula sa malayo At makikita ko ang meron kayo na wala tayo.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.