Magsasaka

0 3

Ang buhay ng isang magsasaka ay hindi biro.Isa itong mahirap na gawain at kailangan mo ng malakas na pisikal na pangangatawan dahil nga ang pagiging magsasaka ay isang pisikal na gawain...

Ang pagigung masasaka ay para kang sumusugal sapagkat bawat hakbang mo o bawat pag tatanim mo ng mga halaman at gulay ay kelangan mo ng puhunan,sipag at tyaga ngunit walang kasiguraduhan kung ikaw ba ay aani ng mganda sa araw ng anihan o masisira yung mga tanim dahil sa mga di inaasahang bagay gaya ng mga insekto o bagyo kaya doon talo kana,kya ko sya nasabing sumusugal...

Hindi rin alam kung sa pag ani ay maganda ba ang presyohan ng mga gulay...

Ganun din sa pagtatanim ng palay na syang pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka.. na kadalasay nababarat pa sa presyo ng kanilang mga inaani...

Malaki ang naitutulong o naiaambag ng mga magsasaka sa ating lipunan ang hindi ko maintindihan ay bakit di sila masuportahan ng maayos ng mga nakaupo sa pwesto...

Madalas pa silang minamaliit ng mga mayayaman,di ba nila alam na ang kanilang mga pangunahing kinakain ay galing sa ating mga magsasaka?..

Sa pag sasaka kailangan mo ng matatabang lupa na sakahan tubig o irigasyon na pangsuporta sa mga tanim...syempre di mawawala ang ating kalabaw na best friend ng ating mga magsasaka kahit pa may mga bagong makinarya na para gamitin sa pagsasaka ay iba pa rin gawa ng kalabaw....

Sana po pagdating ng panahon ay umunlad ang agrikultura at mapansin naman ng mga nasa pwesto ang ating mga MAGSASAKA..

4
$ 0.00
Sponsors of luffytaro
empty
empty
empty

Comments