Tanong ng Puso

2 13
Avatar for lhadyLaina.98
3 years ago

Ang iyong mga ngiting galing sa iba

Ba't sa puso'y humihiwa

Hindi masabi ang damdamin

Kaya't ito'y aking kinikimkim

Bakit sa tuwing sinusumpong

Puso ko'y nagdadabog

At ang isip ay tila sasabog

O dahil lang ba sa pagod?

Pagod na pagod na sa kakaisip

Kinabukasan minsa'y di masilip

Di naman pinagpipilitan na iyong ibalita

Pero bakit ang manhid na?

Unti-unti ang puso'y nagbabago

Sa tuwing pinipilit mawala ang pagdurugo

Tama pa nga bang umasa

Kung ang puso ko'y pasuko na?

image link: https://pixabay.com/illustrations/heart-framing-heart-shaped-blue-2238728/

5
$ 0.00

Comments

Nice poem po. Well done ramdam mo yung pighati at hugot ng iyong tula

$ 0.00
3 years ago

Thanks po.

$ 0.00
3 years ago