Ikalawang Kabanata

0 34
Avatar for leomar
Written by
3 years ago
Sponsors of leomar
empty
empty
empty

Nang makapasok na ako sa loob ng unibersidad bigla akong kinilabutan sa aking nakikita. Ang dalawang tuhod ko ay nanginginig at ang mga balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, totoo ba ito?. Sinampal ko pa ang aking pisngi upang malaman kung ako ay nananaginip, pero nakaramdam ako ng sakit. Ibig sabihin nasa realidad ako. Ngunit hindi ko alam kung realidad nga ba talaga ito, hindi ako makapaniwalang nakikita ko ang sarili ko ngayon.Nakikita ko ang totoong ako na nakaupo sa may upuan na parang may inaantay na darating. Hindi ako pwedeng magkamali ako nga ang taong iyan, kabisado ko ang hubog ng katawan ko at kung paano ako kumilos. Ako nga ang taong iyan, ngunit kung nandito ako sa katawang iyo, Sino ang nasa katawan na iyan? tanong ko sa isipan ko.

Nais ko sanang lapitan ang totoong ako ngunit bigla na lang may tumawag sa aking pangalan, Ely halika na baka mapagalitan na naman tayo ni Mrs. Cruz dahil late na naman tayo sa klase niya sabi sa akin ng isang babae na hindi ko kilala, pero pamilyar siya dahil nakikita ko siya na kausap sa Messenger ng totoong may-ari ng katawan na ito. Sumama na lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang classroom ng totoong may-ari ng katawan na ito. Habang papalayo ako dun sa totoong ako hindi padin mawala wala sa isip ko ang nasaksihan ko.

Habang nasa loob ako ng klase, parang lumilipad ang isip ko at hindi ko namalayan na tinatawag na pala ng guro ang aking apelyido. Sanchez!!!!! mukhang malalim ata ang iniisip mo, sagutin mo ang tinatanong ko. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung ano ang tanong buti na lang at inulit ng guro ang tanong kaya nasagot ko naman.Nagulat ang buong klase at napatingin silang lahat sa akin para bang hindi sila makapaniwala na nakasagot ako, pagkalipas ng 40 minuto sa wakas natapos din ang klase. Nagpaalam na ang guro at hindi ko alam na recess na pala, may mga lumapit na mga kababaihan sa akin at gulat na gulat sila. Kailan kapa naging magaling sa Math Ely bakit mo alam kung anong formula ang gagamitin para masagot ang nasa pisara? Bigla akong nagulat wag mo sabihing hindi katalinuhan ang babaeng ito? napangiti na lang ako sa kanila at inaasar asar na nagbagong buhay na ako.

Buti na lang nakatakas ako sa mga tanong na hindi ko naman alam kung anong isasagot dahil nga hindi naman ako ang tunay na Elyzabeth, isa lamang akong lalaki na napunta sa maling katawan at napadpad sa mundong hindi ko maintindihan. Inaya nila akong pumunta sa canteen para kumain at hindi naman ako makatanggi dahil siguradong kaibigan ang mga ito ni Elyzabeth, heto na naman kailangan kong magpanggap na babae at maglakad na mala Maria Clara, naiinis ako dahil sobrang ikli ng pambaba ko kaya halos makita ang kaluluwa ko,bukas na bukas talaga magsusuot na ako ng mas mahabang pambaba para hindi ako pinagtitinginan ng ibang estudyante. Habang nasa canteen kami ay nakita ko ang totoong sarili ko na naglalaro ng badminton, naiingit ako parang gusto kong hamunin ang sarili ko sa larong badminton, kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa quadrangle para hamunin ang sarili ko na maglaro. Hinubad ko ang jacket na suot ko at itinali sa bewang ko para matakpan ang pambaba ko.

Lumapit ako dun sa kalaban ng sarili ko at tumitig lang ako sa kanya, mukhang alam niya na gusto kong hiramin ang raketa na meron siya. Siguro ay nadaan siya sa ganda ng mukha na meron ako kaya pinahiram niya ako, ngumiti ako dun sa totoong ako at sinimulang ibato ang bola, kabisado ko ang galawan ng sarili ko sa larong ito kaya madali lang para sakin ang talunin ang sarili ko. Pero hindi ko inaasahan na parehas kaming magaling at walang natatalo, inaasahan ko na yan dahil magaling naman talaga ako sa larong ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinalik ko na agad ang raketa dun sa lalaki at bumalik sa canteen. Pagbalik ko doon ay nakatulala na nakatingin sa akin ang mga kaibigan ni Elyzabeth parang hindi sila makapaniwala na naglalaro ng badminton ang totoong may -ari ng katawan na ito.

Saan ka natutong maglaro ng badminton Elyzabeth? tanong ng isang babae, sinabi ko na lang na nag-eensayo ako sa bahay kaya marunong ako. Umupo na ako sa tabi nila at nagpapanggap, nagpatuloy ang mga usapan nila at sa tuwing may tinatanong sila sa akin ay tumatango na lang ako at nakikitawa sa kanila. Kailangan ko na talaga pag-aralan kung paano nabubuhay si Elyzabeth, mga tao sa paligid nito at mga hilig nito para hindi ako mapaghalataan ng mga tao na hindi ako ang tunay na Elyzabeth. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng classroom.

Pagdating namin sa classroom may lalaki na nakaabang sa pintuan at parang may inaantay, biglang nagtilian ang mga estudyante at nagsitinginan sila sa akin, saka ko lang napagtanto na nanliligaw pala ang lalaking ito sa totoong may-ari ng katawan na si Elyzabeth, hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang gusto kong sabihin sa kanya na di tayo talo, lalaki din ako pre, pero hindi pwede kailangan ko parin na gampanan ang pagiging isang Elyzabeth. Natigil lang ang eksena ng dumating ang isang guro, ito pala ang guro namin sa Kemika, agad nag-sialisan ang mga estudyante at bumalik sa kaniya-kaniyang classroom. Habang nagkaklase sa Kemika ay biglang may pinasagutan sa amin ang guro, isang pagsasanay. Isinulat ko ang aking pangalan at nagtanong ako sa katabi kong babae kung anong petsa na ngayon. Lubos kong ikinagulat ang nalaman ko nasa taong 2017 palang ako.

Abangan....

0
$ 0.00
Avatar for leomar
Written by
3 years ago

Comments