Talento'y sa Diyos iaalay...

0 13
Avatar for liquidmetal28
3 years ago

Talento’y hindi ibinigay para angkinin,

Hindi para ipagsigawang tayo’y magaling!

Talento’y hindi itinatago sa dilim,

Bagkus inaalay sa Diyos na Magaling.

Ang Buhay at kalakasan sa kanya lamang iaalay.

Hangga’t nabubuhay, pagsamba ko’y iaalay.

Kaya naman buong pusong papupurihan ang Ngalan mong Banal.

Wag kang papapigil,

Wag kang magdududa,

Pagkat ang Diyos ang kasangga!

Kaya naman,

“Talento ko’y iaalay upang ang Diyos ay Mapapurihan”…

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments