Join 54,696 users and earn money for participation

When Death Fell Inlove to Life: 1.4

0 7 exc boost
Avatar for leomar
Written by   13
1 month ago
Sponsors of leomar
empty
empty

This is the continuation of my story, putol putol kase siya, yung iba kung part ng story na ito dun sa isang account pero once na macomplete ko saka ko na ipagsama sama, ngayon hiwa hiwalay muna para kumita ng money para sa kinabukasan.

after 3 weeks, naging close kaming mga nasa likuran, ngayon ay araw ng sabado at kailangan naming tapusin yung project namin. Kahapon sabi ni Hanz wala daw malalate at ngayon kami palang ni Hannah dito, inaantay pa namin yung iba naming kasama, sa wakas may dumating na din pero bat ganun biglang bumilis tibok ng puso ko, bat parang bumabagal ang oras, nang papalit na siya, nagkunwari akong walang pakialam at tumingin sa ibang direksyon, "damnn why she's so beautiful in that dress".

"Pasensiya na guys medyo late ako, natraffic kase ako"

"Hindi pa naman late ah, tsaka wow ang ganda mo naman sa dress na yan, tlagang pinaghandaan mo itong ishoshoot natin ah" sabi ni Hannah

"Medyo hindi nga ako comfortable eh, paano ba naman para akong tanga sa damit na to (*laugh*)."

Ang saya naman ng paguusap ng dalwang to, para tuloy akong multo dito na hindi nakikita, akma ko na sanang kukunin yung earphone ko ng bigla akong kinausap ni Hannah.

"David? ano masasabi mo kay Lhaine?, hindi ka ba nagagandahan sa kanya (*smiling*) ang ganda niya kayaaaaaaaa."

"Uhmmm ok lang"

Biglang kumunot ang noo ni Hannah, hindi ko naman pwedeng sabihin na mas gumanda pa siya lalo sa suit niya kase siguradong maghihinala itong si Hannah, kita ko naman sa mukha ni Lhaine na medyo disappointed siya at mabilis niyang iniwas yung ulo niya.

"Seryoso ka David? Yun lang masasabi mo kay Lhaine? Lalaki ka ba talaga?" tanong sakin ni Hannah

Buti na lang at dumating na yung dalwa pa naming kasama kaya naiba yung usapan, napabuntong-hininga na lang ako, after 10 minutes dumating na si Hanz, mukhang di magiging maganda ang susunod na mangyayari dahil bakas na sa mukha ni Hannah yung inis.

"Aba! wala daw malalate pero tingnan mo nga naman, kung sino pa ang may sabi na walang malalate ay siya pa pala ang late!"parinig ni Hannah

"Sorry guys may emergency lang kaya ako nalate, Tara magsimula na tayo" Yaya ni Hanz

Bakas sa mukha niya yung lungkot ngayon, hindi naman siya ganyan dati, dahil kapag inaaway siya ni Hannah ay siguradong sasabat din siya at dun na magkakaroon ng away, pero iba ngayon parang may problema siya ngayon. Napansin rin siguro ni Hannah yung napansin ko kaya hindi na niya inaway si Hanz. Nagstart na kaming magshoot ng video, at hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanya at ganun din siya sakin, nahuhuli ko siya minsan na tumitingin sakin, boom ashumero na naman ako. Paano ba naman hindi ako kasama sa shooting, ako taga hawak ng mga props, Wow sa pogi kong ito, ginawa nila ako taga hawak lang ng props. Hindi naman ako pwede magreklamo kase para naman sa grades to. Halos mag aalas 4 na ng matapos kami, dahil narin siguro sa gutom kaya kami nagfood trip at aba langya, scammer ang mga kagrupo ko dahil ako pinagbayad, gusto ko sila pagtitirisin pero dapat maganda image ko kay Lhaine kaya kahit na nagngingitngit na ako sa galit para pagtitirisin tong mga scammer kong kagrupo ay nagbayad ako ng labag sa loob ko. Magkakasama yung tatlong babae na umuwi dahil iba yung direksiyon ng bahay nila, ako kase kelangan ko pa magcommute para makauwi samin, gusto ko sana magpasundo kay Mang Raul pero baka kase driver din siya ngayon ni Mommy kaya nagcommute ako kase sanay naman ako.

2
$ 0.00
Avatar for leomar
Written by   13
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments