Lahat tayo ay may kanya kanyang kaligayahan o kasiyahan sa buhay...
Ano nga ba ang kaligayahan?
Ito ay isang pakiramdam,na nagbibigay sa atin ng kasiyahan at kagalakan, isang pakiramdam na nagmumula sa ating kalooban.
Nararanasan mo ito kapag nalutas ang isang problema, kapag nakamit ang isang layunin,kapag nagawa mo ng tama ang ginagawa mo ano man ito at kapag maganda ang pakiramdam mo.
Mayroong mga tao, na natatakot na kung nakakaranas sila ng kaligayahan, ito ay mawawala rin sa lalong madaling panahon. Itinuturing nila ito bilang isang pansamantalang estado, at natatakot na maranasan ito dahil baka mawala rin kaagad ito. Nais nilang maiwasan ang sakit na maaaring idulot kapag nawala ito,sabihin na nating pansamantala o panandaliang kasiyahan lamang.
Naniniwala ang mga taong ito na ang kaligayahan ay palaging sinusundan ng kalungkutan. Ang iba, ay maaaring mapunta sa sukdulan ng hindi hinanap o hinahangad ito, dahil sa palagay nila ay hindi karapat-dapat ito, at mas ginusto na maiwasan ito.
Mayroon ding mga tao, na laging tumitingin sa kanilang likuran, nagtataka, kung saan baka may biglang dumating ng di inaasahang bagay.
Nangangahulugan ito na kung isasama o ilalakip natin ang ating sarili sa isang tiyak na sitwasyon,dito ay nararanasan nating makaranas ng kalungkutan sa una o sa huli. Kapag nagbabago ang mga pangyayari, at ang mga pagbabago ay hindi ayon sa gusto natin, nakakaranas tayo ng kalungkutan. Gayunpaman, kung nagsasagawa tayo ng pag iingat walang maaaring makagambala sa ating mga mood at estado ng pag-iisip. Kung gayon, ang mga panlabas na kaganapan ay hindi makakaapekto sa ating kaligayahan at kapayapaan ng isip.
Mula sa pagsilang ay may pagnanasa na tayo sa kaligayahan. Kung susuriin natin ang ating mga aksyon, makikita natin na ang lahat ng mga ito ay nasa ibat ibang paraan o paggawa,pagpupursigi kung saan nakatuon ang ating kaligayahan. Hinahanap natin ang panloob na kagalakan at kasiyahan sa bawat bagay na ginagawa natin, sa mga relasyon, sa trabaho, sa itsura at saan man tayo naroroon. Ang bawat tao'y ninanais ang pakiramdam ng mabuti at masaya.
Normal lang na Tayo ay matakot dahil lahat Yan Kung Baga kakambal na natin Yan sa buhay,kadikit Ng ating kapalaran,lahat Naman Tayo ay may kaligayahan,Ito nga lang ay may ibat ibang katangian,Yung iba may sinasabing mababa na kaligayahan Yung bang maliit na bagay pero nagiging masaya ka,may mga bagay na kahit anong gawin mo Hindi ka pa Rin masaya dahil Hindi ka kuntento sa naabot mong minimithi.minsan Hindi mo Rin Alam Kung ano Ang mga bagay na makakapagpaligaya sayo kahit NASA harapan muna Ang lahat Hindi ka pa Rin masaya.May mga bagay din na Ang salapi Ang pinakamahalaga o nagpapasaya sa iba,minsan nagagamit din Ang pera para sumaya ka,para bumili Ng mga bagay na gusto nila.para sa akin lang po Ito Sana Wala magagalit po itoy base lang sa akin nakikita sa iba at sa akin sarili,Kasi ako mababa lang Ang kaligayahan ko,nererespeto ko Ang bawat kaligayahan Ng iba.maraming salamat sayo...dahil sa iyong artikulo ay Napa komento ako,ingat po kayo.....