Lahat tayo may kanya kanyang pantasya mga pantasyang imposible at mga likha lamang ng ating pag iisip...eto naman ang sakin ...
Nais kong Sumakay sa isang banka na gawa sa buwan...nais ko ring languyin ang mala dagat na bituin..at magiging pasyalan ko naman ang buong kalawakan...at kung ako'y mahihimbing naman hahayaan nalang patangay at iduyan ng hangin..
Akoy napapangiti na lang sa aking sarili dahil sa nararamdamang kasiyahan,,kung iisipin mo parang bagong eksena lamang ito...maaari bang pakisampal ako upang malaman ko na di ako nahihibang...
Gusto ko lang naman tumakas sa isang katotohanan,,,sa ating mundo na puno ng katanungan,, mga palaisipan,,,
Gusto kitang dalhin doon kahit pa ikaw ay wala sa aking tabi ngayon..doon di uso ang lungkot at luha sa mundo o daigdig kong nilikha...
Pwede mo ba akong tulungan pagkat tila akoy nawawala,alam nyo bang diko na nasasakyan ang buhay natin sa lupa..sapagkat ang lahat nalang ng mga bagay bagay ay nagbabago na ng kulay...tila putol na ang aking tinutulayan kayat wala ng sibi ang aking paglalakbay...
Anong hiwaga ang iyong tinataglay sapagkat minsan lang kita nakita ay minahal agad kita...kaya tuloy sa "PANTASYA" ko naging magkasama tayo,,,
Doon sa ayaw mo man at sa gusto doon sa pantasya at daigdig na aking nilikha ay minamahal mo ako...