When Death Fell Inlove to Life:Chapter 1.3

0 20
Avatar for leomar
Written by
3 years ago
Sponsors of leomar
empty
empty
empty

Habang sila busy sa pagpapakilala sa isat isa at yung iba kong kaklaseng classmate ay gustong makipagkilala dun sa cute na babae, ako naman busy sa cellphone at pakikinig ng music. Naalala ko na may pinabaon pala sakin si mama kaya kinuha ko sa bag at nagsimula ng lumamon. Habang kumakain ako kunwari nakikinig ako ng music pero ang totoo naka-off yung music ko at pinapakinggan yung mga sinasabi ng mga lalaki dun sa cute na babaeng katabi ko.

"Hi miss I'm Mark, its my pleasure to meet such a beautiful woman like you (sabay abot ng kamay)"

At ayun na abugh mabait din naman pala ang babaeng ito, kala ko susungitan niya yung mga lalaki pero ang friendly lang niya tapos nginingitian niya bawat nagpapakilala sa kanya, sana kaya ko din magpakilala chooss, at ayun naging spectator lang ako ng kaganapan hanggang sa magtanong yung isang lalake.

"Are you free this afternoon?, yayain sana kita lumabas para mag food trip and to know each other narin"

Pero napatigil yung mga lalaki kase may biglang sumabat din na babae, maganda rin naman siya, may katangkaran, at kung tingnan sweet girl siya pero kabaliktaran pala, nagsimula na siyang magdada at parang siya yung nanay nung cute na babae.

"Hoy tigilan niyo nga siya, pag maganda talaga para kayong mauubusan ng babae sa mundo, layman niyo siya kase lahi kayo ng mga manloloko"

Grabe talaga yung babaeng ito, makajudge ng lalaki kala mo naman lahat ng lalaki Mantoloking dito sa mundo, ibahin niya ako isa ata akong mabait na species ng tao, in my whole life never ako nagka-interest sa babae kaya nga NGSB ako, ayon nanonood lang ako ng parang eksena sa pelikula at di ko inaasahan na merong magtatanggol ng lahi ng kalalakihan at alam na kung sino yun, ang maingay kong katabi, mukhang hindi ito magiging maganda.

"Wag mo naman lahatin, grabe ka naman manghusga sa mga kalalakihan bakit meron din namang mga babae na manloloko ah, minsan nga yung iba nakakausap na eh"

"Abugh nagpaparinig ka ba?" sabat nung masungit na babae

Natigil yung psgtatalo ng dalawa ng may dumating na professor, hindi ko namalayan tapos na agad ang break time hays sayang di ko nasaksihan ang ending, after nun bumalik na sa mga upuan yung mga students kaso Rambam ko padin yung tension sa pagitan ng dalawa dahil sa mga tinginan nila parang alam ko na ata kung saan ito papunta. During the orientation ng professor namin pinag groupings nila kami by row kaya yung nasa line ko yung mga kasama ko, may pinagawa saming simple task as a group at kailangan naming gawin kaya nagdiscuss kami as a group. Medyo nahihiya pa ako makipag-interact lalo na kase katabi ko yung cute na babae pero deadma lang ako kase para naman ito sa grades. At yun na nga nsgkaroon ng discussion sa group.

"So guys dapat kilala muna natin ang isat isa, its better siguro kung ipakilala natin ang mga sarili natin via nickname na lang siguro, BTW I'm Samantha"

"I'm Zhawn"

"I'm Hannah"

"Hello I'm Lhaine"

At ako na nga magpapakilala at grabe yung titig nila saken parang gusto nila akong kulamin hahah joke lang.

"I'm Davidson but you can call me David"

"Ayun guys I'm Hanz, Hanz with the Z"

Napansin ko na lang na napangiwi na lang yung kaaway niyang babae kanina na Hannah pala yung pangalan.

At dun na nga nagstart ang lahat sa simpleng activity nayun hindi ko akalain na magiging magtotropa ang nasa row na yun, after a month naging close na yung isat isa, maliban dun kay Hanz at Hannah na may quarrel padin, may inassign ulit na task samin na gagawa kami ng vlog and as usual kami kaming nasa likuran ang magkakasama.

-To be Continue

3
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Avatar for leomar
Written by
3 years ago

Comments