When Death Fell inlove to Life: A journey

9 44
Avatar for leomar
Written by
3 years ago
Sponsors of leomar
empty
empty
empty

Yung title ko pang sosyal pero yung content medyo walang sense (*laugh*).This is my novel that I wrote during quarantine period that had a title of When Death fell inlove to life, ito yung mga panahong wala akong cellphone, seryoso wala akong cellphone ng halos 3 buwan kase nasira ko. Sa sobrang gigil ko sa paglalaro napindot ko yung may Crack na part kaya ayun nagblack out yung screen ko, grabe yung kaba ko kase di ko maopen yung phone kaya nilagay ko siya sa bigas, hindi ko alam kung ano yung nagagawa ng bigas para gumana ulit yung cp pero effective daw yun kaya ginawa ko, nagmukmok muna ako sa kuwarto at umiiyak dahil sa "katangahan" ko, after 3 hours chineck ko kung gumagana pa, dasal nga ako ng dasal eh pero wala na sumuko na talaga ang cp ko, at ayun na ang simula ng napakaboring kong quarantine kase wala akong phone. Halos isang buwan din akong nagdadasal na mawala na yung quarantine para mapaayos ko na yung cellphone pero wala eh tumataas padin talaga ang cases ng CoVid kaya para mawala ang bored ko, nagisip ako ng story na pwede ko isulat, nung umpisa gusto ko sana yung mga kwentuhan na badboy yung lalaki tas poor girl yung babae kaso naisip ko corny ko naman pag ganun, tsaka madami na kaseng novel na ganun ang theme kaya nagisip ako ng kakaiba.

Naisip ko na what if ipasok ko sa story yung mga hilig ko, dahil nga superfan ako ng supernatural na series, naisip ko na ang magiging basis ng story ko is about Light, dark, supernatural creatures and especially ang two main characters ko is sina Death and Life, nung naisip ko na to dami na agad pumapasok sa isip ko na magiging daloy ng story pero ang mahirap ay kung paano ko gagawin at saan ko isusulat, at dahil nga wala akong phone, sa notebook ko sinulat yung story, bale may una na akong gawa pero nung binasa ko yung buo narealize ko marami pa akong babaguhin kaya nirevise ko yung story, may konti akong binago kase feeling ko masyadong mayabang yung pagpapakilala ko sa main character at mostly naghahalo ung mga point of views, merong first at meron ding third kaya naguguluhan tlaaga ako kaya ang ginawa ko nirevise ko yung story at merpn akong mga binago, sa totoo lang mahirap magsulat kase nga sulat kamay siya, marami nga akong walang tinta ng ballpen sa bag eh. Habang sinusulat ko yung story feeling ko masyadong mababaw yung basis at baka against ito sa anumang belief ng tao di kaya madamay ko yung name ni God, kaya hindi ko na lang spinecify ang ginawa ko mas ginereral ko yung character para walang may matamaan na anumang belief. Sa totoo lang nacocornihan ako sa story na gawa ko kase, first person point of view siya tapos ang main character is lalake, Ewan ko lang kung normal yun kase karamihan kase sa mga story na nababasa ko yung babae ang main character at naka 1st POV.

Oo nga pala ang inspiration ko kung bakit ko sinulat ang story na ito, ang totoo niyan dedicated talaga to sa naging ex girlfriend ko, yung character na babae sa story na ito ay may mga characteristics, favorite at ugali na katulad ng sa kanya, kahit nga birthday dito ng character na babae ay same din sa kanya, I don't know why dahik siguro mahal ko pa (laugh), thats why I'm inspired to write this novel or story, Ewan kung anong klaseng literature to pero sinulat ko na eh, hindi ko nga alam kung ano yung prolog at epilog eh. Nakasulat ako hanggang chapter 11, sobrang haba kase ng isang chapter at sulat kamay pa, inabot ng halos 2 months para masulat ko yung 11 chapters na yun at nawawala naman bored ko, kahit nga ako kinikilig sa sarili kong story (*laugh*). Bale hanggsng dun lang yung story kase hindi ko alam kung sino ang mamamatay, hala spoiled pa more, romantic story siya na puro kasiyahan at kilig pero babalik padin tlaga kase ang story sa original basis nito kaya kailangang may mamatay, naiisip ko kase na wag na lang patayin, what if mawalan na lang ng alaala. In the end kase yung story na ito ang magpapatunay na may mga bagay na papakiligin ka lang sa una pero in the end mararamdaman mong sinasaktan ka na pala.

4
$ 0.08
$ 0.05 from @carisdaneym2
$ 0.03 from @TheRandomRewarder
Avatar for leomar
Written by
3 years ago

Comments

Excited na ako basahin yung kwento pero natapos yung article mo na wala man lang kahit prologue 😂🤣 pero bet ko yung synopsis na article version 🤣 Grabe Hugot mo sa ex mong mahal pa pero dika laham😂 awts gege

$ 0.00
3 years ago

hahaha sa wattpad ko ipopost pag may time ako, nu ba ung prologue at epilogue?

$ 0.00
3 years ago

Aw8 ano username mo sa watty? Pwede naman dito publish mo din kikita pa ng malaki yung prologue introduction haha tas epilogue after ng ending kung ano mga naging ganap. For example sa ending kinasal sila tas epilogue mo nagkaroon sila ng anak ganon haha

$ 0.00
3 years ago

actually napost ko na iba dito hahah

$ 0.00
3 years ago

okay check ko nalang pag wala ako masulat na article

$ 0.00
3 years ago

ah okie hahaha

$ 0.00
3 years ago

eh ano nga username mo sa watty

$ 0.00
3 years ago

hahah wala laman un Equinox_Writer

$ 0.00
3 years ago