Sa buhay natin lahat tayo dumadaan sa napakarami at ibat ibang uri na pagsubok minsan ay napupuno rin tayo bakit nangyayari satin to,tila gusto mo nang umayaw at sumuko..
Sapagkat tayo ay tao lamang napapagod at nasasaktan sa bawat mabibigat at hindi magagandang pagsubok na dumarating sa ating buhay...
Ano ba ang pinagdaraanan mo ngayon?
Ikaw ba ay namatayan?
Nabaon sa utang?
Nawalan ng trabaho?
Iniwan ng jowa?😭😭😭😭😭
Ikaw ba ay napapagod sa pang araw araw na takbo ng iyong buhay at gusto mo naman itong mabago?
Tandaan mo lang ano man ang iyong pinagdaraanang pagsubok hindi lang ikaw ang tao sa mundo sa paligid mo..
Pagmasdan mo ang mga tao sa paligid mo isipin mo sya kaya ano ang kanyang pinagdaraanan pano nya kaya ito nilalabanan o kinakaya..?
Kung sila kinakaya nila bakit ikaw hindi?Lakasan mo lang ang iyong loob,puso at isip dahil malay mo bukas pag bangon ng bagong araw ay mabibigyan ng kalutasan ang pagsubok na iyong pinagdaraanan ano man ito..
Lahat tayo ay binibigyan ng ating maykapal ng kanya kanyang pagsubok,dito sinusubok nya tayo kung pano natin tatanggapin at kakayanin kung pano natin ito malulutas at yakapin ito ng buong puso..
Kumapit ka lang sa kanya sa ating maykapal manalig ka kailan man ay di nya tayo iniwan andyan lang sya hinihintay nya lang tayo na lumapit sa kanya kaya WAG KANG SUSUKO kaibigan...
Nice article,and very interesting,Tama, kailangan Laban lng kung anu ang pagsubok sa buhay natin, lahat may solusyun,wag lng susuko...