read.cash Log in
@luhajuan edited

Sandali

Ituring mo itong una nating pagkikita Unang pagtatagpo ng ating mga mata Unang ngiti sa bawat isa Unang marinig ang kani-kanyang tawa Ituring mo ito bilang unang sandali Unang masilayan ang iyong mga ngiti Unang malaman ang bawat kiliti Bilang una nating mga sandali Tila hinamak ang mga bituwin sa kalawakan Hinarap ang bagyong walang sing kalakasan Tinahak ang daang iba sa karamihan Ang daan na 'di alam ang patutunguhan Alaala ko pa ang mga una nating usapan Unang mga mensahe na naglaho kalaunan Unang pagbati, unang sambit ng mga labi Una kong mga pangako na binali Alaala ko pa kung papaano Kita nakilala Alaala ko pa ang mga sandaling Unang magsama Sobrang kaba ang sa dibdip ko'y nadama 'Di akalaing ika'y makikilala Hayaan mong ika'y bigyang pagkilala Bilang isang taong sobrang kahanga-hanga Bilang tapat at mapagkalinga Bilang minahal ko so tuwina Hayaan mong ika'y bigyang pasasalamat Sa pagsasama nating bigla na lang nagkalamat Pagsasama na para bang alamat Librong malungkot ang pambalat Salamat sa mga sandali Sa mga alaalang ika'y kahati Sa regalo mong sa akin ay nagpangiti Salamat sa mga oras at araw na binigay mo nang sandali Salamat sa mga lugar na ako'y iyong sinamahan Mga lugar nang alaalang nagdaan Mga lugar na puno ng kaligayan Na napalitan nang alaala ng kalungkutan Salamat sa mga kwentong ating napagsaluhan Sa ilalim ng araw at liwanag ng buwan Maging ang hanging sumipol at dumaan Kasabay ng alaala nang una mo akong hagkan Saksi ang buong kalawakan Ang tahimik at banayad na bulkan Ang mga batong ating napagpahingahan Maging ang pagsakop nang dilim sa kalangitan Alam kong masarap na kahawak ang bawat mga kamay Alam kong matagal mo na itong hinintay Pero nais ko lang na huwag nang magtagal Ang pagsasamang 'di nais ng Maykapal Salamat sa pagmamahal na iyong pinaramdam Salamat sa pag-ibig mong aking naranasan Salamat sa pagtanggap nang aking paglisan Salamat alam ko na ako'y may natutunan Pero nais ko lang sabihin Ang nasa loob ng aking damdamin Mga desisyon ko'y hindi lang basta dala ng hangin Sarili ay labis na nahirapan na halos di na Alam kung papaano ka kakausapin Huwag mong isipin na tila wala lang sakin ang bigla kong paglisan Huwag mong bulagin tayo ng mga sakit nang pamamaalam Huwag mo sanang isara ang puso at muling magmahal Kasi kahit hindi man ako ang tamang tao para saiyo alam kung makakahanap karin 'di magtatagal, yan ang panalangin ko Hindi lang ang iniiwan ang nasasaktan Maging ang nang iwan ay labis na nahihirapan Hindi lang siguro tama ang sandali Kasi hindi ako nito ninayaang manatili Ngunit sa sandaling ito Nais kong ipaalam saiyo Kasabay ng pagiwas sa mga lugar ng ating pagguho Mga monumento na sandali lang binuo Mga sandaling kasama ka Mga sandaling masaya Mga sandaling may tayong dalawa Na sa sandali ay nawala Salamat O, aking sinta Nais ko muling mayakap ka At sabihin na mahal parin kita Kaso lalaki tayong dalawa

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.