Ang Alibughang Anak

1 19
Avatar for lonestranger
2 years ago

Sa malayong kaharian ng Dahankagan ay nakatira ng mapayapa ang hari ng mga engkatado't engkantada na si Haring Golda kasama sina Prinsesa Akile at Prinsesa Ttypre.

source: quotev.com

Bata pa lang ang dalawang mahinhing dilag ay napaslang na ang kanilang ina. Sa hindi malamang dahilan ay ikinulong ng hari ang magkapatid sa loob ng palasyo at kailanman ay hindi binigyan ng pagkakataon na makalabas. Kuwarto, palaruan. Pasyal, saanmang sulok ng palasyo. Ngunit sa kabila niyon, ay lumaki pa rin silang masiyahin at may matatapat na puso.

Kilala si Prinsesa Akile bilang isang matalino, magaling, mahinhin, at nakakabighaning prinsesa habang masipag, mapagmahal, mabait at tulad ng kapatid ay nakakabighaning prinsesa din si Prinsesa Ttypre.

"Wag na wag kayong iibig mga mahal Kong anak. Anuman ang mangyari." Malungkot ngunit maawtoridad na utos ng hari.

Iyon ang palaging sinasabi ni Golda sa mga anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapagtanto kung bakit ito ang palaging inuulit ng ama bago sila matulog. Naguguluhan man subalit mas pinili ng magkapatid na manahimik na lamang kaysa mapagalitan tulad ng kanilang mga katulong na kay daming tanong.

Isang araw, matapos makuwentuhan ng katulong ang mga prinsesa tungkol sa nakakabighaning ganda sa labas ay hindi na nakatiis pa si Prinsesa Akile. Habang silang magkapatid ay may pinagkakaabalahan, hindi namalayan ni Prinsesa Ttypre ang dahan-dahang pagtakas ni Prinsesa Akile. Mabilis na dumikit ang prinsesa sa gintong pader nang maramdamang may paparating na maaaring humadlang sa kaniyang buwis buhay na plano.

Ginamit ng prinsesa ang kaniyang kapangyarihang hindi nakakapaghilom ng sugar upang magkaroon ng mas kakaibang pakpak. Lumipad siya nang lumipad hanggang siya ay nakatakas at nakalayo sa kaharian ng hindi man lang napahamak. Ang saya-saya niya.

"Sa wakas ay nakita na rin kita!"

Punong-puno ng kaligayahan ang kaniyang puso kung kaya't hindi niya namalayang siya ay lumayo na nang lumayo sa kahariang kaniyang kinalakhan at napadpad sa may tabi ng gulod. Doon ay natagpuan niya ang isang matipunong lalaking nangangaso. Alam niyang iyon ay tao sapagkat naikukuwento ito ng kanilang mga katulong.

Sinundan niya ang mangangaso. Hindi niya alam na nararamdaman na rin nito ang kaniyang pagsunod. Sa isang iglap lamang ay naiwala niya ito.

"Sino ka?"

Iyon ay tanong ng isang baritonong boses mula sa kaniyang likuran. Natakot si Prinsesa Akile kung kaya't naisipan niyang tumakbo. Sa di-inaasahan ay hinawakan nito ang kaniyang kamay dahilan ng kaniyang pagkapako sa kinatatayuan. Lumingon siya sa lalaki at sila'y malalim na nagtitigan. Sa sandaling iyon ay umibig ang dalawa sa isa't isa.

Naging malapit ang loob ni Prinsesa Akile at ng mangangasong nagpakilalang Jahile. Sa loob ng isang araw ay nakilala nila ng lubusan ang mga sarili at mas lalong naipadama ang pagmamahal sa bawat isa. Samantala, sa kaharian ng Dahankagan ay walang kaalam-alam ang Haring Golda tungkol sa pagtakas ng anak na prinsesa dahil sa isang malaking suliranin na kinakaharap ng kaharian.

Ang hindi alam ng prinsesa ay may hangganan ang lahat ng kaligayahan. Umuwi siya ng kaharian nang buong tapang at hinarap ang ama.

"Nais ko pong kunin ang lahat ng akin sa kahariang ito ama."

Nagulat ang hari sa tinuran ng kaniyang anak. Pagkaraan, si Golda ay nagalit at sinabing hindi siya papayag sa nais ng prinsesa. Pinaalis niya sa harapan ito at ikinulong sa kaniyang silid. Subalit dahil nga sa kilalang si Prinsesa Akile ay matalino, nakalabas siya ng lungga at umiiyak na bumalik sa silid ng ama. Ninakaw niya ang mga kayamanan at humagibis na lumayo sa kahariang iyon.

Ano kaya ang mangyayari sa pagtakas ni Prinsesa Akile?

(Ey zup! I am publishing this short story of mine that I made when I was still in my 7th grade. We were told to make a new version of the prodigal son and this was what I've submitted. I'm sharing it to all of you as the lessons embedded are very valuable. I also didn't bother to translate in English because I like it this way. Stay tuned for the continuation!)

Share some of your thoughts. Comment below.

ps. lead image not mine

Thanks a ton!

4
$ 0.23
$ 0.21 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Sponsors of lonestranger
empty
empty
empty
Avatar for lonestranger
2 years ago

Comments

Excited akong malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Ang ganda ng story na ito

$ 0.00
2 years ago