Ano ba talaga ang Motivation?
Napagtanto mo man o hindi, ang motivation ay isang malaking bahagi o parte sa iyong buhay; at kailangang malakas o matindi ang iyong pagnanais upang mai-excel at talagang masiyahan sa kung ano ang ginagawa mo sa pang-araw-araw na gawain..
Sa kabilang banda, maraming malawak o maraming ibig sabihin ang salitang motivation. Dito pwede nating isipin na maging motivation o demotivated sa isang simpleng "oo" o "hindi" lamang...
"Oo " gagawin ko ito,kaya ko ito; o pwedeng ibang tao ang mag motivate sa iyo "oo kaya mo yan,gawin mo yan..
"Hindi" ko gagawin to,mahirap to hindi ko kaya to.. "Hindi mo kaya yan wag mo na ituloy .
Ang motivation ay ang iyong pagnanais na makamit ang isa bagay o gusto .O sa kabilang banda ito rin ay pag nanais na makalimot o makaiwas sa mga bagay na ayaw mo nang maranasan o makita pa..
Ngunit ang motivation ay hindi isang switch na pwedeng on or off. Ito ay isang daloy na kailangan mo sundan hanggang dulo..
Para maging motivated ka kailangan mo isipin at unawaing mabuti ito kailangan mo sisirin ang iyong ninanais kung ano man ito upang maramadaman mo na motivated ka talaga. Ang pagbabasa lamang ng isang motivation na quote, o panghihikayat ng iyong mga kaibigan o kahit na tagapayo ay hindi makakatulong sa iyong pagbuo ng motibasyon sa katagalan. O sabihin na nating sa umpisa lamang sila makakatulong at sa bandang huli ay nasa iyo pa rin ang desisyon kung ano ba talaga ang ninanais mo..
Maaari mong isipin ang Motivation ay maihahalintulad sa ating Haring Araw ,,,,
Araw na nagbibigay ng patuloy na pag-agos ng enerhiya sa lahat ng buhay sa Mundo. Tulad ng Araw, ang iyong "motivation engine" ay may iba't ibang mga layer, na nagsisimula mula sa core at kumakalat sa ibabaw. Ang ibabaw ay kung ano ang nakikita mo, ngunit ang tunay na proseso ay hinihimok mula sa core (ang iyong panloob na motibo); at iyon ang pinakamahalagang bahagi kung bakit nais mo magpatuloy at bigyan ng katuparan ito hindi lang sa sarili mo kundi pati sa mga nakapaligid sayo...
oops pasensya na medyo malalim talaga ang ibig sabihin ng motivation sana may mas magaling magpaliwanag dyan sa simple lang para maunawaan ng lahat ang talagang kahulugan ng motivation..
Ang ganda ng pagkakagawa nito. Ano ba ang tagalog ng motivation? Hehe